"Oh wait hija, I'll just call him. He's at the pool side." Ani ni Tita.
Agad akong napahiwalay kay Blake. Narinig ko naman ang halakhak niya habang ako ay namumula rito.
Maya maya ay narinig ko si Tita na dumating.
"Blake, someone's looking for you." Sabi nito.
Napalingon ako sakaniya at nakita ko si Blake na naka-kunot ang noo sakaniya.
"Who?" Maiksing tanong nito.
"You might not like when I answer your question, dear."
Napasinghap naman si Blake.
"Just tell me who, mom."
"It's Vanessa." Sagot ni Tita.
Pagkasabi niya nun ay agad kumulo ang dugo ko. Aba't ang kapal din ng babaeng 'yun para pumunta dito.
Nakita ko ang pagbusangot ni Blake ng marinig niya ang pangalan ng babaeng 'yun.
"Okay," Sagot nito.
Nagkibit-balikat si Tita at pumasok na ulit sa loob ng bahay nila. Ako naman ay napatingin agad kay Blake na ngayon ay nakatingin saakin.
Lumapit siya saakin at niyakap ako sa bewang.
"Let's continue what we're doing, baby." Bulong niya sa tenga ko.
Namula agad ang pisngi ko at automatikong naitulak ko siya. Tumawa naman siya at kinindatan ako.
Inirapan ko naman siya at umahon. Sinuot ko ang robe na suot ko kanina at tumayo sa harap ni Blake.
"Let's go. Pasukin natin 'yang babaeng 'yan." Sabi ko.
"Aawayin mo?"
"No, I won't, don't worry. Mauuna ako sa kwarto mo, I'll take a shower first."
Tumango naman siya kaya dumiretcho na ako sa likod at umakyat papuntang kwarto niya. Hindi ako nakita ni Vanessa dahil nakatalikod siya mula sa pinagpasukan ko.
Pagkatapos kong maligo ay sinuklay ko ang buhok ko at bumaba na. Bumungad agad saakin ang Vanessa na pinupulupot ang kamay niya sa braso ni Blake.
Nakita kong wala si Tita. Siguro ay umalis. Ngumisi ako at sumandal sa hagdan nila Blake.
"Oh, paano ka nakapasok dito? Bawal ang mga prostitute dito, 'di ba?"
Napalingon naman siya saakin na mukhang gulat.
"Oops, nasagad ba kita agad?" Tanong ko sakaniya habang nakangisi.
Tumayo siya at tinuro ako.
"What are you doing here? Panira ka lagi! Pwede bang bigyan mo muna kami ng time?"
Natawa naman ako.
"Kapal naman ng mukha mo. Hello? Bakit kita papayagan eh alam kong malandi ka? And excuse me? Girlfriend ako! Ang lakas naman ng loob mong sabihin saakin 'yan?"
Ngumisi siya at pumameywang. "Oh really? Akala ko kasi nagpapanggap lang kayo na kayo para iwasan ko siya. But sorry to say, kayo man o hindi, lalapit at lalapit pa din ako sakaniya."
"I know that, dear. Ikaw pa? Kung malakas ang fighting spirit mo mas malakas ang akin. Remember, kahit anong mangyari talunan ka pa din dahil matagal na akong panalo sa larong 'to." Sabi ko at nginisian siya.
Nakita ko ang pamumula ng pinsgi niya kaya susugurin niya na sana ako kaso hinawakan siya ni Blake sa braso niya at pinatigil.
"Stop it, Vanessa! Just go away." Matigas na sambit sakaniya ni Blake.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd To Campus Queen (Completed)
Teen FictionCampus Nerd to Campus Queen? Pwede nga bang mangyari iyon sa buhay ni Kylie Michell Natividad? Oh forever na siyang Campus Nerd? READ MY STORY TO KNOW ^_^