Zombie 49:
Mula sa itaas ng gusali ng rooftop ay nandoon sila Marco at si Eren. Nakaharap sa mga naglalakihang gusali si Eren habang si Marco naman ay tinutukan sya ng injection.
"Dad, pwede naman nating pag usapan ito! Pwede pa tayong magsimula sa una na walang problema! Pwede ka pang mag bago" pakiusap ni Eren. Pero napahalakhak lang ang kanyang ama na para bang nag sabi ng malaking biro si Eren.
"Mag bago? You gotta be kidding me, my son! Ayaw mo bang mag sama na tayo? Sabay tayong mamatay at magsasama sa impyerno!" mala demonyong sigaw ng kanyang ama. Napapikit nalang si Eren nung mapatapak sya sa sementadong railings ng rooftop. Kitang kita na nya ang nakaka lulang paligid na pakiramdam nya ay malalaglag na sya sa ere.
"I guess you're wrong, Marco. Ikaw lang ang mapupunta sa impiyerno" rinig ni Eren mula sa kanyang likuran. Pamilyar ang boses at alam nya kung sino iyo. Walang iba kundi si Megan.
Dahan-dahang humarap si Eren at tama nga ang kanyang hinala. Pero napa kunot ang noo nya ng mapansing may kung anong lumiliwanag sa balat ni Megan kasama na doon ang dalawang mata nito. Dahan-dahang napaawang yung bibig nya nung malaman nya kung bakit ganon ang kakaibang awra ni Megan.
Kahit nasa malayo si Megan sa kanyang kinatatayuan ramdam nya ang malakas na awrang bumabalot kay Megan.
"And why? Paano mo naman nalaman na ako lang mamatay?" taas kilay na tanong ni Marco na mukhang nagtataka sa sinabi ni Megan.
Parang naging tuod si Eren sa kanyang kinatatayuan nung tumingin sakanya si Megan. Wala syang makitang emosyon sa lumiliwanag nitong mga mata. Muli syang tumingin kay Marco.
"Dahil ako si kamatayan at ako mismo ang mag dadala sayo sa impyerno. Walang emosyon nitong sabi pero ang lumiliwanag nyang mata ay parang nag babanta.
Napatiim bagang si Marco. Marahas niyang hinila si Eren papapunta sa kanyang harapan at tinutukan ng injection sa gilid ng leeg si Eren sa harapan ni Megan.
"Bago mo magawa yan ay mas mgandang uunahin ko na yung magaling kong anak!" napalunok sa kaba si Eren nung mapansin nyang mas lalong dumilim yung awra ni Megan.
"Let see" bago mag simula ang kanilang labanan ay malakas na bumukas ang pintuan at niluwa non ay si Clyde. Tulad ng kanyang ina ay wala ring emosyon ang mga mata nya habang yakap yakap nya yung Teddy bear.
"Clyde umalis ka na!" kinakabahang sigaw ni Eren pero hindi sumunod si Clyde at lumapit sya kay Megan.
"How wonderful view. Nag sama ang mag ina" ngising sabi ni Marco.
"Let go of him, Marco. Tayo ang mag tuos wag ka ng mandamay pa" mariing sabi ni Megan. Pero parang hindi nya nakumbinsi si Marco dahil nanatiling syang nasa likod ni Eren at hindi binababa ang injection na naka tutok pa rin sa gilid ng leeg ni Eren.
"Hindi mo na ako mapipigilan, Megan. Kahit pakawalan ko itong anak ko ay wala pa ring saysay. Nag tanim ako ng maraming bomba kaya sabay sabay tayong mamatay dito!" napakuyom yung kamao ni Megan gayun din si Clyde.
Binitiwan ni Clyde ang kanyang Teddy bear sa sementadong lupa. Kumunot yung noo ni Marco at ni Eren nung may mapansin silang kakaiba sa teddy bear.
Nakita nilang unti-unting lumiliwanag ang mga mata ng Teddy bear kasabay na doon ang pag laki ng katawan. Ang pekeng balbon ay nagiging totoo at mas lalong kumakapal. Ang mga paa nito ay nag sisimula ng humaba ang matutulis nitong kuko kasabay na doon ang mga ngipin na tumutulis din.
Lumaki ng lumaki ang kanyang katawan hanggang sa maging totoong oso na sya. Nabuo lamang sya sa kaisipan ni Clyde nung mga kaarawang wala pang masyadong alam si Clyde. Sa pagiging extra ordinary ni Clyde ay nabuhay nya yung teddy bear na napulot nya sa basurahan sa Japan. Simula nung napa buhay nya yung teddy bear ay ayun na ang araw na napa hilig sya sa mga bears.
Nanlaki yung mga mata ni Eren habang naka tingala sya para matitigan yung Teddy bear na naging oso. Hindi sya makapaniwala na may kasama ang kanyang anak na kakaibang nilalang.
Nag labas ng palakol si Clyde habang si Megan naman ay may hawak na handgun.
"Ililigtas nyo ang anak ko? Huh! It's to late to do that, Megan dahil pasabugin ko na itong gusaling kinakatayuan natin" sigaw ni Marco at nag labas ng maliit na remote control mula sa kanyang likuran. Iwinigayway nya sa ere yung maliit na remote na para bang nanakot. Pero sa ginawa nyang yun ay mabilis na binato ni Clyde yung hawak nyang palakol papunta sa direksyon ni Marco.
Napasigaw sa sakit si Marco dahil naputolan sya ng kamay ng dahil sa ginawa ni Clyde kaya nabitawan nya yung remote control.
"I will sue you to hell! I will kill the both of you! Hindi kayo magiging masaya!" nanggagalaiting sigaw ni Marco at masamang tinignan sila Megan at Clyde.
Itinaas ni Marco sa ere yung hawak nyang injection at akma na sanang itutusok iyon kay Eren nung mabilis itinutok ni Megan ang hawak nyang baril at binaril yung injection at tuluyan na itong nabasag.
"No! Hindi pwede!!" galit na sigaw ni Marco habang nakatitig sa injection niyang basag na. Masama syang tumingin kay Megan.
"Papatayin kita!" sigaw nito at sumugod. Pero hindi pa sya nakaka lapit kay Megan nung pinaulanan sya ng bala ni Megan. Nanlaki yung mga mata ni Marco dahil hindi nya inaasahan na sa isang iglap ay agad syang matatalo ni Megan.
Napahawak sya sa kanyang dibdib na naliligo na sa dugo. Lumapit sakanya si Clyde at kinuha yung remote control at tinapon ito sa sementadong lupa at malakas na tinapakan hanggang sa nasira.
Nanghihinang napahiga si Marco sa sementadong lupa at nawalan na ng buhay.
Lumapit ang oso sa katawan ni Marco. Binuhat nya ito at binato papunta sa ibaba ng gusali. Habang si Eren naman ay tulalang nakatingin sa mag ina. Para syang tuod na hindi makagalaw sa mga nakita nya.
Muling bumukas ulit ang pintuan at niluwa naman non ay sila Colbie na pawisan.
"Bunso!" nakangiting pag tawag ni Colbie. Pero tinignan lang sya ni Megan. Nakita ni Eren na unti-unting nawawala na ang liwanag ng mga mata ni Megan. Napapikit ang kanyang mga mata at pagod na bumagsak.
"Megan!" gulat na sigaw ni Eren at nag mamadaling lumapit sa kinaroroonan ni Megan. Si Clyde naman ay kinuha ang kanyang teddy bear at niyakap ito ng mahigpit.
"Please, don't leave me, baby. Don't leave me. I'm begging you" kinakabahan at natatakot na sabi ni Eren. Nung makita nyang nakapikit yung mga mata ni Megan.
Pero agad syang naka hinga ng maluwag nung dahan-dahang dumilat yung mga mata ni Megan. Malamlam itong nakatingin sakanya.
"Alam mo namang hindi kita kayang iwanan, lalaki" mahinang sabi at tipid na ngumiti.
"Oh ghad! Thank you! I love you baby! I love you!" masiglang sabi ni Eren at pinugpug ng halik ang mukha ni Megan. Naka ngiting napa iling nalang sila Colbie at Haruka. Habang sila Hiro at Tatsuya naman ay pagod na naka higa sa sementadong lupa.
"Hay! salamat tapos na rin ang paghihirap natin!" nakangiting sigaw ni Justin na naka upo at naka sandal sa railings ng rooftop. Habang yung iba ay mukhang naka tulog na dahil sa sobrang pagod. Pero kahit nakakaramdam sila ng kapaguran ay may ngiting naka paskil sa labi nila na nagsasabing tapos na ang kanilang pag hihirap.
![](https://img.wattpad.com/cover/117713193-288-k543832.jpg)
BINABASA MO ANG
The Strongest Hunter
AventureBOOK 2 (COMPLETE) Mirror mirror on the wall who's the strongest of them all?