Chapter 20

142K 3.5K 625
                                    

"What's with you?" tanong ni Ara sa'kin pagtapos ng klase.

Simula nung bumalik kami galing locker, hindi na ako magkanda-ugaga dahil sa nabasa ko.

Like, what the hell?

Hindi ko alam kung maiinis ako o ano. Kung prank man 'to, will people go this far para lang pag-trip-an ako? They will even play with people's feelings just to have the satisfaction that they want?

Sa inis na namumuo sa dibdib ko ay parang gusto kong gamitin ang pagiging Dela Vega ko. I want to review the CCTVs. Sigurado akong nakuhanan nila kung sino ang nag-lagay no'n sa locker ko.

K? Sinong K?

"Kanina ka pa mukhang badtrip," ani Ericka.

Napalingon ako sakanila. Nag-aalala sila sakin kaya nakonsensya naman ako. Kanina pa kasi sila nagk-kwentuhan at eto ako... lutang. Ang lakas ng epekto sakin nung sulat na 'yon. Pakiramdam ko pinaglalaruan ako.

"Hindi, 'no. Sorry for spacing out. Ano bang pinag-uusapan niyo?" I tried to sound as cheerful as I really was.

"Ikaw,"

"Ako? Bakit? May nagawa ba ako?" kinakabahan kong tanong.

Natawa naman sila. Kinurot ni Jai 'yung pisngi ko.

"Cute mo talaga! Syempre joke lang!"

"Si Ate Love ang pinag-uusapan namin. Birthday na no'n sa Sabado. Iniisip lang namin kung ano bang gagawin natin." si Ericka ang sumagot.

Birthday ni Ate Love? Talaga? Hindi ko alam 'yon, ah!

Speaking of Ate, minsan lang namin siya makasama kapag nagtutugma ang sched. O 'di kaya kapag wala siyang pasok at kami meron. Minsan sinusundo niya kami para kumain sa labas pero madalas ay rito niya na lang kami sinasabayan sa cafeteria.

"Mamaya na lang natin pag-usapan 'yan after class," sabi ni Ara at umayos na ng upo dahil dumating na ang last subject teacher namin.

I wasn't listening at all. Kahit anong pilit ko na mag-focus ay ginugulo ako nung letter na natanggap ko. Pero nang mag-uwian na at nag-aya sila na tumambay muna saglit sa grounds ay kahit papaano nawala na sa isip ko 'yon. Pag-uusapan na namin kung anong gagawin namin sa birthday ni Ate Love.

Maraming tao sa grounds. Ang iba ay nakatambay sa taas ng puno. Ang iba naman ay nasa bahagi na ng field at nakasilong. Iba naman nakaupo sa mga bench. Malawak ang grounds at nasaktuhan pa na katabi nito ang field kaya talagang malaki ang tambayan ng mga estudyanteng walang ginagawa.

"Dun tayo," tinuro ko ang concrete picnic table na nasa ilalim ng puno.

Nag-text ako saglit kay Manong na baka malate ako ng labas ng ilang minuto. Umupo na ako sa tabi ni Kinah at nilapag ang bag ko sa harapan.

"So, what's the plan?" panimula ni Jai.

"Kailangan muna natin alamin kung saan siya mags-stay sa birthday niya. Kung sa condo niya or sa bahay nila. Para alam natin saan tayo mags-set up." sagot ni Kinah.

"Feeling ko sa condo 'yon mags-stay. Wala rito sila Tita, 'di ba? Next year pa ang uwi nila dahil next year pa rin ang debut ni Ate Love." sabi ni Ericka.

Hindi muna ako kumikibo habang nag-uusap-usap sila. Wala pa naman akong alam sa mga binabanggit nila. Mamaya na lang siguro ako sasabat kapag magp-plano na kami.

"Let's just throw a surprise party for her," suhestyon ni Doms habang abala sa binabasa niyang novel.

I peaked on what she was reading. The book wasn't familiar to me dahil parang more on investigation iyon base sa cover. Hindi naman kasi gano'n ang bet kong genre ng libro. I prefer fantasy.

Campus Nerd To Campus Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon