Dedicated to her dahil sa pinost niya sa message board ko. Haha! Thank you for reading this story! Love you! :*
ENJOY! ;)
-----
Ara's Pov
Last subject na. Shocks! 30 minutes na lang uwian na! And it means, it's makeover time!
Nilibot ko ang paningin ko at sa hindi inaasahang pangyayari ay nahagip ng mata ko si Blake.
Si Blake nakatingin kay Kylie na ngayon ay nagt-take down notes.
"Pst." sitsit ko kay Doms.
Liningon ako ni Doms ng nakapoker-face.
"Oh?" sabi nito.
Nginuso ko si Blake. Agad niya namang tinignan iyon.
Napangiti si Doms ng bahagya at saktong pagngiti niya ay ang paglingon ni Blake sakaniya.
Tinaasan ni Doms ng kilay si Blake at si Blake naman medyo namul--
"Ehem! Are you listening Miss Ramos or not?" masungit na sabi ng Teacher namin sa subject na 'to.
"Y-yes." sabi ko.
Tinanguan naman ako ni Miss at pinaupo na.
*Kriiiiiiiing*
"Quiz tomorrow, Silver, okay?" paalala samin ni Ma'am.
"Yes Ma'am." ayun lang ang sinagot namin at hinablot na ang aming mga bag.
Silver ang tawag niya saamin dahil ayun ang pangalan ng Section namin.
Pagka-sukbit ko ng bag ko sa balikat ko agad akong bumaling kay Kylie na nasa tabi ko.
"Tara na?" tanong ko ng excited.
"Yeaaaah! Pero bago 'yun kain muna tayo? Gutom na ko eh!" pagmamaktol ni Jai.
"Oo. Kami din naman sa mall na tayo kumain." - Ericka
Nagsilabasan na kami at saktong palabas namin ay ang pagsalubong saamin ni Ate Love.
"Sa wakas naabutan ko din kayo ng uwian! Sa'n larga niyo mga lakwatchera ha?" tanong nito saamin.
"Ate Love! Punta kaming mall. Make-over." sagot ni Doms.
"Omg! Really? Kyaaah! I'm willing to go too!" excited nitong sambit.
"Hindi ba magagalit 'yung kasama mo nung nakita ka namin na may kahawak-kamay?" taas babang kilay kong tanong.
"Oh my! Hindi no! Don't worry about that guy! Anyway, papakilala ko 'yun sainyo! He's my uhm boyfriend." nahihiyang sabi ni Ate Love.
Namilog naman ang mata ko at inikot ang tingin ko sa mga kaibigan kong bilog din ang mata.
Pero nang tumapat ang tingin ko kay Kylie ay nakayuko siya.
"Oy, Kylie! Bakit ka nakayuko?" tanong ko dito.
Inangat niya ang ulo niya at ngumiti ng bahagya.
"A-ah. W-wala akala ko kasi may d-dumi 'yung sapatos ko."
Tumango na lang ako at bumaling ulit kay Ate Love.
"So kelan mo ipapakilala saamin yun, Ate Love?" tanong ko.
"Hmm, maybe next week." sabi nito.
"Kyaaaa! I'm so excited!" excited kong sabi.
"Cut your excitement, Ara. Tara na. Punta na tayong mall." - Jai
BINABASA MO ANG
Campus Nerd To Campus Queen (Completed)
Teen FictionCampus Nerd to Campus Queen? Pwede nga bang mangyari iyon sa buhay ni Kylie Michell Natividad? Oh forever na siyang Campus Nerd? READ MY STORY TO KNOW ^_^