Chapter 38

109K 3K 124
                                    

Kylie's Pov

Ang hirap. Hindi ako sanay na hindi kami nagpapansinang anim. Nasa tabi ko lang si Kiara pero parang invisible ako sa paningin nila. Hindi talaga ako sanay. Gustong-gusto ko silang kausapin pero hindi ko magawa dahil baka mapahiya lang ako, dahil baka hindi nila ako pansinin.

Nang dumating ang break time ay tumayo agad sila Kiara. Narinig ko pa nga ang pinaguusapan nila habang inaayos ko ang bag ko.

"Saan tayo kakain? Caf? Or tambay na lang? Gutom ba kayo?" tanong ni Ara.

"Hmm, chips lang gusto ko. Ang dami kong nakain kanina bago ako pumasok eh. Si Mommy kasi." singhal ni Ericka.

"Eh kayo?" tanong ulit ni Ara.

"Wala. Ayokong kumain. Nagpapa-payat ako." - Doms

"Nagpapa-payat kapa? Eh payatot kana nga. Konti na lang magmumukha ka nh malnourish." asar sakaniya ni Jai.

"Wow ha! Nakakahiya naman kasi sa'yo puro ka bilbil." mataray na sagot ni Doms.

"Away pa kayo eh. Tara na nga." singit ni Kiara sakanila.

Matagal na katahimikan ang bumalot sakanila. Kaya nang matapos ako ay kinuha ko agad ang bag ko at lumabas para pumuntang Cafeteria. Nagugutom ako eh.

Panay ang tingin saakin ng mga estudyanteng nadadaanan ko. Mukhang nagtataka sila kung bakit ako lang mag-isa. Hindi ko na lang pinansin 'yun at nagtuloy sa paglalakad.

Nang makarating ako sa Caf. ay pumila agad ako para maka-order. Lumingon saakin ang nasa unahan ko at mukhang nagulat siya. Agad naman siyang humarap at mukhang may binulong sa nasa unahan niya. Hindi ko na lang pinansin 'yun pero maya maya lang ay nahati sila. Ang iba ay nasa right side at ang iba naman ay nasa left side.

"Uhh? Bakit kayo nahati? Anong meron?" nagtataka kong tanong.

Nagkamot-ulo naman ang isang lalaki na nasa right side ko.

"K-kasi po kayo dapat ang mauna." sambit nito.

Kumunot naman ang noo ko. "Ha? Bakit naman? Okay lang naman sa'kin na kayo ang mauna, eh?" sabi ko ng nagtataka.

"Hindi po. Sige po, kayo na po ang mauna." sabi ng isang babae sa left side.

Napangiti naman ako.

"Naku! Don't treat me special. Gusto ko normal lang. Okay lang nga sa'kin na i-trato niyo ko gaya ng pagt-trato niyo saakin nung nerd ako." sabay chuckle ko.

Nanlaki naman ang mata nila.

"N-nakakahiya naman po. Okay lang naman po samin na kayo ang mauna." sabay ngiti ng isang babae mukhang Sophomore ito.

''Pero sa'kin hindi okay. Kaya sige na, balik na kayo sa pila. Okay lang sa'kin.'' sabay ngiti ko.

Nagaalinlangan naman silang bumalik sa pila nila. Ako naman ay nilabas na lang ang cellphone ko.

''Nagbabait-baitan ka pa. Pakitang tao.''

Napalingon naman ako sa nagsalita. Sino pa ba? Edi si Vanessa kasama ang kaniyang mga alipores.

''Hindi ako nagpapakitang tao, Vanessa.'' sambit ko.

Narinig ko naman siyang tumawa.

''Liar. Kung talagang hindi ka nagpapakitang tao ano sa tingin mo ang ginagawa mo ngayon? Tss.'' sabay irap nito.

''I don't want a fight, Van.''

''What if I want?'' sabay taas ng isa niyang kilay.

Napasinghap ako. 'Wag niya na sanang dagdagan pa ang problema ko.

''Please, Vanessa. Back off.'' sabi ko.

''Please? Huh! Sorry but I don't know the meaning of 'please' because as far as I know, nung sinabi ko sa'yo 'yan ay hindi mo ko pinagbigyan. You're too selfish, Kylie. Too selfish.'' sabi niya sabay ngisi.

''I'm not selfish! My god, Vanessa! Hindi porket hindi ko lang ibinigay sa'yo ang gusto mo ay magiging ganiyan kana! Hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo!''

At pagkasabi ko nun ay mabilis na lumipad ang kamay niya sa pisngi ko. Hindi ko napansin ang mabilis niyang paglapit.

''Wala kang karapatan para sabihin sa'kin 'yan! Remember who you're talking to, I'm Vanessa Alexza Santiago if you forgot.'' 

Magsasalita na sana ako ng may nagsalitang isang babae.

''Wow! Kung makapag-salita ka naman, Rank 1? Eh dapat nga sa'yo sinasabi 'yan ni Kylie eh! You're just a Santiago but she's a Dela Vega!'' 

Liningon ko 'yun at nakitang nasa isang table siya. Mukhang Senior ito. Kasama niya sa table na 'yun ay ang mga babae at ilang lalaki.

Liningon din naman siya ni Vanessa at nakita ko sa mga mata ni Vanessa ang galit.

''Who are you to tell that to me, Miss?'' sabay taas ng isa niyang kilay.

Ngumisi naman ang babae.

''That's what you need to find out, Princess.'' aniya.

''I don't care if I'm just a Santiago. Santiago's still a strong family. That's why I can take this selifsh girl down.''  sabay tingin niya sa'kin.

''If you can.'' sabi ko ng buong tapang.

''I can. Kaya 'wag kang mag-easy-easy diyan. Goodluck. Ciao, selifsh girl!'' sabay talikod niya sa'kin.

Sinundan ko lang siya ng tingin.

Tama siya. Ang mga Santiago malalakas. Pero kahit na mas malakas pa ang mga Dela Vega feeling ko ay matatalo ako sakaniya. Iba si Vanessa. Akala mo siya ang Dela Vega saaming dalawa dahil sa fighting spirit niya.

''Kaya mo 'yan, Ate Kylie. Nandito kami para sa'yo. Tutulungan ka naming labanan si Ate Vanessa.'' sabi ng isang Sophomore.

''Thank you.'' sabay ngiti ko.

Tinignan ko ang relo ko. Gahd! Five minutes bago ang susunod kong subject. Inubos ni Vanessa ang oras ng break time ko! Ugh.

May kumalabit sa'kin. Lumingon naman ako.

''May nagpapabigay po Ate.'' sabi ng babae sabay lahad sa'kin ng isang burger.

''Huh? Sino naman daw?'' tanong ko sa babae.

''Basta po Ate. Sige po time na po ng susunod kong subject. Ayiie! weet niya po sa'yo ah!'' sabay tawa niya.

Napatawa naman ako.

''Hahaha! Sige. Kung makita mo man siya ulit pasabi thank you.'' sabay ngiti ko.

''Sige po.'' at tinalikuran niya na ko.

Nac-curious ako kung sino ang nagbigay nitong burger na 'to. 

Tinignan ko ang burger at nakita kong may nakasulat dun sa plastic.

''Eat well. Binilhan kita nito dahil alam kong hindi ka makakakain. Inubos ni Vanessa ang oras ng break time mo. So, eatwell! Je't aime.'' 

Nang mabasa ko 'yun ay ewan ko pero napangiti ako. 

I wanted to say thank you for the one who bought this for me. Kaso ubos na oras ko.

Tumakbo na ako pabalik sa room at sakto naman na papasok pa lang si Sir. Sabay na kaming pumasok at nag-lecture na siya habang ako pasimpleng kagat sa burger ko.

~#~#~#~#~#

Hello! So ako'y magpapaalam aking mahal na readers :) ang susunod po na UD ay sa next week. Sunday or Monday. So pwedeng next next  week. Okay, so bakit? Kasi po exam na namin next week at magkakaron ng program for Buwan ng Wika kaya busy talaga ang week ko nun. So ayun :) sana nagustuhan niyo itong UD ko.

Thank you for supporting. Lovyah! <3 :*

Campus Nerd To Campus Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon