Kylie's Pov
Mabilis dumaan ang araw at Intramurals na. Nandito ako ngayon sa room kasama sila Ericka, inaayos nila ang damit na susuotin ko para mamaya. Si Vanessa? Ayun nasa kabilang side kasama ang mga palaka niya.
''Beshy! Galingan mo mamaya ah? Alam mo na, ikaw ang pag-asa namin.'' Sabi ni Beshy.
''Oo naman. Syempre hindi ko sisirain ang image ng Silver.'' Pagsagot ko.
'' 'Yan ang tunay na Silvernian!'' Sigaw ni Jaima.
Napatingin naman saamin ang iba naming kaklase.
Si Jaima naman ay nag peace sign lang sakanila.
''Ingay kasi ng bibig mo eh.'' Pang-aasar ni Doms.
''Wow ha? Nakakahiya naman sa'yo. Hindi kasi ako tulad mo na hinihintay munang mapanis ang laway bago magsalita.'' Mataray na sagot ni Jaima sakaniya.
Natawa na lang ako.
''Oh 'yan, okay na 'yan. Asan 'yung pang sports mo? Swimwear? Casual at 'yung sa damit na dinesign ng section natin?'' Tanong ni Ara.
Tinuro ko naman ang dulong row.
''Ayun oh.''
Tumango naman siya at tinignan ako.
''Kulang 'yang make-up mo. Dagdagan ko ng konti ah.''
Tumango na lang ako at nilagyan niya pa ng kontig eyeliner ang mata ko at blush-on. Pati lipstick.
''Paging all the representatives please proceed to our Gymnasium now.'' Sabi ng announcer namin.
Napatingin naman ako kay Vanessa at nakita kong nakatingin din siya saakin. I just raised my eyebrow to her then I smiled.
Umirap naman siya at nakita kong naglakad na palabas.
Napachuckle naman ako kaya napatingin sa'kin ang mga kasama ko.
''I didn't see it. Sayang!'' Pagmamaktol ni Ericka.
I just smiled. ''Sige, punta muna ko sa Gymnasium.'' Sabi ko.
''Alright!'' Sigaw nila.
Naglakad na ko palabas ng nakaP.E uniform. Friday kasi ginanap ang Intramurals namin.
Nang makarating ako sa Gymnasium ay nakita ko agad ang mga representatives doon. Nakita ko din na napatingin sa'kin ang iba.
''Kyaaah! Ate Kylie, ang ganda mo! Omg. Pano pa kaya kung nakasuot ka na ng mga damit na irarampa mamaya? Dyosaaa!'' Natutuwang sabi ng isang Sophomore student na babae.
''You're pretty too! Hahaha. Mukhang kakausapin tayo ah? Sige puntahan ko muna partner ko.'' Sabi ko at nginitian siya.
''Sige po!'' Masaya niyang sabi.
Naglakad naman ako patungo kay Bryan. Nakita ko ang masamang tingin sa'kin ni Vanessa. Insecure.
Nagsiupuan yung iba sa sahig kaya umupo din kami. Maya maya lang ay nakita ko si Ate G na umakyat sa stage. Pa-letter I ang stage namin kaya medyo mahaba ang rarampahan namin.
''Hi guys! Are you excited? So, yung mga tinuro ko sainyo okay? Ang una niyong irarampa ay ang Casual wear next is Sportswear then Swimwear and the last 'yung dinesign ng Section niyo. So we will start by 1pm. 11:30 na kaya grab your lunch, get ready and wait for the anouncement na mags-start na. Goodluck and God Bless us!'' Sabi niya at bumaba na siya sa stage.
Nagsitayuan na kami at bumalik na sa room. Kasabay ko si Bryan habang naglakad.
''Kumain kana?'' Tanong niya.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd To Campus Queen (Completed)
Teen FictionCampus Nerd to Campus Queen? Pwede nga bang mangyari iyon sa buhay ni Kylie Michell Natividad? Oh forever na siyang Campus Nerd? READ MY STORY TO KNOW ^_^