Chapter 11

134K 3.4K 192
                                    

I acted like I didn't saw anything. Sumakit na ang lalamunan ko kakapigil ng iyak ko. Kinagat ko rin ang labi ko para mapigilan ang pagtulo ng luha ko. Hindi ko magawang punasan ang mga mata ko dahil nasa gilid ko si Blake. Mahahalata niyang umiiyak ako sa oras na ipahid ko ang mga kamay ko sa mata ko.

Ano bang ginawa ko? Wala akong maalalang may ginawa ako na ikagagalit nila. I was just doing my part. Kailangan namin ni Blake ang isa't isa dahil sa project nung una. Then the community service came and it wasn't my fault that Blake was given to me as my partner.

Gusto kong ipaintindi sakanilang lahat 'yon pero alam kong imposible. Ayokong manisi pero isang tao lang ang pumapasok sa isip ko para mangyari 'to.

Vanessa Alexa Santiago.

Hindi ko alam kung bakit napakalaki ng galit sakin ng babae na 'yon. Sakanya nag-umpisa ang lahat ng 'to simula nang lumipat ako. Oo, may iba na iniinsulto ako pero hindi katulad ng kay Vanessa na parang may galit sakin. Mas lalo lang lumala ang mga nangyayari sakin dahil sa impluwensya niya. Alam ko.

Natigilan ako sa pag-iisip dahil bumangga ako sa kung anong matigas na bagay. Inangat ko ang tingin ko at sumalubong sakin ang dibdib ni Blake. Huli na para umiwas ako ng tingin.

"Bakit ka naiiyak?"

Hindi ako sumagot. Sinubukan kong iwasan pa rin ang tingin niya pero masyado siyang desidido na mahanap ang mga mata ko. Wala akong nagawa nang ilapit niya ang mukha niya sakin at tignan ako sa mata.

"You saw it,"

It wasn't a question. He said it like he was very sure that he's right. Hindi rin naman ako umangal dahil totoo naman ang sinasabi niya.

"Kailangan ko na umuwi," sinubukan ko siyang lagpasan pero hinaharangan niya ako.

"What did I told you?" segunda niya. "I'm going to find who started this one."

"'Wag na, Blake."

In a short period of time, ang dami ko nang naranasan sa paaralan na 'to. Pero naisip ko rin na nalagpasan ko nga ang ilang taon na pangiinsulto sa previous school ko, e. Dito pa kaya?

I don't want to brag but I know that time will come and everything will change. And that will be the time that no one was expecting to come.

"Pag-aawayan nanaman ba natin 'to?" Seryoso niyang tanong sakin.

I felt that unfamiliar feeling again. Gusto kong makipag-away sa sarili ko dahil kahit hindi ako sanay sa ganoong pakiramdam, alam ko kung ano ang ibig sabihin no'n.

And it's not good.

It will never be good.

In situations like this, that will be the loophole that those people will find against me. At ayokong madamay sa ganung problema.

"Kylie, you know for yourself that what they're saying isn't true, right? 'Wag kang—"

"Baka ayaw talaga nila tayong nakikitang magkasama,"

Natahimik siya sa sinabi ko. From his calm aura it turned into a dark one. Halatang hindi nagustuhan ang sinabi ko.

Gusto kong bawiin ang sinabi ko dahil sa naging reaksyon niya. Seconds later, I saw pain in his eyes. Mukhang pinapakita niya talaga sakin na nasaktan siya sa sinabi ko dahil hindi manlang nawala 'yon gaya ng nakasanayan ko.

"What are you trying to say?" he asked coldly. Is it just me or I really sensed fear in his voice?

Natatakot siya? Saan? Wala akong makitang dahilan para matakot siya sa sasabihin ko.

Campus Nerd To Campus Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon