"Oh just what the fuck?" Sigaw ni Blake kay Vanessa.
Tinulak niya ito kaya napalayo sakaniya si Vanessa. I just stared at them.
"What? Alam kong gusto mo din naman na halikan kita 'di ba? Ayan na. Binibigay ko na sa'yo." Sabi nito.
Napanganga ako. Naramdaman ko na lang ang buhok niya sa kamay ko. Hindi ko namalayang sinusugod ko na pala siya at sinabunutan.
"Ouch! Fuck! Bitaw!" Utos nito.
Gigil kong hinarap ang mukha niya sa pader.
"Gusto mong makahalik 'di ba? Ayan! Makipaghalikan ka diyan sa pader." Sabi ko at nginudngod ang mukha niya sa pader.
Maya maya ay natulak niya ang sarili niya gamit ang dalawa niyang kamay. Napabitaw ako sakaniya at kita ko ang nagaalab na galit sa mata niya.
"You selfish bitch! Ako dapat ang nasa pwesto mo! Alam mo bang planado na ang lahat? Ikakasal na sana kami kaso dahil sa'yo hindi natuloy! Dahil sa punyetang kadamutan mo. You seduced him when you know that we're close."
"Seduced? Oh c'mon! Walang nangyaring ganun! Sating dalawa, ikaw ang nangseduce. Now tell me, 'yung ginawa mo kanina hindi ba pangaakit 'yun?"
Umiling siya. "It isn't. Ganun naman dapat ang ginagawa ng mag-fiancè 'di ba? Dahil mahal nila ang isa't isa."
Magsasalita na sana ako kaso inunahan ako ni Blake.
"Fiancè? Oh goddamn it, Vanessa! Hindi na tayo mag-fiancè. Matagal ng hindi kaya pwede ba? Mag move on kana. I don't want you anymore, Vanessa. I want you gone." Ani nito.
"But I won't be gone until I don't have you."
"Well, sorry to say, you won't have me... never." Matigas na sagot ni Blake.
Bumaling ako kay Vanessa at nakita ko ang nangingilid na luha sa mata niya.
"You heard him, right? So please, back off." Pagmamakaawa ko.
Tinignan niya ako at pinunasan muna ang mga luha sa pisngi niya.
"No. Magmakaawa kapa. Hinding-hindi ako susuko." Ani nito at tinalikuran na kami.
Napabuntong hininga ako at tumingin kay Blake na ngayon ay sinusundan ng tingin si Vanessa.
"Go on. Talk to her if you want." Sabi ko.
Napatingin naman siya saakin at kumunot ang noo.
"What? I don't wan't to. Baka magalit ka pa. And besides, wala naman akong sasabihin sakaniya."
Umiling ako.
"No, I know deep inside you wanna say something to her. Go on, baby. Tell her everything."
"You won't get mad?"
"I won't. I promise. Go on, I'll wait for you at our room." Sagot ko sakaniya.
Tumango siya saakin at mabilis akong hinalikan sa labi bago ako talikuran. I smiled, I wish everything will be okay.
Pumasok na ako sa room namin at nalaman kong wala si Miss Cruz. Oh perfect timing! Halata naman kasing hindi makakapasok sila Blake dito sa subject naming ito. Mabuti na lang at wala si Miss Cruz.
Nakaupo lang ako sa upuan ko at nakapalibot saakin sila Jai at Ian. Nagk-kwentuhan lang kami ng biglang magsalita ang isa sa barkada ni Vanessa.
"Oh my! Wala si Van! Wala din si Blake. Mukhang nagd-date sila! Kyaaah!" Tili nito.
"Oo nga! Aww, kawawa naman ang girlfriend kamo niya. Hay, bagay si Van at Blake." Sabat pa ng isa.
Natawa naman ako na ikinataka nila Jai.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd To Campus Queen (Completed)
Teen FictionCampus Nerd to Campus Queen? Pwede nga bang mangyari iyon sa buhay ni Kylie Michell Natividad? Oh forever na siyang Campus Nerd? READ MY STORY TO KNOW ^_^