Kylie's Pov
Sabado ngayon ibig sabihin wala akong makikitang Blake na tumitingin saakin isang buong araw.
Nakakainis lang yung tingin niya! Siguro kung pwede lang akong malusaw malulusaw na ko. Pero teka? Bakit niya nga ba ako tinitignan? Baka nagagandahan siya sa'kin?
Ano kaba Kylie! Isang Blake Kevin Garcia mag kakagusto sa'yo? Siguro sa panaginip mo oo! Pero sa reality ASA ka naman.
"SIIIIISSS! MALIGO KANAAA!"
Mula sa pagkakaupo ko ay napatayo ako bigla at napatingin sa hagdan. Nags-senti ako dito tapos biglang eepal 'tong Ate ko!
Nakita ko siyang tumatakbo pababa ng hagdan.
"Bakit? Anong meron?" nagtataka kong tanong.
"Magm-mall tayo kasama si Kuya!" excited niyang sabi sa'kin.
"Wow! Napa-payag mo si Kuya, Ate? Himala!"
Hindi kasi 'yun sumasama namin ni Ate. Kasi alam niyang pagbibit-bitin namin siya ng mga bibilhin naming mga damit. Pero dati 'yun.
"Oo! Sinabi ko kasing kasama si Megan kahit hindi naman. Kaya ayan tuloy! Napilitan akong isama si Meg imbes na tayong tatlo lang."
"Nanghihinayang ka Ate ganun? Ayaw mo pa rin ba kay Ate Meg?"
Ayaw niya kay Ate Meg dati ewan ko lang ngayon. Ewan ko nga dito kung bakit ayaw niya eh ang bait nga ni ate Meg.
"Hindi na. Nagustuhan ko na siya." sabi nito. "Ay ano ba! Dinadaan mo ko sa chika mo eh! Umakyat kana nga dun at maligo't magbihis kana! Ang baho mo na!"
Napa-amoy naman ako sa sarili ko.
"Uto uto! Hahaha! De joke. Dali na sis! Umakyat kana! Bagal." sabi nito habang pinagtutulakan ako.
Wala na kong magawa kaya umakyat na ko sa kwarto ko at naligo.
Nang matapos ako binuksan ko ang WAC (Walk-in-closet) ko.
Pumili ako ng damit na maisusuot ko ngayon.
Lumabas na ko ng makapili na ko ng damit ko. Halos long sleeves at mahabang palda ang damit ko kaya no wonder na ayun ang suot ko ngayon.
Nagsuklay na ako at nagheadband na. Sinuot ang makapal na salamin at tinupi ang long sleeves ko nagdala ako ng mini backpack at nilagay dun ang wallet at cp.
*Tok tok*
"KYLIE! HINDI KAPA BA TAPOS DIYAN?! ANG BAGAL MO NAMAN!" sigaw ni Ate mula sa labas.
"ETO NA! EXCITED KA NAMAN MASIYADO!" sigaw ko habang sinusuot ang flats ko.
"EH NGAYON NA LANG KASI TAYO NAKALABAS ULIT NG TAYONG TATLO EH!" sigaw ulit niya.
Sisigaw na sana ako ulit ng biglang may sumigaw.
"HOY ANO BA 'YAN! INGAY INGAY NIYO! NAGSISIGAWAN PA KAYO! PWEDE NAMANG PUMASOK KA KAITLEEN SA KWARTO NI KYLIE!"
Natawa ako ng bahagya sa sumigaw si Kuya 'yun kung hindi ako nagkakamali at halata sa boses niya ang inis.
"Tse! Ikaw din naman sumisigaw!" sigaw pabalik ni Ate.
Hayyy, hindi talaga matatahimik ang bahay kapag nagsisigawan 'tong dalawang 'to.
Lumabas na ko sa pinto at bumaba na.
BINABASA MO ANG
Campus Nerd To Campus Queen (Completed)
Teen FictionCampus Nerd to Campus Queen? Pwede nga bang mangyari iyon sa buhay ni Kylie Michell Natividad? Oh forever na siyang Campus Nerd? READ MY STORY TO KNOW ^_^