"Mama!"
"Kylie, hindi na pwede..."
"'Yung ate ko..."
Napabalikwas ako ng upo mula sa pagkakahiga dahil sa mga narinig kong boses. Ang lalakas ng boses ng narinig ko sa panaginip ko to the point na masakit na ito sa ulo.
I'm hearing voices every night I sleep. I'm also seeing blurred things. And I feel like something inside me is missing.
Ilang buwan ko na rin itong nararamdaman pero sinasawalang bahala ko dahil akala ko noong una ay normal na panaginip lang. Pero nang magpaulit-ulit na ito at nakakarinig na ako ng mga pamilyar na boses ay nagsimula na akong mapaisip kung bakit nangyayari sakin 'to.
I wanted to open it up to my family. O kahit kay kuya lang. Pakiramdam ko kapag nagtagal ang ganito na kinikimkim ko sa sarili ko ang mga naririnig kong boses ay mababaliw ako. But a part of me is also afraid to tell them about this. Pakiramdam ko hindi tama ang sabihin sakanila ang tungkol dito.
Sinubukan kong matulog ulit. Luckily, nadala ko pa ang sarili ko sa pagtulog pero parang pati sa pagtulog binabantayan ko na ang sarili ko na 'wag managinip ng ganoon. At siguro dahil na rin sa kakaisip ay masyado akong maaga nagising na tipong wala pang sinag ng araw ay dilat na ako.
Naisipan kong magluto ng almusal kaya bumaba ako sa kusina at nakita sila Manang na naghahanda na para sa agahan. Lumapit ako sa ref para maghanap ng pwedeng maluto.
"Oh, ang aga mo naman, hija?" tanong ni Manang nang mapansin niya akong nagkakalkal sa ref.
"Kaya nga po, e. Nanaginip po kasi."
Hindi ko alam kung dala pa ng dahil sa bagong gising ako o talagang nakita kong nag-alala sakin si Manang. Tinignan niya pa ako na parang naaawa siya sakin.
"May problema po ba, Manang?" naiilang kong tanong.
Para naman siyang natauhan. "Ah, wala, hija. Hija, kapag may problema ka pwede mong sabihin sakin, ha? Masakit ba ang ulo mo?"
Kunot ang noo ko habang pinapanood ang kilos niya. Gusto kong mag tanong pero parang may pumipigil sakin. It's like I shouldn't cross the bridge. Parang... delikado.
"Hindi po," tanging sinagot ko.
Kumuha ako ng pwedeng iluto at nilabas 'yon. Inaliw ko ang sarili ko sa pagluluto para mawala na sa isip ko ang tungkol sa panaginip na 'yon.
I'm not okay.
I can feel it.
And I know it for myself.
Sa nagdadaang araw na lagi akong nananaginip, nararamdaman kong lalo akong nalulubog sa mga katanungan. Pakiramdam ko malulunod na ako sa mga tanong na naiisip ko kada nananaginip ako.
And I want answers.
I need answers for that. In order for me to give my mind it's peace, I need to talk to my parents.
Pero paano kung sa hindi ko alam na dahilan ay natatakot akong gawin iyon?
"Ouch!" daing ko. Napatingin ako sa kamay ko na natalsikan ng mantika.
"Ano ka ba, Kylie! Ako na riyan! Maupo ka na lamang doon!" mabilis na inagaw ni Manang ang nasa kamay ko bago ako marahang itulak papunta sa lamesa.
Instead of waiting, lumabas na lang ako. Nakita ko ang mga inaalagaang bulaklak ni Mommy kaya para makapatay ng oras kinuha ko ang pang-dilig at sinimulang diligan ang mga bulaklak.
Sakto at umaaraw na rin. Makapag-pa-araw nga para hindi naman ako namumutla. Sabi kasi sakin ni Kuya yung puti ko raw minsan putla na kung tignan.
Habang dinidiligan ko ang mga halaman ni Mommy ay may kung ano akong nararamdaman sa loob ko. Parang pamilyar ang ganitong eksena sakin. Meron akong gustong sabihin at i-visualize sa ganitong bagay pero hindi ko magawa dahil hindi ko rin alam sa sarili ko kung ano iyon.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd To Campus Queen (Completed)
Teen FictionCampus Nerd to Campus Queen? Pwede nga bang mangyari iyon sa buhay ni Kylie Michell Natividad? Oh forever na siyang Campus Nerd? READ MY STORY TO KNOW ^_^