Zombie 5

6.9K 255 10
                                        

Zombie 5: See each other

Megan's POV

"Iliko mo" utos ko kay Hiro. Nag tataka syang tumingin sa akin.

"Huh? edi ba dito yung daan papunta sa gate ng safe zone? bakit ko ililiko?" takang tanong nya habang nag mamaneho.

"Hindi tayo dadaan doon. May alam akong ibang daanan papuntang safezone" seryoso kong sabi habang nakatingin sa daanan.

"Ok" sabi nya na may kasamang pagtataka.

Napaka delikado kapag doon kami dumaan sa gate ng safe zone. Alam kong lalong humigpit ang patakaran ngayon sa safezone ng dahil sa nangyaring kaguluhan nung nakaraang siyam na taon.

Hindi sila papasukin sa safezone o baka kunin sila Haruka, Tatsuya, Hiro at ang anak ko ng mga sundalo at ipapatay. Lalo na kapag makita nila ang anak ko. Baka matakot sila kay Clyde ng dahil sa kakaibang kulay ng mata si Clyde.

Gusto kong sabihin ang dahilan kay Hiro kung bakit kami sa iba dadaan, pero pinigilan ko ang sarili ko. Mas magandang ako nalang ang nakakaalam nito para hindi hindi na sila mamoblema pa.

----

"Sigurado ka ba na papunta ito safe zone?" nagtatakang tanong ni Hiro habang inilawan yung dinadaanan naming hallway

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Sigurado ka ba na papunta ito safe zone?" nagtatakang tanong ni Hiro habang inilawan yung dinadaanan naming hallway. Masyado kasing madilim ang dinadaanan namin. Tinakpan namin yung mga ilong namin dahil sa masangsang na amoy na nanggagaling sa mga bangkay na nakahandusay sa flooring.

Nag handa na rin kami ng mga baril para maging handa kung may zombie na sumugod sa amin.

"Oo" pag sagot ko habang nakahawak sa kamay ni Clyde.

"Sore wa koko de totemo kimiwarui (it's so creepy here)" natatakot na sabi ni Tatsuya na may dala-dalang mga bagahe, at may nakasabit pang malaking baril sa braso nya.

"Haruka, anong oras na?" tanong ko. Agad naman syang tumingin sa orasan nya.

"9 P.M na. Medyo malayo itong lugar na napuntahan natin kaya inabot tayo ng gabi" pag sagot nya. Tumango ako at muling tumingin sa dinaraanan. Kailangan na naming makapasok ng safe zone.

Napahinto kami sa paglalakad nung may marinig kaming mga ungol at kalabog. Napahigpit ako sa hawak kong baril nung palapit ng palapit yung ingay.

"A-ano yun?" kinakabahang tanong ni Tatsuya. Napapikit ako at huminga ng malalim. I know this sounds.

"Get ready" seryoso kong sabi sabay kasa ng baril na hawak-hawak ko. Kumunot yung noo nila na para bang naguguluhan sa sinabi ko.

Mag sasalita na dapat sila nung may sumugod na maraming zombies sa amin.

"Tawagoto! (Shit!)"

"Wahh! zombie!!"

Iniwan ko si Clyde sa likod nila Haruka at sumugod sa mga zombies. Habang naglalakad ako ng mabilis at binabaril ko yung mga zombies. Lumapit ako sa zombie at pinilipit yung leeg nya.

The Strongest HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon