Nagising ako dahil sa ingay ng paligid. Nakatulog pala ako. Ang huling naalala ko lang ay nakarating kami rito ni Blake. Kinausap siya ng nurse tapos ako pilit kong nilalabanan yung pagpikit ng mata ko. Pero mukhang dahil sa nangyari hindi ko napigilan kaya nakatulog ako.
Gumaan naman kahit papano ang pakiramdam ko. Mukhang kailangan ko lang talagang ipahinga 'yon sa pamamagitan ng pagtulog. Medyo masakit pa yung ulo ko pati braso pero mas kaya ko na siyang tiisin hindi katulad kanina na kumikirot talaga.
"Ingay," reklamo ko at pinilit ang sarili kong maupo sa clinic bed.
Ang sakit pa talaga ng ulo ko. Grabe naman kasing pagsabunot yung ginawa nila kanina. Gusto na ata nilang tuluyan akong mawalan ng buhok.
"She's awake!" si Ara ang nakapuna sakin dahil siya ang malapit sa pwesto ko.
"Masakit pa ba ulo mo?" nag-aalalang tanong ni Kinah.
"Ayos lang ako. Si Doms ang kamusta? Nasan siya?"
"I'm here,"
Hinanap ng mata ko si Doms. Nakita ko siya sa gilid. Nakaupo. Pinagmasdan ko ang kabuuan niya at napansing dalawang band aid ang nakalagay sa bandang braso niya.
"Nadamay ka pa. Sorry..."
"Anong nadamay? You don't need to say sorry, Ky! Kung nandun lang din kami kanina baka nakisali pa kami. You were just outnumbered kaya kayo nasugatan!" inis na sambit ni Ericka.
May isang tao ang sumagi sa isip ko. Hinanap siya ng mata ko rito sa loob ng clinic pero wala siya. Nahihiya naman akong magtanong kaya pilit kong pinigilan ang sarili ko na tanungin sila Ara tungkol kay Blake. Mahirap na. Nandito pa naman si Kinah.
"Bakit nandito kayong lahat? Balik na tayo sa klase."
"Sige, balik ka. Ikaw lang mag-isa ro'n,"
"Huh?"
"Tapos na klase. Baka akala mo ilang minuto ka lang nawalan ng malay? Four thirty na, girl. Ilang oras ka ring tulog." si Jai ang sumagot sakin.
"Seryoso?" Gulat kong tanong.
Ganun ba kalala yung nangyari kanina kaya pakiramdam ko pagod na pagod ako?
"Oo. Pero 'wag kang mag-alala. Nasabihan naman yung mga subject teachers tungkol sa nangyari kaya excused ka sa last three subjects na natira."
"E yung gamit ko? Nasaan?"
Napansin ko kasing wala rin yung bag ko. Tignan mo 'tong mga 'to. Mukhang nakalimutan pa yung bag ko.
"Hala! Sorry! Lumabas kasi agad kami pagkatapos ng klase. Ayaw kasi kaming payagan nung after lunch na bantayan ka muna rito. Masyado raw kaming marami." Nataranta bigla si Kinah. Pinigilan ko yung pagtawa ko. Grabe. Nag-panic agad parang ayun lang naman hinanap ko.
"Text niyo si Ate Love. Papunta na siya rito, 'di ba? Sabihin niyo daanan yung gamit ni Kylie sa room." sabi ni Ericka.
"Nagugutom ka ba, Ky? May binili kami kanina. Hindi ka rin nag-lunch kaya medyo marami 'tong binili namin." Nilapag ni Jai ang isang paperbag. Tsaka ko lang napagtanto na nagugutom nga ako nung makita ko yung tatak ng isang sikat na fastfood.
"Ikaw, Doms? Kumain ka na rin ba? Parehas tayong hindi nag-lunch kanina."
"Tapos na. Kainin mo na 'yan. Sobrang lipas ka na sa oras nakakain ngayon."
Inabot ko ang paperbag tsaka binuksan. Medyo marami nga 'yon pero mukhang mauubos ko. Nakakahiya man pero anong magagawa ko? Gutom ako, e.
"Bakit naman hinayaan mong ganun-ganunin ka, Kylie? Nakakainis tuloy! Wala manlang kami ro'n!"
BINABASA MO ANG
Campus Nerd To Campus Queen (Completed)
Teen FictionCampus Nerd to Campus Queen? Pwede nga bang mangyari iyon sa buhay ni Kylie Michell Natividad? Oh forever na siyang Campus Nerd? READ MY STORY TO KNOW ^_^