Umuwi na ako saamin ng mag January 2 na. Umuwi ako agad para na rin masundo ko sila Mommy bukas. Wala akong ginawa buong araw kundi mag-internet lang. Ayaw pa nga akong pauwiin ni Blake kanina, nagpumilit lang ako dahil aayusin ko pa pala ang kwarto ko.
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil 11am ang dating nila Mommy.
''Mommy!" Tawag ko sakaniya ng makita ko sila sa arrival area.
Nilingon naman nila ako kaya sinalubong ko agad sila. Si Mommy naman ay yumakap saakin ng mahigpit.
''I miss you, bunso.'' Aniya.
''Mommy, stop over acting! Nauna lang akong umuwi sainyo ng ilang days.''
Kumalas naman siya at nag-pout. Oh my god! My Mom is like a kid!
''Stop pouting, My!'' Reklamo ko sakaniya.
''Namiss lang kita pero ganiayn ang bungad mo saakin. Nakakapagtampo lang.''
Nalungkot naman ako dun. I know my Mom's serious here. That's why I hugged her.
''Don't worry My. I missed you too, 'wag ka ng magtampo kay bunso.'' Sabi ko.
Niyakap niya naman ako pabalik. Maya maya lang ay bumitaw na din ako at nagmano kay daddy bago halikan sila Ate sa pisngi.
''Let's eat? Alam ko namang gutom na kayo eh.'' Pagaaya ko.
''Yeah, I'm hungry na.''
''Kaya nga kakain eh.'' Sabat ni Kuya.
''Oh shut up, Brandon!''
''Shut up too, Zysha.'' Ani Kuya at humalakhak.
''Just shut up you two.'' Sabat ko.
Tumingin naman silang dalawa sa'kin.
''Oops, nagsalita na ang panganay.'' Sabi ni Kuya.
Ang lakas mang-asar ni Kuya ngayon. Hindi na ako nagsalita pa at bumusangot na lang bago kumapit kay Ate.
''Anong nahithit ni Kuya at ang lakas niyang mang-asar ngayon?'' Tanong ko sakaniya.
''I don't know, basta ang alam ko ay nagusap sila ng labidabs niya kanina bago kami umalis sa Cali. then 'yun sa eroplano din asar siya ng asar sa'kin masiyadong good mood.''
''Excited na sigurong makita si Ate Meg.'' Sabi ko.
''Maybe.'' Sagot ni Ate.
Sumakay na kami sa sasakyan at naghintay na makarating sa Restau. Naghanap kami ng mauupuan namin, nang makahanap kami ay umupo kami doon at umorder na.
''So how was your new year here?'' Tanong saakin ni Daddy.
''Fun, Dad. I'm with my friends and of course, Blake.''
Nakita ko naman ang pagtango niya. Hindi na ako kumibo ganun din naman si Daddy. Pagod sila panigurado sa byahe.
Ilang minuto ang lumipas at dumating na din ang order namin. Kumain kami ng tahimik.
Nang matapos kami ay tinawag ni Kuya ang waiter at nagsenyas ng bill. Dumating din naman agad iyon at binayaran na ni Daddy tsaka kami inayang umuwi na.
Pagkadating namin sa bahay ay umakyat agad sila Mommy sa kwarto nila. Sila Kuya naman ay dumiretcho sa sala at nanood.
Tumabi naman ako kay Ate at nakinood na din ng biglang tusukin ni Kuya ang pisngi ko.
''Ay ano ba Kuya! Hyper mo ngayon!'' Inis kong sigaw sakaniya.
Tumawa naman siya, ''Hahaha! Okay, I'm sorry. I just missed you, bunso.'' Aniya.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd To Campus Queen (Completed)
Teen FictionCampus Nerd to Campus Queen? Pwede nga bang mangyari iyon sa buhay ni Kylie Michell Natividad? Oh forever na siyang Campus Nerd? READ MY STORY TO KNOW ^_^