Chapter 44

110K 2.9K 161
                                    


Kylie's Pov

Mabilis ang araw at ngayon ay November na. Everyone's busy dahil malapit na ang Intramurals. Hindi ako sumali dahil ako ang pambato ng section namin para sa Fashion Show. Merong ganun sa Intrams namin. Si Ate nagisip nun eh, maarte kasi 'yun.

Naguusap-usap lang kami ng mga kaibigan ko ng biglang may nagsalita sa speaker.

"Paging all the contestants for the upcoming Fashion Show please proceed to our Gymnasium. Thank you."

Agad naman akong napasimangot. Practice nanaman? Tss.

"Kyleeeeey! Tara na!" Aya sakin ni Bryan.

Yup, si Bryan ang partner ko. Nakakainis nga at hindi si Blake! Bwisit. Napunta pa tuloy siya doon sa Vanessa na 'yun!

Two pairs kasi bawat section. Dapat talaga ang partner ko si Blake kung hindi ang talaga umepal 'tong mga kaibigan ni Vanessa nun!

"Ms. Dela Vega and Mr. Garcia. You two will be the representative of our Section, okay?" Sabi ni Ma'am.

Napatingin naman ako kay Blake na nasa kabilang side lang. Sakto naman na nakatingin siya sa'kin. Tumango siya at kinindatan ako.

Napaharap ako agad kay Ma'am. Sht! Pulang pula na ko alam ko!

"I think it's okay with Mr. Garcia. How about you Ms. Dela Vega?" Tanong sa'kin ni Ma'am.

Dahan dahan akong tumango.

"Okay, that's it. So I need one more pair. Dalawang pares kasi ang kailangan natin na pambato para sa section natin."

Agad nagtaas si Vanessa ng kamay.

"Me, Ma'am! But I want Blake to be my partner." Sabay tingin niya sa'kin at ngiti.

Ngiting mapang-asar ang ibinigay niya saakin. Napairap na lang ako ng wala sa oras. Desperadang babae. Tss.

"Mr. Garcia, is it okay to you?" Tanong ni Ma'am.

"Ask my girl, Ma'am." Maikling sagot ni Blake.

"Who is your girl?"

"Miss Kylie Dela Vega soon to be Garcia."

Namilog ang mata ko sa sinabi niya. What the?!

Bago pa ako sumigaw ay nagtilian at hiyawan ang mga kaklase ko. Halos magwala na nga ang mga kaibigan ko.

"Quiet class! Miss Dela Vega, is it okay to you?" Tanong sakin ni Ma'am.

Sasagot na sana ako na hindi pero biglang umepal 'tong Vanessa na 'to.

"Yes Ma'am! Napagusapan na po namin 'to. Just in case po na dalawa ang pares. Pumayag naman po siya. 'Di ba, Kylie?" Mapang-asar niyang tanong.

Hindi ako sumagot. Tss, mag mukha siyang tanga diyan. Bwisit siya!

"Okay. Mr. Aguilar will be your partner, Ms. Dela Vega."

"Okay, Ma'am." Maikli kong sagot.

Nawala ako bigla sa mood.

Kaya ayun! Hindi ko tuloy partner si Blake. Bwisit na Vanessa! Ugh!

"Huy! Kyley!" Sabay snap ni Bryan sa harap ko.

"Eto na nga oh." Sabay tayo ko.

"Hay nako! Masiyado kasing iniisip si Blake!" Parinig ni Jai.

Umirap na lang ako. Tss. Manahimik nga sila.

Naglakad na kami palabas ni Bryan at pumunta na ng Gymnasium. Nandun lahat ng mga contestants. Hinanap ko si Blake at sa wakas ay nakita ko din siya.

Nakapulupot sa braso niya si Vanessa at halata namang naiinis na si Blake. Nang makita niya ako ay ngumiti siya at lumapit samin.

"Hey." Bati niya.

"Hey din. Iniwan mo partner mo oh. Nakatingin tuloy ng masama sa'kin." Sabi ko.

Nilingon niya naman si Vanessa saglit at tinignan niya ko ulit.

"Don't mind her. Her presence irritates me so much. She's so clingy. Tss." Inis na sabi niya.

"She always irritates you, Blake." Nakangiti kong sambit.

"And I know you like it." Sabi niya.

Nagkibit-balikat na lang ako sakaniya.

Nagsalita na ang nagp-practice samin. Si Ate G, actually gay siya kaya Ate G ang tawag namin sakaniya. Pinapapwesto niya na kami kaya bumalik na si Bryan sa tabi ko. Hindi ko manlang namalayan na umalis 'to.

"Dude, balik na daw. Clingy ka din eh! Tali mo na kaya si Kylie sa leeg mo?" Pang-aasar ni Bryan.

"Lul. Papatayin mo ba ko? Tss." Pagkasabi niya nun ay binalingan niya ko. "See you later. Ako maghahatid sa'yo, alright?" Sabi niya.

Tumango naman ako. Hinalikan niya ang noo ko bago siya umalis. Lagi siyang ganiyan pero kahit ilang beses na niya kong hinalikan kinikilig pa din ako. Pakshet! Malandi ka Kylie!

Nagumpisa na ang rampahan at ng kami ay nauna kami ni Bryan. Rumampa muna kami ni Bryan at huminto kami sa magkabilang gilid para magpose naman sina Blake at Vanessa.

Napairap na lang ako. Feel na feel naman netong Vanessa na 'to! Tss.

Pagkatapos ay rumampa na kaming apat ng sabay sabay at bumaba na sa stage. Nasa likod namin si Blake at Vanessa ng biglang may binulong si Vanessa sa'kin.

"Bantayan mo si Blake. Baka hindi mo alam, pagmamay-ari na siya ng iba. I'm just telling you this, Dela Vega. Soon you'll say goodbye to your happiness." At ramdam ko ang ngisi niya pagkatapos niyang sabihin 'yun.

What does she mean?

Campus Nerd To Campus Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon