Chapter 30

119K 3K 117
                                    

Kylie's Pov

Tatlong araw na ang nakalipas simula ng makita ko sila Blake sa mall.

Ngayong tuesday na ay parang wala lang nangyari. Ang pinagkaiba lang ay ngayong Tuesday na 'to magkatabi na sila Alexza at Blake hindi katulad last tuesday na akala mo hindi sila magkakilala.

Bakit? Anong meron sakanila? Bakit gustong-gusto kong malaman?

"Ms. Dela Vega, are you listening?" tanong sa'kin ng Physics Teacher namin.

Tumayo ako at, "O-opo." sabi ko.

"Be sure. You may now take your sit."

Pagka-upo ko ay nakita ko pang ngumisi at bumelat sa'kin si Alexza sabay irap.

Hindi ko na lang pinansin 'yun. Lumingon ako kay Blake at sa hindi sinasadyang pangyayari ay nagkatinginan kami. Hindi ko naman alam na nakatingin pala siya sa'kin.

Agad kong iniwas ang tingin ko at sinubukang makinig kay Mam. Kaso hindi ko magawa! Nagf-flash pa rin sa isip ko ang mata ni Blake.

"Uyyy! Nakita ko 'yun! Ayiie. Kinikilig ako!" kinikilig na sabi ni Ericka.

Nilingon ko siya.

"Shh! Marinig ka ni Miss Physics." mahina kong sambit.

Kinagat niya naman ang labi niya para pigilan ang kilig.

Napangiti na lang ako ng bahagya at tuluyan ng nakinig.

"Class dismissed." sabi ni Mam.

Pagkalabas niya ay agad naghiyawan ang mga kaklase ko.

"Wooh! Tapos din ang napaka-boring na subject!"

"Oo nga! Sobrang nakakaboring! Buong oras ata ni Mam nakatingin lang ako kay Alexza!" sigaw ng lalaki kong kaklase.

Patuloy lang sila sa paghiyawan ng biglang bumalik si Mam.

Agad namang napatahimik ang mga kaklase ko at nagkunwaring hindi sumigaw. 'Yung iba ay kunwari nakatingin sa bintana, 'yung iba naman ay kunwaring nagd-doodle.

Natawa naman ako ng bahagya.

"Sino 'yung mga sumigaw?" masungit na sabi ni Mam.

"H-huh? W-wala p-po Mam!" sigaw ni Raph, 'yung sumigaw ng nakatingin lang siya the whole time kay Alexza.

"You sure II-Capricus?" mataray na sabi ni Mam samin.

"YES MAM!" sabay sabay naming sigaw.

Tinalikuran niya na kami at umalis na.

Nakita ko namang binelatan siya ni Alexza at sinabihan ng, "Mamatay kana!"

Napailing na lang ako at hinintay ang susunod naming Teacher.

"Announcement: To all Eastonians, I'm sadly to say that you will not have your next subject. All faculty members will have an emergency meeting. That's all! Thank you."

Pagkatapos nun ay nagtakbuhan na ang mga kaklase ko palabas. Akala ko mga aso na hinahabol ang isang stick sa paunahan sa paglabas.

Tumayo na ko at tinignan sila Ara.

"San tayo?" tanong ko.

"Hmm. Park tayo? Game?" tanong samin ni Ericka.

"Sige tara!" sabay sabay naming sabi.

Akmang aalis na kami ng biglang magsalita si Beshy.

"Teka! Ayain natin si Ate Love! Wala din naman silang klase 'di ba?" - Jai

"Oo nga pala! Tara!" masiglang sabi ni Ara.

Nasa pinto na kami ng biglang lumitaw si Ate Love na hingal na hingal.

"Speaking of." sabi ko.

"Hi guyyys! Grabe! Tumakbo pa talaga ako para lang maabutan ko kayo." hingal niyang sabi samin.

"Natouch kami, Ate Love." sabi ni Jai.

"Dapat lang no! Nageffort ako!" - Ate Love

"Oo na. Tara! Punta na tayong park." - Ara

"Tara na." sabi ni Ate Love.

Naglakad na kami papuntang Main Gate. Palabas na sana kami ng tinawag kami ni Manong Guard.

"San kayo pupunta?" tanong nito saamin.

Siniko naman agad ako nila Ara.

"Sa park lang po, Kuya. Babalik din po kami." paalam ko.

Tinitigan ako nitong maigi bago magsalita.

"Ma'am Kylie? Naku, Ma'am! Pasensya na ho at hindi ko kayo nakilala. Sige po, balik po kayo. Sorrt po ulit." Manong Guard.

"Okay lang Kuya! Sige po! Salamat po ulit." sabi ko at lumabas na.

Hindi ko alam kung mao-offend ba ko sa sinabi ni Manong Guard na hindi niya ko nakilala. Ganun ba ko ka-nerd para hindi mahalatang isa akong Dela Vega?

Pero may side pa rin naman saakin na natutuwa dahil hindi ako madaling kilalanin ng ibang tao.

Nang makarating kami sa Park ay tumakbo na agad sila sa swing.

Ako naman ay umupo muna sa isang bench.

Tinignan ko muna ang paligid ng parke. Dito, dito kami lagi tumatambay.

"KYLIEEEE! TARA DITO SALI KA!" aya sa'kin ni Ate Love.

Tumayo na ko at pumunta sakanila.

"Game! Ano gagawin?" tanong ko.

"Laro tayo!" aya ni Ara.

"Anong laro?" tanong namin.

Mukhang nag-isip naman muna siya.

"Aha! Tagu-taguan tayo!" sabi niya bigla.

"TAGU-TAGUAN?!" sabay sabay ulit naming sigaw.

"Ah-huh. Bakit? Ayaw niyo?" Ara.

"Hindi! Gusto namin! Game!" sigaw ni Beshy.

"Maales-taya muna tayo." Ara.

Nag maales-taya na nga kami at si Ericka ang taya.

Tumakbo na kami ng narinig naming magbilang si Ericka.

Tumakbo ako sa isang puno at nagtago sa likod nito.

"GAME?!" sigaw ni Ericka.

"GAME!" sigaw naming lahat.

Nakikita ko sila Ate Love dito. Nagsesenyasan pa nga kaming anim.

Tinignan ko ang punong pinagtataguan ko at nagulat ako sa nakita ko.

Wrong tree. Nakita ko ang inukit naming number 1 ni .... nevermind.

Bago pa ko maiyak ay nahuli na pala ko ni Ericka.

I'm clearly sure. Hindi pa nga ako nakakamove-on.

Campus Nerd To Campus Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon