I became conscious. I know. I'm aware. Lalo na nung dumami na ng dumami ang mga bisita. Mas naging abala pa ako sa paghahanap kung sino yung nagtext sa'kin. Alam kong para akong tanga dahil wala namang binigay na clue yung nag-text. Kaso... hindi ako mapakali. Feeling ko pinagt-trip-an lang ako.
"'Blow the cake, birthday girl!" sabi ni Ara.
May alak pero konti lang. Most of the visitors are minors like us kaya hindi pwede ang hard drinks. Bukod doon, hindi naman ganun karami ang bisita. May mga last minute na college students ang pumupunta lalo na yung mga nakakausap talaga ni Ate.
Nilabas ko ang cake. I don't know why my hands were trembling! Sa dami ng tao, feeling ko hindi sila masasarapan sa gawa ko.
"Happy birthday!" bati ng mga bisita matapos kantahan si Ate Love.
She made a wish. Then blew the cake. She took a scoop of the chocolate before trying it.
"Ang sarap! Go get your part sa mga may gusto. Sa mga hindi aabutin, sa cookies na lang kayo since masarap din yung cookies!"
Para akong nakahinga ng maluwag! Nilapag ko ang cake sa center table. Kumuha na ako ng part ko dahil gusto ko rin namang matikman yung gawa ko, 'no!
Lumabas na muna ako sa veranda. Masyado nang crowded sa loob medyo mahirap na gumalaw lalo na kumukuha na ng pagkain ang mga bisita. Nilapag ko ang cake ko sa mini round table na nandun bago lumabas at kumuha ng ibang set ng pagkain.
I took a step back when I was about to enter the veranda. I saw Blake sitting on one of the chairs outside. Nakapatong na rin ang pinggan niya sa round table na naroon katapat ng akin.
"Bakit nandito ka?"
Gusto kong bawiin ang sinabi ko matapos no'n lumabas sa bibig ko. Anong klaseng tanong 'yon? Malamang kakain siya rito, Kylie?!
"Wanted to breathe. Ang gulo na nila masyado sa loob,"
Umupo ako sa pwesto ko kanina at pinatong ang panibagong plato na dala ko. Bigla akong nahiya nang makita ko ang kanya. Isang plato lang 'yon at 'di hamak na mas marami yung akin! Nakakahiya naman 'to!
Inayos ko ang mga pinggan na nakalatag para hindi malaglag at mabasag. Habang ginagawa ko 'yon ramdam ko ang titig ni Blake sa'kin. Ano ba 'to? Lalo akonh naiilang, e!
"Bakit ka ba nakatingin?" halos mautal-utal kong tanong, pilit iniiwasan ang tingin niya.
"Nothing..." but when I took a glimpse, I saw the ghost of smile on his lips.
Binalewala ko na lang siya. E ano naman ba kasi kung nandyan siya, Kylie? 'Di ka pwedeng kumain kung gaano ka karami kumain lagi? Hayaan mo siya dyan!
Nagsimula na kaming kumain ng tahimik. Thankfully, hindi na ako tinapunan pa ng tingin ni Blake dahil abala na rin siya sa pagkain. Mabuti naman para makakain ako ng maayos!
Napansin ko na wala siyang dessert. Hinati ko ang nakuha ko at bahagyang tinulak palapit ang pinggan sakanya. Napa-angat naman agad siya ng tingin sa'kin.
"Uhm... dessert... naparami ata kuha ko. Hati na lang tayo." alok ko.
Again, the hint of smile on his lips appeared. Tinanggap niya yung inaalok ko. Kumuha siya sa cake at tinikman 'yon. Parang natense ako bigla?!
"M-Masarap?"
God! Bakit ba ako kinakabahan? Si Blake lang 'yan, Kylie! Ano ba nangyayari sayo ngayon?!
It took him a few seconds to answer. At sa ilang segundo na lumipas na 'yon abot langit na yung kaba ko. Jusko! Ano ba 'to?!
Nakahinga ako ng maluwag nung bigla siyang tumango at nilapag ang kutsara niya.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd To Campus Queen (Completed)
Teen FictionCampus Nerd to Campus Queen? Pwede nga bang mangyari iyon sa buhay ni Kylie Michell Natividad? Oh forever na siyang Campus Nerd? READ MY STORY TO KNOW ^_^