Blake's Pov
Kinabukasan ay pumasok ako ng 10am kahit mamayang 12pm pa ang laban namin. Pumasok ako ng maaga dahil kay Kylie. Dumiretcho ako sa Gymnasium, dun din kasi gaganapin ang Basketball, Volleyball at Badminton. Umupo ako sa Bleachers at pinanood sila Jaima na maglaro. Nakita ko naman ang jersey na may nakalagay sa likod na 'Dela Vega 28' napangisi ako. That's my girl.
Pinanood ko sila at akita kong si Kylie pala ang attacker. Kalaban nila sila Alexis Montalban. Hindi ko maiaakila na magaling din ang Seniors. Tinignan ko ang bola na lumilipad sa ere na agad namang pinalo ni Kylie. Napalo din ng kabila kaya agad pumalo ang nasa gitna. Nanood lang ako hanggang sa matapos na ang laro nila.
Bumaba ako mula sa inuupuan ko at sinalubong sila Kylie.
''Hey, congrats.'' Bati ko.
Lumingon naman sa'kin si Kylie habang umiinom ng tubig.
Agad niyang binaba ang inumin niya at pinunasan ang bibig niya ng towel niya.
''What are you doing here?'' Tanong niya agad sa'kin pagkalapit niya.
''Pinanood kita. You know, supportive boyfriend here.'' Sabi ko at ngumisi.
Naramdaman ko naman agad ang hampas niya sa braso ko.
''Boyfriend mo mukha mo!'' Sabi niya.
Tumawa naman ako. ''Bakit? Hindi ba?'' Sabi ko at inilapit ang mukha ko sakaniya.
Nakita ko namang pumula ang pisngi niya.
''H-hindi! Assuming!" Sigaw nito at tinulak ako.
''You're so cute when you're blushing.'' Sabi ko at kinindatan siya.
''Tse!'' Sigaw niya at tinalikuran ako.
Humalakhak naman ako.
Nakita kong sinukbit ni Kylie ang Gym Bag niyang kulay Violet habang kausap sila Jai. Sinulyapan ako ni Jai at sinundot niya sa tagiliran si Kylie habang nginunguso ako. Napangisi na lang ako.
Nilingon naman ako ni Kylie at tinaasan ako ng kilay. Ang taray talaga nito. Kaya lalo akong naiinlove eh.
Lumapit naman ako sakanila kaya napatingin sa'kin ang mga co-players ni Kylie. Kinuha ko ang towel na hawak niya at hinarap siya sa'kin bago ko punasan ang mukha niya na puro pawis. Nagtilian naman ang mga co-players ni Kylie pati na ang mga kaibigan niya. Inilapit ko ang mukha ko sakaniya at nagsalita.
''Next time I'll watch again. I like the way you play, Kylie.'' Sabi ko at pinunasan ang leeg niya.
''I-ikaw bahala.'' Sabi niya at tumingin sa gilid niya.
Huminga ako at nagsalita.
''You still smell aromatic.'' Sabi ko at humiwalay. ''Suportahan mo ko, baby, ah?'' Pagpapatuloy ko at dumiretcho na sa coach namin ng makita ko siya.
Sumulyap ako ulit at nakita ko siyang naka-kagat labi.
Pagkarating ko sa Coach namin ay sinabihan niya lang kami na magpalit muna bago niya sabihin ang magiging plano.
Pumunta ako sa locker room namin at inilagay doon ang bag ko at nagpalit ng jersey. Maya maya lang ay nakita ko si Bryan at John na tumatakbo papunta sa gawi namin.
''Oh? Ba't kayo late?'' Tanong ni Jhersel.
''Traffic.'' Sagot ni John.
Hindi ko makita ang ginagawa nila dahil nakaharang ang pinto ng locker ko sa gilid ng ulo ko. Inayos ko muna ang gamit ko bago ko isara at tignan sila.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd To Campus Queen (Completed)
Teen FictionCampus Nerd to Campus Queen? Pwede nga bang mangyari iyon sa buhay ni Kylie Michell Natividad? Oh forever na siyang Campus Nerd? READ MY STORY TO KNOW ^_^