Chapter 7

153K 4.3K 178
                                    

Nakatambay kami ngayon sa school grounds. Wala kaming subject teacher dahil may mga dumating daw na bisita ang EU kaya kailangan nilang asikasuhin ang mga 'yon. Hindi rin naman kami pinauwi dahil babalik din daw sila mamayang after lunch kaya may klase pa.

"Akyat tayo sa puno!" Aya ni Ericka. Nagsitakbuhan sila papunta sa mga naglalakihang puno ng Easton.

Napalunok naman ako habang tinitignan ang taas no'n. Hindi ako marunong umakyat ng puno. Mabuti na lang naka-pe uniform kami ngayon dahil kung hindi masisilipan 'tong mga 'to. Feeling ko kasi kahit nakapalda kami maiisipan pa rin ng mga 'yan na umakyat ng puno.

"Aray! Dahan dahan naman! Mukha ko na 'yon, te!" Reklamo ni Kinah at napahawak sa pisngi niya.

"Sorry! 'Di kasi nagkakalayo sa puno, e." Natatawang sagot ni Jai sakanya.

"Galing!" puri ko sakanila nung ang bibilis nilang maakyat yung puno.

I never experienced doing that when I was still a kid. Sabi kasi nila Mommy may aksidenteng nangyari noon saming tatlong magkakapatid. Ako yung napuruhan ng husto kaya some of my memories before were forgotten. Sabi ng Doctor babalik daw 'yon pero baka matagalan.

I brushed off that memory. Kung anoman siguro yung mga nakalimutan ko na memorya noon hindi naman siguro masyadong importante. Since that accident, hindi na kami pinayagan ni Mommy na lumalabas labas. Dipende na lang kung kasama sila.

"Akyat ka na rin!" sigaw ni Ara sakin habang sine-sway ang paa niya.

Nakikita kong hinahangin na yung buhok nila. Tinawanan ko pa si Ara nung inasar siya nila Kinah dahil feel na feel niya ang hangin.

"Parang gumagawa lang ng music video, girl, a?" asar sakaniya nila Jai.

"Beshy! Akyat kana! Dali! Dito ka sa tabi ko," tinapik pa ni Kinah ang gilid niya.

"Hindi ako marunong,"

"Seryoso ka ba?"

Tumango ako. Naalala ko noon, I wanted to learn how to climb trees pero ayaw ni Mommy. She was very protective of us back then after the incident. Lalo na sakin. Kapag nawawala ako sa paningin niya pinapahanap niya agad ako sa mga kasambahay.

"Doms, tulungan mo si Kylie. Hahatakin namin siya paakyat." utos ni Jai kay Dominic.

"Ang dami nyo dyan bakit ako inuutusan mo?"

"Ay grabe, Kylie, o! Ayaw ka tulungan ni Doms? Payag ka no'n?!"

Tinignan agad ako ni Doms. Mukhang nabahala siya sa sinabi ni Kinah.

"It's not what I meant, Ky!" inambahan niya ng sipa si Kinah. "Ikaw kaya bumaba?"

"Dali na!"

Wala nang nagawa si Doms dahim pinagtulungan siya ng apat. Tumalon siya pababa at pinagpag ang kamay niya.

"Ay! Wait! Bababa na rin ako para mas malakas pwersa." si Kinah at sumunod sa pagbaba.

"Patong ka sa kamay namin tapos hawakan mo yung sanga. Pagkahawak mo hatakin mo paangat sarili mo para maabot mo sila Ericka. Gets?" Aasarin ko sana si Doms dahil parang ayun na ata ang pinakamahabang sinabi niya sakin pero pinigilan ko na lang ang sarili ko.

Campus Nerd To Campus Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon