Chapter 13

138K 3.9K 374
                                    

Days passed and just like what my parents and siblings wanted, hindi na ako nangealam sa narinig ko nung nakaraan. Hindi ko na rin naman sila narinig na nag-uusap tungkol doon. Or maybe they're still talking about it but when I'm not around.

Nahirapan akong alisin sa isipan ko 'yon. But because of the school works and activities, tuluyan na ngang nawala sa isip ko 'yon. Idagdag pa na halos laging nag-aaya sila Kinah na umalis kaya hindi ko na naiisip ang mga narinig ko tungkol doon.

"What?" Bungad ko sa tumawag sakin Sabado ng umaga.

"Mall later at four pm!"

I groaned. Hindi ba nagsasawa 'tong babae na 'to sa mall? Kada Sabado automatic na samin na aalis dahil sa aya niya. Pwera na lang kung tambak talaga ang gawain namin ng weekends pero isang beses pa lang ata nangyayari 'yun.

"Kinah, can't your feet rest for a day? Sanay ba talaga 'yan na lakad ng lakad kung saan-saan?"

Gumulong ako patihaya para mawala kahit papano ang antok. Sinilip ko ang orasan at nakitang nine thirty pa lang naman pala ng umaga. Gusto ko pang matulog pero binulabog ako nitong babae na 'to!

"Dali na! I saw H&M and F21's post kasi! Gusto kong bilhin yung dress and bomber jacket na nirelease nila."

Sa totoo lang, kapag umaalis kami silang dalawa ni Ara ang nagpapaligsahan sa gastos. Ara, being the fashionista one and Kinah being the gastador. One time nga pumunta kami sakanila after school and nakita ko yung cabinet niya halos hindi na magkasya lahat ng damit niya! Halos lahat may tags pa! Nung tinanong naman namin siya bakit mas lamang yung clothes niya na may tags ang sagot niya?

"Nanghihinayang kasi ako isuot sa sobrang ganda,"

'Di ba?! Kung hindi ba naman baliw. Si Ara naman pagkabili asahan mong sa Monday suot niya na yung binili niya.

"I want to rest today. Papahinga ko naman muna yung sarili ko sa gala. Pass muna ako. Sila Jai na lang muna isama mo."

"Ayaw nga rin nila!"

"Edi it's a sign na you should take a rest for now! Lalo na malapit na exams mag-review ka na lang!"

"Dali na! Ang KJ naman! Sayang yung nilabas ng H&M baka maubusan ako!"

Napairap ako. Akala mo naman isusuot niya talaga, e, 'no?

"Kinah, ang daming branch ng H&M sa Metro Manila. Hindi ka mauubusan. Magreview kana lang muna. Bye!" Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya dahil pinatay ko na ang tawag.

Hindi ako nahirapang matulog. Nagising ako ng eleven o'clock kaya nagsimula na akong mag-asikaso. Ngayon ko naramdaman yung sakit ng katawan ko dahil sa dalawang linggo na community service. Speaking of, finally tapos na kahapon ang parusa na 'yon. Tapos na rin ang pagpipigil hininga ko kapag kasama ko si Blake.

I listed down the things that I should do this weekends. Review for the upcoming exams and clean my room, I guess? Since makakapagpahinga naman ang katawan ko sa gala.

Bumaba muna ako para makakain dahil magl-lunch na rin naman. On my down, nakasalubong ko si Ate Melody.

"Sakto. Tatawagin pa lang sana kita. Pinapatawag ka ng Mommy mo baka raw gusto mo kasing tumulong sa pagluluto."

Naexcite ako sa sinabi niya kaya binilisan ko ang pagpunta sa kusina. Nakita ko roon si Mommy kasama si Manang na nag-aasikaso ng mga lulutuin. Mom was facing the stove while Manang is chopping something.

"Good morning!" I kissed her cheek and smelled the food she's preparing. "Bango!"

"Do you want to help?" She asked, still not looking at me.

Campus Nerd To Campus Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon