Chapter 29

128K 3.1K 220
                                    

PS- ABOUT KIARA&JOHN ANG BUONG CHAPPY :)

Kiara's Pov

Ugh! I hate weekends! Ang boring boring! Tinignan ko ang orasan ko sa gilid ng kama ko at 11am pa lang pala!

*Grrrr grrr*

Nagugutom na ko. Nagtali na ako ng buhok at bumaba na.

Dumiretso ako sa kusina at nakita ko dun ang Ate ko.

"Morning Ate. Sila Daddy?" tanong ko sakaniya.

"Maagang umalis si Daddy. Si Mommy naman nasa kwarto nila."

"Ooh. I see. May lakad ka ngayon Ate?" tanong ko at umupo sa upuan ko.

Kinuha ko ang tinapay at nutella pati at Spatula at ipinalaman ko ang nutella.

"Hmm, wala naman. Bakit mo natanong?" tanong ni Ate sa'kin.

"Boring eh. Mall sana tayo." pagaaya ko.

"Sige ba! I missed bonding with you na din naman! Anong oras?" excited na tanong ni Ate.

Ininom ko muna ang tubig na nasa harap ko at sinagot si Ate.

"It's up to you, Ate. Anong oras mo ba gusto?" balik tanong ko.

"Hmm. Mamayang 12. Maligo kana at maliligo na din ako." sagot niya at umakyat na.

Hindi naman halatang excited siya masiyado.

Umiling na lang akoat umakyat na din sa kwarto ko.

Naligo na ko't nagbihis. Simple lang naman ang suot ko ngayon. Jeans at shirt lang na kulay purple na may nakalagay na, 'Single' at naka-flats lang.

Kinuha ko ang mini-backpack ko at inilagay ko dun ang Cellphone, wallet, lip gloss at powder.

Bumaba na ako at nakita ko dun si Ate na nasa pinto.

"Nagpaalam kana kay Mommy?" tanong ko.

Nasapo naman niya ang noo niya at umiling.

Hayyy nako. Sa sobrang ka-excited-an nakalimutan ng magpaalam -_-

Umakyat na ko ulitat kumatok sa kwarto ni Mommy.

"Mommy?" tanong ko.

Bumukas naman ang pinto at sumalubong sa'kin ang Mommy ko.

"Punta lang po kaming mall ni Ate." sabi ko.

"Okay. Ingat kayo." sagot niya at isinara na ang pinto.

Suminghap ako at ngumiti. Kaya mo 'to, Kiara.

Bumaba na ko at pumunta ng pinto.

"Tara na Ate. Pumayag na si Mommy." sabi ko at lumabas na.

Pagkapunta kong garahe hinarap ko si Ate.

"Ferrari, Porsche?" tanong ko.

"Porscheee! I missed riding there." excited na sabi ni Ate.

Gahd! Parang ako pa ang mas matanda kay Ate eh.

May pagka-isip bata kasi si Ate. Tss. Kung umasta akala mo walang boyfriend.

Hinagis ko na sakaniya ang susi ng porsche niya.

"Yehey! I'm driving! Wooh." sigaw ni Ate.

"Ate! Para kang bata." suway ko.

"Whatever, sister!" at sumakay na siya.

Sumakay na din ako at nagshades na.

Mall! Here we coooomeee~!

Campus Nerd To Campus Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon