Zombie 48

4.2K 126 17
                                    

Zombie 48

Mahinang napamura si Colbie nung mapansin nyang kumokonti na yung mga tauhan nyang sundalo. Ang mas ikinagalit nya ay dumadami yung mga kalaban nila na ngayon ay naka paligid na sa kanila na parang bang tina-trap sila.

"Paano na ito, Colbie?" problemadong tanong ni Justin nung pinalilibutan sila ng mga kalaban. Hindi makapagsalita si Colbie dahil malalim itong nag iisip para sa panibagong plano. Pero parang nauubusan na sya ng plano. Mukhang wala na silang pag asa sa mga oras na ito.

Malakas syang napa daing nung binaril sya sa binti ng iisa sa mga armado. Nakangisi ang mga ito na mukhang nasasayahan sa mga ginagawa nila.

Inalalayan sya ni Jai na makatayo ng maayos dahil nanlalambot na yung isang binti nya ng dahil sa pag baril sa kanyang binti.

"Sir, suko na po ba tayo sa kanila?" tanong nung isang sundalo na hindi mapigilang matakot.

"I-i don't know" mahinang sambit ni Colbie sabay iwas ng tingin. Hindi na nya alam kung anong mangyayari sa kanila. Ni hindi man lang nailigtas si Megan at si Clyde.

"Suko na ba ang kalaban?!" mapang asar na tanong nung isang lalaki na prenteng naka sandal sa pader.

"Mukhang oo dahil isa lang naman talaga silang talunan! Tignan mo, ang konti na nila!" sigaw pa nung isa at malakas silang napa halakhak. Napatiim bagang sila Colbie pero hindi nila nagawang lumaban. Mukhang talo na nga sila sa labanan pero natigilan sila nung may boses babaeng tumatawa galing sa pintuan.

Nanlaki yung mga mata ni Colbie gayun din ang iba dahil sa gulat na nakita. Mula sa pintuan ay nakatayo doon si Haruka kasama yung mga Japanese Hunters.

"Mukhang nag kakamali yata kayo dahil nandito pa kami" halakhak na sabi ni Haruka na may hawak na handgun. Biglang namutla yung mga mukha ng mga armado habang nakatingin sa mga Japanese Hunters na naka ngising nakatingin sa kanila.

Malalaki at matitikas ang mga katawan na meron sila. Kitang kita sa mga katawan nila yung mga tattoo na nagsasabing isa silang mga Hunters ng Japan.

Meron silang mga dalang malalaking armas. Habang yung iba naman ay may mga hawak na katana. Yung mga iba naman ay may dalang malalaking aso na halatang gusto ng mangangat ng tao.

"I-imposible" hindi makapaniwalang sabi nung isang armado. Pero napa ngisi nalang si Haruka habang yung mga Japanese Hunters ay seryoso ang ekspresyon.

"Para mapaniwala namin kayo ay mas magandang simulan na natin ang laban!" sa sinabing yun ni Haruka ay sumugod na yung mga Japanese Hunters sa mga armado. Yung mga iba namang tauhan ng safe zone ay naki sama sa pag laban.

"H-haruka" nauutal na sabi ni Colbie na tulalang nakatingin kay Haruka. Mukhang narinig ni Haruka ang pagtawag sakanya dahil napatingin sya sa gawing direksyon ni Colbie.

Hindi nya alam pero parang naging slow motion ang oras habang nag lalakad sila papalapit sa isa't isa. Parang napawi yung kirot sa binti nya habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Haruka. Saka lang sila huminto nang magkalapit na sila.

Sabay pa silang ngumiti na parang bang wala lang sa kanila ang nag kakagulong paligid.

"Hi" bati ni Colbie. Para syang teenage boy na nakangiti sa harapan ng kanyang crush.

"H-hi" nahihiyang pag bati ni Haruka at inipit yung gilid nyang buhok na likod ng kanyang tenga. Pekeng tumikhim si Colbie at naglahad ng kamay sa harapan ni Haruka.

"I'm Colbie Bartolome. I'm single and available to be the love of your man" malakas na napahalakhak si Haruka at mahinang pinalo yung braso ni Colbie.

"Para kang engot!" natatawang sabi ni Haruka. Nangingibabaw din ang tonong kilig sa kanyang pananalita. Nakangiti syang tinanggap yung kamay ni Colbie.

"Available din naman akong maging the woman of your love ihh" dagdag ni Haruka na namumula pa ang buong mukha.

Pilyong ngumiti si Colbie. Napa tili si Haruka nung hinapit sya ni Colbie pa palapit sakanya.

"Enebe~" mahinang sambit nya at nahihiyang tumingin sa asul na mga mata ni Colbie. Naka ngiting napailing nalang si Colbie.

"Will you be my girl? Ms. Haruka Nozomi Haruka soon to be my wife?" malakas na tumambol yung pintig ng puso ni Haruka. Para syang maiiyak dahil sa nararamdamang saya. Matamis syang ngumiti at kinawit yung dalawa nyang kamay sa batok ni Colbie.

"My answer is yes, Mr. Colbie Bartolome, my soon to be husband. Will you kiss me?" naging malamlam ang pagtitig sakanya ni Colbie. Ngumiti ito ng matamis.

"My precious, my love" bulong ni Colbie at mapusok na hinalikan sa labi si Haruka. Nakangiting tumugon si Haruka sa binibigay na halik ni Colbie at mas diniin ang sarili sa katawan nito.

Sa lalim ng kanilang pag hahalikan ay hindi na nila napansin na natapos na ang labanan. Ang kaninang naka paligid na mga armado ay naka bulagta na ito sa flooring at wala ng buhay.

Naputol lang sila sa pag hahalikan nung mag palakpakan ang mga Japanese Hunters gayun din ang mga sundalo ng safe zone. Kahit madudungis ang mga mukha nila ay bakas sa mga mukha nila ang saya.

"Get a room guys!" inis na bulyaw ni Justin. Natawa nalang sila Colbie gayun din ang iba. Pero agad nawala ang namuong saya nung dumating si Hiro na hinihingal.

"S-si Eren!" hinihingal nyang sigaw. Bakas ang takot at kaba sa tono ng pananalita nya. Kahit hindi na sila mag tanong ay alam na nila na may hindi nangayayaring masama kay Eren

The Strongest HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon