Chapter 14

141K 4K 532
                                    

Ayoko naman talagang sundin si Ate pero may parte sakin na sinunod ang sinabi niya. I don't know why. Pero pakiramdam ko dapat lang talaga.

"Good morning!" I greeted when I entered our dining room.

"Morning, sweety. Sabay-sabay raw kayong papasok nila Ate mo. Hurry up."

Automatic na napatingin ako kay Ate nang sabihin ni Mommy 'yon. Seryoso ba siya? Bakit biglang nagbago ang ihip ng hangin at sasabay si Ate samin?

"Bye!" Paalam ko sa mga magulang ko matapos kong kumain. Kinuha ko na ang bag ko at sumunod kila Kuya na naglakad papuntang garahe.

Si Ate na ang sumakay sa shotgun seat kaya sa likuran na lang ako umupo. Naging tahimik ang byahe namin kaya ipinagtaka ko 'yon. Hindi naman kami ganito kahit magkakasabay kami. Madalas mag-iingay talaga si Kuya para lang hindi awkward.

Hanggang sa makarating kami sa EU wala pa ring umiimik. Pero hindi nakatakas sa paningin ko ang tinginan nila Kuya nang palabas na ako ng sasakyan. Seriously, what's up with them?

"Hatid na kita," si Kuya pagkalabas ng sasakyan.

"You're weird,"

"What's weird on taking you to your room? Ginagawa ko naman 'to dati?"

I shrugged. "Ewan. Ang weird niyo lang dalawa." Inayos ko ang salamin ko bago naglakad papasok.

Ilang saglit lang naramdaman ko na sa likod ko si Kuya. Tinignan ko siya at napansing wala na si Ate. Bakit ko nga ba naisipan na sasama siya?

"If you see anything creepy, you call me immediately." aniya pagkahinto namin sa tapat ng room.

"Should I call you, then? You're creepy, e."

He just made a face before patting my head. Kukurutin ko pa sana siya pero natatawang tumakbo na siya palayo. Gawin ba naman akong aso?!

Namataan ko agad si Blake na nasa pwesto niya kaya napaiwas ako ng tingin. Kinukulit siya ni Jhersel pero wala siyang pakealam. Sungit talaga.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil parang may nagwawala sa loob nito. Bakit ganito? Hindi ba pwedeng kumalma kada nakikita siya?

"Hindi ka makahinga?" Someone asked from my back kaya napalingon ako roon. Sumalubong sakin si Ericka na hawak-hawak ang bag niya.

"Huh?"

Tinuro niya ang dibdib ko. "I thought you can't breathe. Bakit hindi ka pa pumasok?" Pinaharap niya ako at tinulak kaya napalakad ako papunta sa pwesto ko.

Bakit ba kasi kaklase ko pa 'tong si Blake? Paano kaya ako makakapagfocus? Pero bakit ba siya yung sinisisi ko? Wala naman siyang ginagawa. Bakit hindi ko sisihin si Doms dahil klinaro niya sakin yung nararamdaman ko? Higit sa lahat... bakit hindi ko sisihin sarili ko samantalang ako yung naghanap ng sagot sa sitwasyon na ganito?!

"Ugh!" Huli na nang marealize ko ang ginawa kong paggulo sa buhok dahil napatingin si Ericka sakin.

"Ano ba nangyayari sa 'yo?"

"Laki ng problema, a!" Sabi ni Bryan mula sa likuran ko.

I just waved my hand at him. Ayokong humarap dahil natatakot ako sa makakatinginan ko!

Mabuti na lang nagsidatingan na sila Ara kaya nawala na ang pagkailang ko. Nakasimangot si Kinah nang umupo siya sa tabi ko kaya hinarap ko siya.

"Ito ata talaga ang may problema," sabi ko.

Nakasimangot niya pa rin akong tinignan. Galit ba 'to sakin? Ba't parang may ginawa ako sakanya?

"Hindi ko nabili yung gusto ko!" She suddenly hissed kaya nagulat ako.

Campus Nerd To Campus Queen (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon