Chapter 36

129K 3.2K 190
                                    

Kylie's Pov

Bumalik ako sa room pagkatapos niya kong kausapin.

Pagkapasok ko sa Room ay baling agad silang lahat saakin.

"Ang ganda niya talaga!"

"Ganiyan pala ang ganda ni Kylie."

"Sobrang ganda niya! I love her already."

"She'll be mine. Soon."

Napapangiti ako sa mga bulungang naririnig ko.

Ganto 'yung dati. Nakakamiss din pala.

Umupo na ko sa upuan ko at ang Ericka na nagd-doodle ay lumingon agad saakin.

"So? Anong nangyari? Chika mo 'teh! 'Wag madamot." singhal nito.

Pagkasabi niya nun ay sabay-sabay ang lingon sa'kin ng mga kaibigan kong busy sa pakikinig or kung ano-ano pa.

"Spill, beshy!" excited na tanong sa'kin ni Beshy.

"Wait, bad or good?" tanong ni Jai.

Tinignan ko muna sila isa-isa. They really are interested.

"I think for me? It's good."

Laglag panga naman sila.

"Don't tell me....?" - Ara

Umiling agad ako.

"Wrong." agad kong sabi.

"Jusme! Ikwento mo na kasi!" - Doms

"Alright..." at ayun kinwento ko na nga.

Pagkatapos kong i-kwento ay namilog ang mata nila saakin.

Napakunot naman ako ng noo.

"What?" tanong ko.

"My god! Good? Do you think that's good?" - Jai

"Yeah?" patanong kong sabi.

Napatayo naman si Ericka.

"What the hell?! Sinaktan mo siya! Sa tingin mo good pa 'yun?!" naiirita niting sabi sabay hampas pa sa desk niya.

At sa paghampas niyang 'yun ay natahimik ang klase at napatingin sakaniya.

"WHAT?!" naiinis niyang sabi.

"Chill, Ericka!" - Beshy

Huminga naman ng malalim si Ericka at umupo.

Tahimik pa din ang mga kaklase ko habang nakatingin kay Ericka.

"Back to normal, guys! Kanya-kanyang mundo ulit." sigaw ni Ara.

"Tss. Mga epal naman kasi eh! Attention seekers! I cannots take this anymores!" sigaw ng isang pamilyar na boses.

Napalingon naman kami sa sumigaw na 'yun.

At nakitang si Clare pala 'yun. Isa sa alipores ni Vanessa.

Tumayo ako at nilapitan siya.

"Manahimik ka diyan ha?! Attention seekers? Baka ikaw? Baka nga sinasadya mo lang na mawrong-grammar ka para mapansin ka! Papansin na palaka!" bulyaw ko.

Mukha naman siyang nagulat at magsasalita na sana ng magsalita pa ko ulit.

"Better to shut your mouth. Aalingasaw pa ang mabaho mong hininga dito." sabay irap ko at talikod na.

Bumalik ako sa upuan ko at tinignan ang mga kaklase ko. 'Yung iba nagdadaldalan 'yung iba hindi dahil nakatingin pa sa'kin.

"Back to normal." saad ko.

Campus Nerd To Campus Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon