Nakarinig ako ng bagay na bumagsak sa gilid ng kama ko. I tried opening my eyes but I just really feel sleepy.
Tumunog muli ang alarm ng cellphone ko. Kinapa ko iyon sa side table na mayroon ako pero hindi ko makapa. Humaba na ata ang kamay ko at umabot sa dulo wala pa rin akong makapa.
"Aw!"
Tuluyan akong nagising dahil sa pagbagsak ko sa sahig. Nakabalot pa sakin ang comforter kaya nahirapan akong makaalis. Nang matanggal ko ang comforter sa katawan ko ay nakita ko ang cellphone ko na nasa lapag.
"Hala ka!" Nag-panic ako dahil akala ko nabasag na ang screen ko. Ito pala yung bumagsak kanina?!
Anong oras na ba at parang nakakailang alarm na yung phone ko? Pinindot ko ang power button ng phone ko at namilog ang mata ko nang makitang thirty minutes na lang bago mag-start ang klase!
"Oh my God!"
Hinawi ko agad ang comforter sa katawan ko at kumaripas ng takbo papunta sa banyo. What the hell! Bakit hindi tumalab ang alarm sakin ngayon?! Oh! Actually, it did! I was just really sleepy that I keep turning it off.
And who's fault is it?
"I just miss you, Ky. I miss everything about you. Why do we need to think about what others would say? Can't we stay like what we are already?"
"Why?" I asked. "I can suffer, Blake. But can you? You know that sticking with me means making your life horrible."
"If being with you means experiencing horrible things, then I'll gladly hold your hand."
Sino ba naman ang makakatulog ng maayos kung ganyang mga salita ang bibitawan sayo? PLUS the fact na I like him! See? See?!
"Aw!" Nasobrahan ata ako sa pag-shampoo sa ulo ko. Bakit ba ako nanggigigil?
Binilisan ko ang kilos ko. Pati sa pagkuskos at paglilinis ng mukha. Sa pagbibihis wala akong problema dahil hindi naman ako nag-aayos ng husto. Nang matapos ako, kumaripas ako ng takbo pababa habang sinusuot ang sapatos ko. Mabuti na lang PE ngayon kaya kumportable ako sa paggalaw. Hawak-hawak ko ang bag ko sa kabilang kamay ko habang ang isa ay sinusuot ang sapatos ko.
"O, Kylie? Akala namin hindi ka papasok," si Ate Melody. Nagliligpit siya ng mga pinagkainan.
"Kakaalis lang nila Kuya?"
"Umalis na kanina pa si Sir Kian. Kakaalis lang ng ate mo pati nila daddy mo."
Sayang!
Humablot na lang ako ng sandwich. Pinatawag ko na rin ang isa pang driver namin para ihatid ako. Pagkalabas ko ng bahay sumakay agad ako sa sasakyan.
"Kuya, pakibilisan po." Tumango naman ito sakin.
Napakapit ako sa seatbelt ko dahil sa bilis. Pakshet. Ang bilis nga?! Hindi naman 'to sports car pero feeling ko titilapon ako sa bilis!
"Ingat po!" Hindi ko na siya nilingon nang sabihin ko iyon. Tinakbo ko agad ang loob ng school para makaabot sa room.
I glanced at my wristwatch while running and saw that I'm already ten minutes late. Napairap ako dahil sa oras. Nagmamadali ako tapos late na rin naman pala ako. Ano pang sense?
Pero baka pagalitan ako! Tinakbo ko na lang ulit kahit malapit na. Habang nasa hagdan ako may nabangga ako pero hindi ko na pinansin kung sino 'yon.
"Ky—"
"Sorry!"
Huminga ako ng malalim pagkarating sa tapat ng pintuan ng room. Napasilip ako sa salamin ng classroom at nakitang nagsasalita na sa harap ang first period teacher namin. Kinalma ko ang sarili ko at kakatok na sana pero may nauna sakin.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd To Campus Queen (Completed)
Teen FictionCampus Nerd to Campus Queen? Pwede nga bang mangyari iyon sa buhay ni Kylie Michell Natividad? Oh forever na siyang Campus Nerd? READ MY STORY TO KNOW ^_^