Zombie 1: Heterochromia
Third person's POV
Sa pag sabog ng helicopter ay may babaeng walang malay na natapon sa gitna ng dagat. Sobrang lakas ng ulan kasama na don ang malakas at nag hahampasang alon ng dagat.
Habang papalubog ang katawan ng babae sa dagat ay may kung anong nag babago sa katawan babae. Sa kaloob-looban ng kanyang katawan ay may likidong kulay asul na kumakalat sa loob ng katawan nya. Puso, utak at lalong lalo na sa kanyang anak na nasa sipupunan.
Kumuyom ang kamao ng babae kasabay na don ang pagbukas ng mga mata nyang umiilaw na kulay asul. Ang kanyang mga matang umiilaw na kulay asul ay nakaka taas balahibo dahil sa nakakatakot na mga mata nya.
"The merciless monster will rising.....now" pag kasabi nya non ay ang malakas na kulog ng kidlat.
****
Napadilat ang mga mata ni Eren at napaupo. Hinawakan nya ang kanyang dibdib at ramdam nya ang pag kabilis ng tibok ng puso nya.
Araw-araw, gabi-gabi ay palagi nalang nyang napapaginipan ang babaeng hindi naman nya kilala. At ngayon sa dagat naman nya nakita. Pero mas iba yung ngayon kesa sa dati nyang napaginipan.
"Who's that girl?" bulong nyang sabi. Naputol sya sa pag iisip nung bumukas ang pintuan at niluwa non ay ang kanyang asawa na si Sandy.
"Goodmorning, mahal ko. Breakfast in bed" malambing niyang sabi at nilapag yung tray sa ibabaw ng kama. Ngumiti nalang si Eren ng matamis sa kanyang asawa kahit may bumabagabag sa kanyang isipan.
Habang kumakain sya ay nag lalaro sa kanyang isipan ang babae na napaginipan nya. Hindi nya alam pero parang may tumutusok sa kanyang puso kapag naaalala nya ang babae.
"Mahal, may naging kaibigan ba akong babae nung mga bata pa tayo noon?" takang tanong ni Eren kay Sandy. Sa dumaan na maraming taon ay wala syang naging kaibigan na babae. Tanging si Sandy at ang kanyang ama lang ang nakasama nya.
"Wala naman, mahal. Bakit mo natanong?" sambit ni Sandy. Umiling-iling si Eren.
"W-wala. Natanong ko lang" saad nya at nag simula na ulit kumain.
"Ok basta bilisan mo lang kumain dyan at pumunta ka na sa laboratory. May nagawa si Dad na bagong invention para sa virus na ipanghahalo sa hangin. Bye mahal. I love you" sabi ni Sandy.
"I love you too" nakangiting sabi ni Eren at kiniss sa cheeks si Sandy. Nang makaalis na ang kanyang asawa ay nag buntong hininga sya at binaba nya yung hawak nyang kutsara't tinidor sa tray. Tumayo sya at pumunta sa balkonahe.
Hindi maiwasang mag taka ang isipan ni Eren habang pinagmamasdan ang magulong syudad na nakapalibot sa kanyang tinitirhan. Sa pinaka ibaba naman ay nakikita nya yung mga hindi pangkaraniwang tao na naglalakad sa gitna ng kalsada.
Pag dilat ng mga mata nya ay ganito na ang bumungad sa kanyang paningin. Maraming katanungan ang kanyang isipan pero sinagot naman iyon ng kanyang asawa. Pero sa lahat ng naging sagot ng kanyang asawa ay parang may mali. Hindi nya lang mawari kung ano yun.
***
Megan's POV
TOKYO, JAPAN
"Kore wa kongetsu tsukura reta saishin no jūdesu. Kore wa hoka no jū to hikaku shite sugurete imasu ( This is better compared to the other guns. It is much easier to use than other guns we use )" saad nung lalaki sa harapan. Nandito ako ngayon sa headquarters kasama yung mga Japanese na madalas lumalaban sa labas ng bayan.
Nang matapos ipakita nung lalaki yung mga bagong armas ay pumunta naman kami sa open field kung saan pinaparada o ginagawa yung mga eroplano at helicopter. May ipinakita silang malaking helicopter na pwedeng mag kasya ng 30 katao.
BINABASA MO ANG
The Strongest Hunter
AdventureBOOK 2 (COMPLETE) Mirror mirror on the wall who's the strongest of them all?