Chapter 9

159K 4.6K 312
                                    

Ilang araw ang lumipas kaya nagsimula na rin kaming mag-community service. Ngayon, kasalukuyan akong nandito sa room. Kakapasok ko lang at wala pa sila Ara. Masyado nanaman ata akong napaaga.

Tinignan ko ang relo ko para makita kung ilang minuto pa bago mag-start ang klase at nakitang halos twenty minutes pa pala. Kapag mga ten minutes before seven, dadami na 'yang mga kaklase ko. Sunod sunod na 'yan magsisidatingan.

Sinubsob ko na lang ang mukha ko sa desk at pinilit ang mata ko. Hindi naman ako inaantok pero parang gusto kong umidlip dahil maaga-aga pa naman.

"Just say sorry,"

"Ano? Ayoko, pre! Nakakahiya!"

"Say sorry, Ian. Or I'll kick your ass."

"Ayoko nga kasi! Tsaka ilang araw na simula nung nangyari 'yon, Blake. Sobrang late na ng sorry na 'yan."

Pinilit ko ang sarili kong manatiling nakapikit. Nagsisi ako bigla na napaaga ako! Dapat pala tumambay muna ako sa ibang parte ng school kesa maipit sa ganitong sitwasyon.

Sa totoo lang, mas ayos na hindi na siya mag-sorry sakin. Sanay na sanay na ako sa ganung reaksyon kaya hindi ko na kailangan ng sorry.

Nawala ang ingay. Gusto ko mang silipin kung anong nangyari kaso ayokong makita nilang gising ako. Lalo na feeling ko kami pa lang ang tao rito. Asan na ba kasi sila Kinah? Ang tagal, ha!

"O, ano nangyari dyan? 'Di kayo nag-uusap?" Another familiar voice came.

Shemay. Dumadami na sila. Ang aaga ng tropa ni Blake pero yung akin mukhang mga late pa ata.

"Gusto niya kasi akong mag-sorry dun sa babae na 'yon," explain ni Ian.

"Nag-sorry ka na?" tanong ni Bryan. Nalaman ko pangalan niya dahil may pinasulat samin si Ms. Polipio about sa community service na gagawin namin. "Kaya pala, e. Bahala ka dyan. Alam mong 'di ka kakausapin nyan hangga't 'di mo gagawin 'yon." Humalakhak pa ito.

Ilang minuto kong pinilit na magkunwaring tulog habang kami kami pa lang ang nasa room. Pero nung marinig ko ang pagdating ng iba ko pang kaklase ay inangat ko na ang ulo ko.

Nakasalubong ko ang mga mata ni Blake. Nakatingin lang siya sakin kaya iniwas ko agad ang mga mata ko at inayos ang salamin ko. Kahit nakatalikod na ako sakanya ramdam ko pa rin ang tingin niya. Ano bang gusto nito bakit nakatingin?!

"Good morning!"

Ngumiti ako pagkakita ko kay Kinah at Ara na sabay pumasok. Irap agad ang iginawad ni Ara sa side nila Ian kaya narinig ko ang tawa ni Bryan at Ethan.

"Ang tagal niyo," sabi ko pagkaupo nila sa pwesto nila.

"Masyado ka lang talagang maaga ngayon, besh."

Napawi ang ngiti ko nang makita ko kung sino ang sunod na pumasok mula sa pintuan. Iniwas ko ang tingin ko dahil hinanap niya agad ang mga mata ko.

"Guess who's back," bulong ni Ara.

Malamang na-curious si Kinah kung ano yung sinasabi ni Ara kaya nilingon niya 'yon. Nagreklamo agad sila na bakit pa raw bumalik si Vanessa kaya nanatili akong tahimik.

Ang bilis ng araw. Natapos agad ang suspension niya. Pero sa pagkakaalam ko dalawang linggo siyang suspended dapat, 'di ba? Isang linggo pa lang halos ang nakakalipas, ah.

Binalewala ko na lang ang ideya na 'yon. Baka nagkamali lang si Blake nung binalita niya samin na suspended si Vanessa for two weeks. Baka one week lang talaga 'yon.

Hindi nagtagal dumating na rin sila Ericka. Na-late si Doms ng ilang minuto dahil naunahan siya ng first period teacher namin.

"Sa sabado pwede bang mag-mall tayo? Hindi pa tayo nakakalabas na magkakasama!" aya ni Ericka nang mag-recess.

Campus Nerd To Campus Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon