Chapter 5

173K 4.1K 624
                                    

It's been one week. One week ko nang hindi nakikita si Ate. One week na iniiwasan ko siya. One week. Nakaya ko 'yon? Hindi ako sanay. Hindi ako sanay na hindi ako iniirapan ni Ate. Ewan ko ba! Siguro abnormal na talaga ako.

At isang buong linggo rin na 'yon lumala lang ang sitwasyon sa school dahil lagi nila kaming nakikitang magkasama ni Blake. Kung ano ano agad ang mga naririnig ko na hindi maganda kada mapapadaan ako. Kasalanan ko ba na may project kaming ginagawa kaya lagi kaming magkasama?

Umupo ako sa tabi ni Doms na tahimik lang na nagbabasa. Wala, lalo lang akong napalapit sakanya simula nung sabihin niya sakin 'yon. Ang sarap kasi niyang kasama kahit na tahimik lang.

"Look who's here. Buti nandito ka ngayon, nerd? Wala kayong date ni Blake?" si Alexa pala.

Hindi ko na lang siya pinansin. Wala akong balak na gumawa ng eksena. Kaso siya mukhang gusto niya ng atensyon dahil hindi niya ako nilubayan.

"Kinakausap kita!"

Napadaing ako dahil sa marahas na paghablot niya sa braso ko. Bumabaon pa yung kuko niya kaya lalo akong napapadaing. Napatayo naman si Doms dahil sa ginawa ni Alexa pero humarang yung mga kasama ni Alexa sa harapan niya.

"Nah-uh. Stay there,"

"Anong stay there? Gusto niyo bang pagbuhulin ko kayong tatlo?"

"Nerd," tawag ni Alexa sa atensyon ko. "Alam mo siguro kung gaano kita kinasusuklaman 'di ba?"

Gusto ko siyang itulak palayo. Kung kinasusuklaman niya ako pwes parehas lang kami!

"Inaano ba kita? Wala naman akong ginagawa sayo!" I blurted out.

Napangisi siya. "Lumalaban ka na ngayon?"

"Bitchesa! Bitiwan mo 'yang kaibigan ko kung ayaw mong mabasag 'yang bungo mo!" sigaw ni Doms mula sa likuran ko.

Hindi ko alam kung magpapasalamat ako na wala sila Ara rito o hindi dahil napagkakaisahan na kami ni Doms. Kung ako lang, ayos lang, e. Pero nadadamay si Doms. Yung mga kaklase ko naman na mga hangang hanga sakanila hindi manlang magawang tumulong! Mga nanonood at nagkakantyawan pa!

"Ang ingay mo!" rinig kong sigaw kay Doms nung isa sa kasama ni Alexa kanina.

Gusto kong tulungan si Doms pero sobrang higpit ng hawak sakin ni Alexa. Hinawakan ko ang kamay niya na nakahawak sa braso ko at padarag na tinanggal iyon. Kumirot bigla yung mga sugat dahil sa pagkakadiin ng kuko niya. Ang sakit! Parang umabot sa laman ko yung kuko niya!

Halatang nagulat siya sa ginawa ko. Hindi makapaniwalang tinignan niya ang kamay ko.

"Tama na, Alexa, please..."

"Lumipat-lipat ka rito, 'di ba? Then, face the consequences!"

Napasigaw ako nung hinatak niya bigla ang buhok ko. Nawala sa ayos ang salamin ko at natakot ako na baka mabasag ito sa mismong mukha ko kaya pilit ko itong hinawakan. Naramdaman ko rin na nagkagulo na sila Doms mula sa likuran ko pero wala pa ring umaawat sa mga kaklase ko.

Hindi maganda 'to! Mamaya abutan kami ng subject teacher o kaya nila Ara lalong lalaki yung gulo!

"Vanessa!" Narinig kong tawag kay Alexa.

Vanessa Alexa. Iyon ang pangalan niya. Natatandaan kong nagpakilala siya nung first day at sinabi niya 'yon.

"Oh my God! Si Blake!"

"Stop it, Vanessa!"

Nawala ang pagkakahawak niya sa buhok ko. Ramdam na ramdam ko ang sakit at hapdi ng ulo ko dahil sa tagal niyang pagsabunot. Para akong nahilo kaya humawak ako sa isa sa mga upuan.

Campus Nerd To Campus Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon