Zombie 12: Hurt feelings of yours
Megan's POV
Pag punta ko sa likod ng bahay ay nakita ko nga yung dalawaa nag susuntukan. Parehas na silang may pasa sa mukha at may galos. Parang wala silang balak na tumigil hangga't wala pang susuko sa kanilang dalawa.
Mabilis akong lumapit sa kanila at pinaghiwalay sila.
"Ano bang problema nyong dalawa?! Bakit kailangan nyong gawin ito huh?!" galit kong tanong sa kanila. Mariin na pinunasan ni Tatsuya yung dugo sa gilid ng labi nya at dinuro si Hiro.
"Pagsabihan mo yang lalaking yan! Kapag hindi ako makapagpigil baka mapatay ko yan!" nanggagalaiti nyang siagw. Tumingin ako kay Hiro. Nung makita nya akong nakatingin ako sakanya ay umiwas sya ng tingin sa akin.
"Ano bang nangyayari? Bakit nag susuntukan kayo dito?" mahinahon kong tanong sakanila. Kung may makakita sa kanila na sundalo ay baka parusahan sila.
Ngumisi si Tatsuya at tumingin sa akin.
"Mas magandang ikaw nalang ang mag tanong sakanya. Mas nanggigil ako na saktan sya kapag ako pa ang ang nag sabi sa'yo" Asik nya. Lumapit sya kay Hiro at matalim syang tiningnan sa mata.
"Tandaan mo, kapag sinira mo yung samahan natin hindi kita mapapatawad" galit nyang sabi at umalis. Kumunot yung noo ko at tumingin kay Hiro na naka yuko.
"Ano bang nangyayari sayo Hiro? Hindi ka naman ganyan dati huh!" naguguluhan kong sabi. Pero hindi sya nag salita kaya hindi ko maiwasang mainis.
"Hiro, ano ba?! gulong gulo na ako sayo! May nagawa ba akong mali sayo? Kung meron sabihin mo at itatama ko--"
"TUMAHIMIK KA PWEDE?!" galit nyang sigaw habang nanlilisik na nakatingin sa akin. Napalunok ako at napa urong. Hindi ako makapaniwala na pagtataasan nya ako ng boses. Ngayon ko lang sya nakitang ganyan na sobrang galit na galit.
"Hiro" bulong ko nung makita kong may dahan-dahang lumabas na luha sa sulok ng mata nya. Mariin niyang sinuklay yung buhok nya.
"Uuwi na ako ng Japan" malamig nyang sabi. Nanlaki yung mga mata ko at ramdam ko ang panlalamig ng katawan ko ng dahil sa sinabi nya.
"U-uuwi ka na? Bakit? D-diba ang s-sabi mo---"
"Ang sabi ko uuwi na ako! Hindi mo ba yun naiintindihan?!" galit nyang sabi. Umiling-iling ako dahil hindi ko talaga sya maintindihan. Mapait syang ngumiti kasama na doon yung mga luhang dumadaloy sa mata nya. Ghad, hindi ko mapigilang masaktan dahil nakikita ko syang umiiyak.
"Hindi mo talaga ako maiintindihan dahil wala kang kaalaman-alam sa nararamdaman ko para sayo. Megan, m-mahal kita. Mahal na mahal" mapait nyang sabi. Napaawang yung bibig ko dahil sa sinabi nya.
Mahal nya ako?
"Sobra na akong nasasaktan dahil malapit ka ng malayo sa akin at si Clyde dahil alam kong malapit mo na syang makita. Gusto ko ng lumayo sa'yo para hindi ako masaktan ng sobra pero kapag iniisip ko palang na mapalayo sayo parang mababaliw na ako" malungkot nyang sabi habang umiling-iling.
"H-hiro" yun nalang ang lumabas na bibig ko dahil sa sobrang gulat na nararamdaman ko.
"Alam kong selfish pero gusto kong maging akin ka. Gusto ko ako ang mamahalin mo. Pero ano nga bang laban ko sa lalaking mahal na mahal mo?"
"Pero hindi mo naman kailangang na mahalin ako. H-hindi tayo nararapat para sa isa't isa" ani ko habang umiling iling.
"Sana nga ganun kadaling gawin, Megan. Pero ang hirap na wag kang mahalin. Kaya babalik nalang ako sa Japan para makalimutan ka. Mahirap pero kakayanin ko" naluluha nyang sabi at nag lakad. Pero tumigil sya sa pag lakad at malungkot na tumingin sa akin.
BINABASA MO ANG
The Strongest Hunter
AventureBOOK 2 (COMPLETE) Mirror mirror on the wall who's the strongest of them all?
