Mabilis lumipas ang mga araw at nag Prom Night na. Nasa kwarto ako ngayon at mine-make up-an na ng Make Up Artist na kinuha ni Mommy. 5pm na pero 8pm pa naman ang start ng prom. Susunduin ako ni Blake dito saamin as he said.
"Pikit ka, teh! Baka 'yang mata mo ang malagyan ko ng eye shadow." Sabi ng bakla na nagm-make-up saakin.
Tumawa naman ako at pumikit na nga. Nang matapos niya akong make-up-an ay inayos niya na din ang buhok ko. Marunong din naman pala siya kaya hindi na kinailangan na tawagin ang taga-ayos nila Mommy ng buhok tuwing may okasyon.
7pm ng matapos niya akong ayusan. Kaya tumayo ako pagkatapos at nagpasalamat.
"Ay nako waley 'yun. Magbihis ka na ng makita ko naman ang susuotin mo. 'Wag madamot baka majungalngal ko sa'yo 'tong gamit na hawak ko." Aniya at tumawa. "Keme lang be! Gora na!" Patuloy niya.
Natawa na lang ako sa mga words na ginamit niya. Ang saya nga siguro ng may kaibigan kang bading.
Umakyat na ako sa kwarto na sinundan naman ni Ate. Tinulungan niya ako sa pagsuot ko ng gown. Nakaviolet tube na bolga ako at may diamonds na paletter T sa bandang dibdib ko pati na din sa gilid ng gown ko.
"Oh my god! You're stunning sis!" Sabi ni Ate na may tuwa sa mukha.
"Weh? Thank you ate." Sabi ko sakaniya.
"No worries." Aniya at niyaya na akong bumaba.
Pagkababa namin ay nakita ko doon si Kuya na nilalandi nung make up artist ko kanina. Nang mapansin naman nila kami ay nanahimik sila at napatulala saakin. Kinabahan naman ako doon agad.
"Is it ugly?" Tanong ko sakanila.
Umiling naman agad si Gail (na make up artist ko) at tumayo at pumalakpak.
"Perfect!" Sambit niya.
Napangiti naman ako doon. Tumayo si Kuya at hinawakan ang kamay ko.
"Dalaga na talaga ang bunso namin." Sabi niya.
"You guys ready?" Tanong ko sakanila ni Ate.
"Not yet. Pwede naman kaming sumunod doon ng bandang 9pm para sa awarding. Don't worry, we'll go there." Sabi ni Kuya.
"Yeah. You'll see your beautiul sister there and it's only me of course." Sabi ni Ate.
Natawa naman ako at binalingan ang salamin. Tinignan ko ang sarili ko. Nakabraid ang buhok ko na parang pusod at may tinira naman na buhok ko na kulot. (A/N: medyo mahirap iexplain sorry ✌️ sa mga nakagets salamat HAHAHA.) Nagulat ako ng nakita ko si Mommy sa likod ko na nilagyan ako ng flower crown.
"There you are. Mas bumagay. Mabuti na lang at naabutan ka pa namin dito. You're so pretty my dear." Sabi ni Mommy.
Hinarap ko siya at niyakap.
"Alam ko po 'yun, My. Hahaha, mana po ako sainyo eh." Sabi ko.
Bumitaw naman sa yakap si Mommy at tinignan akong mabuti.
"You've grown so fast. Parang dati lang ay hahabol habol kapa saamin." Sabi niya.
I smiled. "Don't worry, My. I'm still your baby no matter what." Sabi ko.
Biglang may bumusina sa labas na agad naming tinignan.
"There's your prince, baby." Sabi ni Daddy at lumapit saakin.
Pagkalapit niya saakin ay niyakap niya ako at hinalikan sa ulo ko bago ako tignan.
"You're so pretty. Go on, take care okay? Enjoy your night." Sabi niya saakin.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd To Campus Queen (Completed)
Teen FictionCampus Nerd to Campus Queen? Pwede nga bang mangyari iyon sa buhay ni Kylie Michell Natividad? Oh forever na siyang Campus Nerd? READ MY STORY TO KNOW ^_^