Chapter 55

132K 2.6K 156
                                    

Kylie's Pov

Mabilis dumaan ang mga araw at Christmas Vacation na namin ngayon. Napagdesisyunan nila Daddy na sa California kami ngayon mag Christmas para mabisita na din namin sila Lola na Mommy ni Daddy. December 20 ng umalis kami ng Pilipinas. Bago kami umalis ay nagdate muna kami ni Blake ng buong araw. 2 weeks din kasi kaming mags-stay doon. Dun na din kami mag n-new year kaya sinulit na namin ang araw namin kahapon.

Kasalukuyan kaming nags-skype ngayon ni Blake. Nakadapa ako sa kama ko habang kumakain ng chips at pinapanood siyang gumalaw para buksan ang kaniyang TV.

I miss this guy so damn much!

Nagulat ako ng lumitaw bigla ang mukha niya sa screen ng laptop ko.

''I miss you.'' Aniya.

Napabuntong-hininga ako. ''I miss you too.'' Sabi ko at yumuko.

''Hey, I wanna see your face. Sa screen na nga lang kita nakikita, yuyuko ka pa.''

Tumunghay naman ako at napangiti ng nakitang naka-pout siya. Sheez, I miss those lips too.

''You're looking at my lips. Do you miss this already? Huh?'' Aniya at ngumisi.

Napasimangot naman ako agad.

''Alam mo, kung magkasama lang sana tayo ngayon nasapak na kita.''

''Ohh, mas gusto ko ang sapakin mo ako basta't kasama kita. Kesa naman na nandyan ka, I feel so sad, you know.''

Napachuckle naman ako. Baliw talaga 'tong lalaking 'to. Pero sabagay, mas gugustuhin ko din na kasama ko siya kahit nagsasakitan kami. Kesa naman sa magkalayo naman kami.

''It's already December 24. 10 days na lang at magkikita na tayo. I can't wait to see you.''

''Me too. Christmas na christmas bukas hindi kita makakasama. Pati sa new year. God, Kylie! Please, umuwi kana. I miss you so much!'' Aniya at niyakap ang unan niya.

Ngumiti naman ako sakaniya.

''Isipin mong ako 'yang unan na yakap yakap mo para naman hindi mo ako masiyadong mamiss.'' Sabi ko at tumawa.

Tinignan niya muna ang unan na yakap yakap niya bago ihiga ang ulo.

''Ang sayang isipin kasi at least nayayakap kita kunwari. Pero hindi eh, mas gusto ko pa din sa personal. Dahil naiisip ko ngang ikaw 'to pero hindi mo naman ako niyayakap pabalik. Kaya mas gusto ko sa personal.''

Napangiti ako at tinignan siyang nakatingin sa unan.

Sa apat na araw na pananatili ko dito si Blake lang lagi ang naiisip ko. I was wondering if what is he doing while I'm not around? Kahit na nags-skype kami araw araw ay iba pa rin 'yung nakikita at nakakasama mo siya ng personal araw araw.

''Did you eat already?'' Tanong niya.

''Yup, ikaw?'' Tanong ko pabalik.

''Hindi pa. Mamaya na ako kakain pagkatapos nating magskype.'' Aniya.

''Baliw ka talaga! Kumain ka muna. 'Di ba sabi ko sa'yo 'wag kang magpapalipas?'' Sabi ko at nagpoker-face.

Natawa naman siya ng bahagya.

''Okay okay. Pero pwede bang pagkatapos na lang talaga nating magskype? Gusto pa kitang makausap eh.'' Reklamo niya. ''Ang cute mo kahit a nakapoker face ka.''

''Hay, okay, basta kumain ka pagkatapos nating magskype ah?'' Sabi ko.

Tumango naman siya kaya nagusap na ulit kami. Kinwento niya sa'kin ang mga nangyayari sakaniya. Ang pangungulit sakaniya ni Vanessa. Tss, that bitch! Hindi pa talaga siya tumitigil. Porket wala lang ako sa paligid niya. Yari siya sa'kin pagbalik ko.

Campus Nerd To Campus Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon