Zombie 18

5.8K 218 8
                                        

A/N:

Pavor naman mga hunter. Suportahan nyo po ang storyang Say i love you at Honey x Honey Drops. Makikita sya sa Zingabox.com. Isa yung manga na gawa ng Japanese. Promise hunter mag e-enjoy kayo na mag basa ng manga sa Zingabox.Com.

-Grayaon Jun (グレイソン)


----

Zombie 18: Night with you

Megan's POV



Nasa di-kalayuan lang ako habang pinagmamasdan si Eren. Seryoso yung mukha nya habang nag babasa ng libro. Hindi ko alam kung bakit sya nag babasa at kung ano ba ang binabasa nyang libro. Ang dami pang makakapal na libro ang nakalatag sa table nya.

Naputol sya sa pag babasa nung tumunog yung phone nyang naka latag sa table. Kinuha nya yun at tinignan ang screen ng phone. Kumunot pa yung noo nya habang nakatingin doon. Nag buntong hininga sya at sinagot ang tawag.

"Hello Sandy?" kumuyom yung kamao ko nung malaman ko kung sino ang tumatawag. Marinig ko lang ang pangalan nya ay ramdam ko yung namumuong galit sa dibdib ko.



"I'm just...just...forget it. How are you?" tanong nya habang hinihilot yung sintido nya na para bang na momoblema.

"Don't worry about me....I'll be back there...Yeah, I love you too. Bye" pag kasabi nya non ay binaba na nya ang tawag. Yumuko ako at ramdam ko ang pamumuo ng luha sa mata ko.

Dapat ako ang sinasabihan nya ng ganun at hindi si Sandy. Dapat ako ang mahal nya at hindi yun!

Mahal nya si Sandy? Tapos hindi nya rin ako kilala? Tangina, anong ginawa nila kay Eren? Parang wala nalang kay Eren ang mga nangyayari ngayon.

Hinawakan ko yung bibig ko para mapigilang humikbi. Habang yung isang kamay ko naman ay naka hawak sa dibdib ko. Ang sakit ng nararamdaman ng dibdib ko habang ume-eco sa utak ko yung sinabi nya na mahal si Sandy. Ramdam ko din ang pag bilis ng tibok ng puso ng dahil sa galit pero pinigilan ko yun dahil baka atakihin na naman ako ng nag tatagong halimaw sa loob ng katawan ko.

"What are you doing there?" napaigtad ako nung may magsalita sa harapan ko. Nagulat ako nung nasa harapan na nya pala ako. Kunot noo syang nakatingin sa akin na para bang iritable na makita ang presensya ko.

"I-im scared" mahina kong sabi at yumuko. Hindi ko kasi makayanan na matitigan yung mga mata nya. Lalo lang akong nasasaktan.

"You scared of the dark?" No, Eren. Natatakot ako na baka hindi mo na talaga ako maalala. Na hindi na tayo bumalik pa sa dating tayo.

Hindi ako nag salita at tumango nalang bilang pag sagot.
Narinig kong nag buntong hininga sya at bumalik sa kinauupuan nyang upuan.

"Come here" malamig nyang sabi at tinuro yung katabi nyang bakanteng upuan. Agad naman akong lumapit at tumabi sa kanya.

Nakaupo lang ako habang sya naman ay seryosong nag babasa ng libro. Ganito nalang ba ang gagawin nya mag damag?

"Anong binabasa mo?" pag basag ko sa katahimikan. Naka halumbaba pa ako habang pinagmamasdan sya.

"Youre a Pilipino?" tanong nya na nakatingin pa rin sa libro.

"Oo. Ikaw din?" tanong ko pabalik kahit alam ko naman ang sagot.

"Yes" matabang nyang pag sagot sabay lipat ng pahina ng librong binabasa nya. Binalot ulit kami ng katahimikan pag katapos ng usapan na yun. Para kasing bored na bored syang kausap ako kaya pinigilan ko nalang na wag mag salita.

The Strongest HunterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon