Chapter 4

155K 4.1K 356
                                    

Hindi ko namalayan na ilang oras na pala akong nakatambay sa pool. Nakababad lang yung paa ko roon. Ganito talaga kapag malungkot ka, e, 'no? Sa kakatulala mo hindi mo na napapansin na ang bilis pala ng oras.

Nang makaramdam na ako ng panlalamig tumayo na ako. Akmang maglalakad na ako papasok sa loob ng bahay pero may napansin ako sa pangalawang palapag ng bahay.

Lahat ng kwarto namin nila Kuya may mga terrace na maliit na nakaharap sa pool. Nasa gitna yung kay Ate at mula rito nakikita ko siyang nakadungaw habang hawak ang phone niya. Napaiwas ako ng tingin at nagmadaling pumasok sa loob ng bahay. Baka makita niya pa akong nakatingin sakanya.

Pakiramdam ko napagod ako kahit wala naman akong ginawa. Kaya pagkaakyat ko humiga agad ako. Ni hindi ko na namalayan na hinatak na pala ako ng antok.

Kinabukasan, two thirty na pero hindi pa rin ako bumababa. Baka kasi nandun si Ate. Nung sumilip kasi ako kanina nakita kong halos kakababa niya lang din kaya pinalipas ko muna.

Sunod sunod na pagkatok ang narinig ko. Tatayo na sana ako para buksan ang pintuan kaso narinig kong nagsalita si ate Melody mula sa labas.

"Ma'am Kylie, ito na po yung pagkain niyo. Hindi pa po kasi kayo lumalabas diyan simula kaninang umaga. Nagaalala na po kami sainyo. Iiwan ko na lang po rito sa labas ng kwarto, Ma'am."

Tumayo ako. Nagbabaka sakaling maabutan ko pa si Ate Melody sa labas para magpasalamat pero tanging tray na lang ang naroon. Kinuha ko na 'yon at pinasok sa loob ng kwarto. Tinabi ko muna ang mga nakapatong na gamit sa study table para malagay ang pagkain na dinala ni Ate Melody.

Naisipan kong sulyapan yung cellphone ko. Simula pagkagising hindi ko pa 'to nahahawakan kahit panay ang vibrate nito. Naninibago ako dahil ano bang meron?

Binasa ko na isa isa ang mga mensahe. Namilog ang mata ko nang maalalang may usapan nga pala kami kahapon nila Kinah na aalis kami ngayon! Sa sobrang pagiging okupado ko sa nangyari kagabi nawala na sa isipan ko 'yon.

Ara:

Hey! Male-late kaba? We're already waiting for ya here! Just tex us if you'll be late. Take care! Mwa! I'm so excited to make-over you.

Jai:

Oyyy! Asan kana? 9:30 na wala ka pa rin! Hinihintay ka namin text mo lang kami kapag malapit kana okay? see you!

Ericka;

Kylie! Matatapos na klase wala kapa rin. Susunod kana lang ba sa mall o sunduin kana lang namin? Need your answer! :)

Dominic Nicole:

Asan kana? Hinihintay ka namin. Tagal mo ah.

Natawa naman ako ng bahagya sa text ni Doms. Ang tipid kasi niya magtext, matipid na nga magsalita matipid pa magtext.

Beshy na maganda harthart rawr!:

HOY BESHY!!! ASAN KANA BA HA?! TAPOS NA KLASE AT LUNCH WALA KAPA RIN! PUMUNTA KANA DITO SA SCHOOL! IME-MAKE OVER KAPA NAMIN DIBA? DALIII! CAN'T WAIT! KAYA PWEDE BANG PUMUNTA KANA RITO?! WE'LL WAIT AT OUR PLACE. CIAO! SEE YOU! LOVE YOU BESHY! TAKE CARE!

Kung iniisip niyong ako yung naglagay ng pangalan niya nagkakamali kayo. Sa text pa lang niya nakita niyo naman kung naalog ba utak o hindi 'di ba?

Marami pang message sila Kinah na hindi ko na nareplyan. Alam na siguro nila yung sagot. Pero habang nags-scroll may dalawang text na nakakuha ng atensyon ko.

Unknown:

This is Blake. We're partners in one of our subjects. Can we talk about it tomorrow or are you free later after class?

Campus Nerd To Campus Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon