Chapter 51

132K 3.1K 309
                                    

Blake's Pov

Fuck! Fuck! Fuck! Napapamura na lang ako sa saya. I'm so happy right now! Kayakap ko ang taong mahal ko! Ang taong gustong-gusto kong makapiling muli.

"Yiiiiie!" Sigaw ng mga tao sa paligid namin.

I really love this girl. Ayoko siyang pakawalan. Ayoko.

"Blake, tama na. Bababa na tayo." Sabi niya sa'kin.

Napawi ang ngiti sa labi ko. Ayoko. Kakasabi ko lang na ayoko siyang bitawan.

"Hindi pa, Kylie. Wala pang sinasabi na bababa na tayo." Pagdedepensa ko.

Kita ko sa gilid ng mata ko ang maraming flash. Sige lang, picture pa. Gusto kong ipost niyo 'yan sa website natin. Gusto kong ipaalam sa lahat na akin lang ang babaeng 'to.

"Naks naman! Ang sweet naman ng Mr. & Ms. Intramurals natin. Nilalanggam na kami dito oh, pati ang mga judges! Jusko! Hindi ko alam na may gantong kasweet na couple dito sa University na ito." Sabi ng host saamin.

At sa sinabing 'yun ng host ay kumalas na sa yakap si Kylie. I looked at her then I smiled. Mahal na mahal ko talaga ang babaeng 'to.

Nilingon niya ako at ngumiti din.

"Pwede na kayong bumaba. Congratulations again! Bagay kayo super. Stay strong!" Sabi ng host at kinindatan kami.

Stay strong? How I wish kami nga.

Bumaba na ako at inalalayan ko si Kylie ng makita kong pababa na din siya.

"Dapat inaalalayan ang mga magagandang katulad mo." Sabi ko.

"Bola pa." Sabi niya.

Tumawa naman ako. Hindi ko naman siya niloloko.

"I'm just saying the truth." Sabi ko.

Nagkibit-balikat naman siya. "Okay. Sabi mo eh." Sabi niya at bumitaw sa pagkakahawak sa kamay ko. "Thank you. Puntahan ko na mga kaibigan ko ah? Congrats sa'yo!" Pagpapatuloy niya at tumalikod na para puntahan sila Jai.

I smiled. How I wish that girl is mine.

Naglakad na ko papunta kila Bryan. Nakita ko silang nakangisi. Well, hindi na ko magtataka. Alam ko naman ang dahilan.

Pagkarating ko sa mga nakangising kaibigan ko ay agad silang nakipaghigh-five. Si Ian naman ay tinulak ako sa dibdib.

"Ikaw na tol! Pogi mo! Hayup!" Sabi ni Ian at tumawa.

"Gago! Inggit ka lang." Pang-aasar ko.

"Ako? Maiinggit? Baka pakita ko sa'yo ang mga babaeng mas higit pa diyan ang ginagawa sa'kin." Sabi niya at nag-ngiting aso.

Alam ko na ang ibig sabihin neto kaya mas minabuti kong umiling na lang.

"Ano na? Sa'n tayo? Libre ko kayo." Aya ko sakanila.

"Alam mo na, tol! Sa favorite natin. Kakain ulit tayo! Namimiss ko na 'yun eh." Sabi ni Eithan.

"Oo! Dun na lang! Matagal na din tayong hindi pa nakakakain dun ulit eh." Pagsang-ayon nila John.

"Osige ba. Pero ilalagay ko muna sa locker ko syempre itong mga 'to 'di ba?" Sabi ko.

"Sige. Hintayin ka na lang namin sa gate." Sabi ni Jhersel.

Tumango na lang ako at tinalikuran na sila. Naglakad ako papunta sa locker ko. Marami akong nadadaanan na babae pero hindi ko sila pinansin kahit nagpapapansin na ang iba. Ayoko sakanila eh, bakit ba?

Campus Nerd To Campus Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon