Kylie's Pov
''Oo, ako nga, Kylie.''
Nalaglag ang panga ko.
Oo, alam kong nasa kanilang dalawa lang ni Blake ang nagt-text sa'kin. Pero all this time ang buong akala ko ay si Blake! Alam ko kung pano maging sweet si Kurt. He's not like that, before.
Magsasalita pa sana ako nang bigla ko siyang nakitang nakahandusay na sa sahig habang hawak hawak ang pisngi niya.
Namilog ang mata ko hindi ako makapagsalita.
''Tangina mo! Anong ikaw? Sinungaling!''
Unti-unti kong nilingon ang lalaking hingal na hingal sa gilid ko.
''Blake?'' ngunit hindi ako pinansin nito.
''Alam mong ako ang makikipagkita kay Kylie, Kurt! May Lovely kana kaya pwede ba! Tigilan mo na si Kylie!'' galit na sigaw ni Blake.
Nilingon ko si Kurt.
''H-hindi ikaw?'' tanong ko.
''Let me explain, Kylie.''
Sinubukan niyang tumayo pero sinuntok ulit siya ni Blake.
''Explain?! Gago! Akala ko ayaw mo na kay Kylie pero the fuck Kurt! But the hell! Mali pala ang akala ko! I trusted you. Barkada ko, karibal ko. Eto lang sasabihin ko sa'yo, you will never have Kylie again. Tama na ang sakit na binigay mo sakaniya noon. I will protect her from now on.'' sabi ni Blake sabay hawak sa kamay ko.
Akmang hihilahin na ko ni Blake pero bigla din akong hinawakan ni Kurt sa kabilang kong kamay.
''Now you know dude. Hindi ko naman hahayaang mapunta sa'yo ng tuluyan si Kylie. Mahal ko pa siya. Let me have her again. Hindi ko na siya sasaktan.'' pagmamakaawa ni Kurt.
''No. Kahit anong sabihin mo hindi ako papayag. She's only mine.'' sagot ni Blake.
''Kylie please, give me another chance. Please naman oh, please.'' - Kurt
Magsasalita na sana si Blake pero inunahan ko na.
''Ano ba, Kurt! Tama na naman oh! Ayoko na! Tama na 'yung dati! 'Wag mo namang saktan si Ate Love! Mahal ka niya! Mahal na mahal! Kalimutan mo na ako! Hindi ka ba nahihirapan? Barkada ko girlfriend mo! Don't tell me you only used her just to forget me?'' tanong ko.
Dahan dahan siyang tumango.
Napapikit ako. Nang binuksan ko ang mata ko ay agad lumipad ang kamay ko sa pisngi niya.
''Asshole! Hindi mo alam kung gano ka kamahal ni Ate Love! Hindi mo alam kung ano 'yung kilig na nararanasan niya kapag kinekwento ka niya samin! And yet nagawa mo siyang gawing panakip butas?! Sino ka para gawin 'yun?! Walang hiya ka! Sana makonsensya ka! Ang selfish mo! Napakaselfish mo!'' at pinagsusuntok ko siya sa dibdib niya.
Galit ako! galit na galit ako sakaniya! Nasasaktan ako para kay Ate Love.
''Kylie, tama na.'' awat sa'kin ni Blake.
Pero hindi, hindi pa din ako tumitigil. Nanggigigil pa din ako! Niloko niya ang bestfriend ko!
Hinawakan ko ni Blake sa braso ko kaya tumigil ako.
''Hayaan mo na siya. Gago 'yan eh. Let's go.'' at hinila na ko ni Blake.
Naglakad na kami at iniwan si Kurt dun.
Pumunta kaming Parking Lot at tumigil sa tapat ng isang motor na kulay Red.
''Just wait. Tatawagan ko lang sila Bryan.''
BINABASA MO ANG
Campus Nerd To Campus Queen (Completed)
Teen FictionCampus Nerd to Campus Queen? Pwede nga bang mangyari iyon sa buhay ni Kylie Michell Natividad? Oh forever na siyang Campus Nerd? READ MY STORY TO KNOW ^_^