Zombie 37

5K 161 10
                                        


Zombie 37: Secret Plan

Haruka's POV

Medyo naalimpungatan ako nung makaramdam ako ng kung sinong naka dagan sa tyan ko. Dahan dahan kong minulat yung mga mata ko at nanlaki yung mga mata ko ng makita ko ang mukha ni Colbie.

Kaya pala hindi ako masyadong makahinga ng maayos ay dahil ginawa nyang unan ang dibdib ko! Hindi pa sya nakuntento dahil niyakap nya pa yung bewang ko at pinatong pa nya yung isang binti nya sa binti ko na para bang ayaw akong pakawalan.

Pero kahit nabibigatan ako ay hindi ko maiwasang matulala habang nakatitig sa maamo nyang mukha. Ramdam ko ang pag bilis ng tibok ng puso ko dahil sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko.

Hinawakan ko yung pisngi nya at marahang hinaplos. Medyo naka awang yung bibig nya at mahinang humihilik.

Hindi ko maiwasang mapa ngiti at mapaluha dahil nakita ko muli yung mukha nya. Panaginip ba ito? Kung panaginip lang ito ay sana huwag nalang akong magising.

Isa itong panaginip dahil kita ng dalawang mata ko yung katawan nyang wala ng buhay. Na namatay na. Na iniwan na ako.

Napatingin ako sa labi nya at hindi ko maiwasang mapa lunok. Sobrang lambot tignan ng labi nya. Ang pula at ang nipis na mukhang masarap halikan.

Pwede ko kaya syang halikan? Isa lang naman itong panaginip kaya susulitin ko na.

Naka ngiti akong pinikit yung mga mata ko at nilapit yung labi ko papunta sa labi nya. Hindi ko pa nararamdaman yung labi nya ng mag salita sya na ikinagulat ko.

"I wonder why your boobs is so soft and big" naka pikit nyang sabi. Nanlaki yung mga mata ko. N-nagsasalita sya?

Sa sobrang gulat ko ay malakas ko syang tinulak kaya bumagsak sya sa lapag. Napa aray sya habang naka hawak sa balakang nya.

"Bakit mo naman ginawa yun babe?! Nakita mo namang na eenjoy akong matulog" naka ngusong sabi nya. Pakamot kamot pa ito sa buhok nya.

Bilog na bilog yung mga mata ko at nanginginig ko syang tinuro.

"P-patay ka na d-diba? M-multo ka diba?" natatakot kong sabi habang duro-duro sya.

"Me? A Ghost? What are you talking about?" umaakting pa na hindi sya multo eh talaga namang multo sya! Inis na sigaw ng utak ko.

Kumunot yung noo nya pero agad itong napangisi ng mala demonyo na lalong ikinatakot ko. Nako, ayako pang mamatay, Lord!

"Yun ba? Ano ka ba---" hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita dahil pinulot ko yung lampshade na naka latag sa side table at binato sa kanya.

"Shit! W-why did you do that?!" tanong nya na may kasamang galit. Nanlilisik yung mga mata nya na para bang nagalit sa ginawa ko. Mas lalo akong nangatog sa takot ng tumayo sya at humakbang papalapit sa akin. Pero hindi pa sya nakakalapit sa akin pero agad akong tumakbo papunta sa pintuan.

"TULONG! TULONG! M-MAY MULTO!" naiiyak kong sigaw. Pero hindi ko pa na hahawak yung seradura ng pintuan ng bigla itong bumukas.

Para akong nanigas sa kinatatayuan ko at halos mamutla na ang buong mukha ko dahil sa takot at kaba habang nakatingin kay Tatsuya na nasa tapat ng pintuan.

Lukot ang mukha nya at masamang nakatingin sa akin.

"Bakit ba ang ingay nyo sa loob?! Sa sobrang ingay nyo hindi ko na na enjoy yung kinakain kong chocolate! Sabihin mo nga ang totoo sa akin, Haruka Nozomi Sazuka. Nag ha-honey moon ba kayo?!" inis nyang sigaw.

"M-multo" pabulong kong sabi habang gulat na gulat syang tinitignan.

Sumigaw ako at tinuro sya sabay suntok sa mukha nya ng pag kalakas-lakas kaya bumagsak sya sa lapag na wala ng malay.

"Oh my god! Why did you punch him!" biglang pag sulpot ni Patricia. Muntik na akong mapatalon sa gulat dahil naka kita na naman ako ng multo. Gulat na gulat sya habang nakatingin sa nawalang malay na si Tatsuya.

"M-multo ka d-diba?" kinakabahan kong sabi. Patay na ba ako kaya ko sila nakikita? Pero wala naman akong naalala na namatay ako! Ang namatay dito ay sila! Sila ang namatay at hindi ako! Kaya papaano--

Napapitlag ako sa gulat nung may humawak sa kamay ko. Napasinghap ako nung makita kong si Clyde pala yun. Naka tingala sya para matitigan ako. Yakap yakap nya yung teddy bear nya habang nakatingin sa akin.

"C-clyde" naluluha kong bulong habang nakatingin sakanya. Namiss ko yung pula at asul nyang mga mata lalong lalo na yung mahiwaga nyang teddy bear.

"We're not dead kung yan ang iniisip mo, Haruka" naka ngiting sabi ni Yvonne. Katabi nya din si Nina na naka ngiting nakatingin sa akin.

"Eh ano yung nakita ko kanina sa Safe zone? Ano ang mga yun? Mga kakambal nyo?" naguguluhan kong tanong sa kanila.

"We will explain to you later but you need to rest for a moment. Halos bugbog sarado na yung katawan mo kaya kailangan mo ng pahinga" saad ni Yvonne habang sinusuri yung braso kong may mga pasa at sugat.

Hindi naman ako kumibo at naiiyak silang niyakap. Habang sila naman ay natatawa nalang at niyakap ako pabalik.

"Ano bang ginagawa nyo dyan?! Pwede bang pakibilisan para maka gawa na kami ng baby boy namin!"

The Strongest HunterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon