Chapter 41

118K 3K 374
                                    

Blake's Pov

Tumunog ang alarm ko at tamad akong bumangon. Pagod na pagod ako dahil sa kagabi.

Tumayo ako at naligo. Pagkatapos ay nagbihis ako ng polo at jeans. Nag-ayos ng buhok at sinuot na ang sapatos ko. Pagkatapos ay sinukbit ko na sa likod ko ang backpack kong Nike. Bumaba na ako at naabutan si Daddy at Mommy dun sa kusina, kumakain.

"Morning." sabi ko.

"Goodmorning." - Mommy

Umupo na ako sa upuan ko at nagsandok na.

"How's your school?" tanong ni Daddy.

"Fine, Dad."

"Fine? Ikaw na ba ang top natcher?" - Daddy

"No." maikli kong sagot.

Narinig ko naman ang pagbagsak ng kutsara tinidor niya.

"Still no? Blake, what happened to you? Since first year high school you're always down! Hindi ko na ulit marinig sa'yo na ikaw ang First!" inis na sabi ni Daddy.

Napapikit naman ako. He's always like this. Is it my fault?

"Danny!" sigaw ni Mommy kay Daddy.

"What, Helen? You're defending your son again?" ani Daddy.

"Wow Dad, kung makapagsalita ka akala mo hindi mo alam ang dahilan." sabi ko.

Inilayo ko ang pagkain ko sa'kin at tumayo na para lumabas.

"I'm going. Nawalan ako ng gana. Bye, Mom." paalam ko.

Naglakad na ko patungong pinto ng marinig kong sumigaw pa si Daddy.

"We're not yet done, Kevin!" aniya.

"Yeah, we're always not." at lumabas na ko ng pinto.

Sumakay na ko sa motor ko at pinaharurot ito. Fuck it.

Nakarating agad ako sa School ng 20 minutes before magbell.  Naglakad ako patungong room. Marami nanaman syempre ang nakatingin saakin. Tss. I really hate attentions. It irritates me.

Nagulat ako ng may kumapit sa braso ko.

"Buti naabutan kita." ani nito sa malambing na tono.

Hindi ako sumagot.

"Hey, may nangyari ba sa bahay niyo?" tanong nito.

Kinalas ko ang kapit niya at hinarap siya.

"Pwede ba, Vanessa? Shut your mouth. Nakakarindi kana. Sumuko na ko 'di ba? Umayaw na ko kaya pwede ba!" inis kong sabi.

"But we're still dating and you know that you can't give up!"

"I already did! I fucking gave up!"

Umiling siya at ngumiti. "I repeat, you know that you can't. Bahala ka, it's up to you. Basta pinapaalala ko lang sa'yo, nakasalalay dito ang kompanya niyo." at naglakad na ito ulit.

Bumuntong hininga ako. Shit! Naglakad na lang ulit ako na parang walang nangyari. Blackmailed again by Vanessa.

Nakarating ako sa room at nakita ko si Vanessa na masayang kausap ang barkada niya. Sumulyap naman ako sa dulo at nakita ko siya, nakaub-ob habang ang mga kaibigan niya sa tabi niya ay naguusap-usap.

Dumiretso ako sa pwesto ko kung saan nakatambak ang mga libro nila Bryan.

Pinatong ko agad ang bag ko at umupo.

"Gagawin ko dito?" tanong ko sakanila.

Ngumiti naman muna si John at sumagot, "Alam mo na." aniya.

Campus Nerd To Campus Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon