Zombie 43

4.7K 138 2
                                    


Zombie 43: Collar


Megan's POV

Kinabukasan ay bumalik ulit ako sa laboratory ni Arnold kasama si Clyde at si Hiro. Dapat si Clyde lang ang kasama ko pero mapilit si Hiro at hindi ako tinantanan hanggang sa napilitan na akong pumayag na sumama sya.

Nalaman nya kasi ang kondisyon ngayon ni Clyde kaya nag pumilit sya na sumama sa amin. Habang yung iba ay busy kaya hindi kami magkasama ngayon.

Sila Yvonne, Nina, Patricia at yung mga boys ay kasama yung mga sundalong Pilipino at Amerika. Nag-eensayo tungkol sa pakikipaglaban at pag hawak ng kahit anong armas. Habang sila Haruka at Tatsuya ay naka in-charge sa mga taong dating naninirahan sa safe zone. Si kuya naman ay nasa meeting ngayon kasama si Tito, Heneral Crisostomo at yung iba pang mga military officers.

Nag lalakad kami sa mahabang hallway na kulay puti ang pintura. Napapaligiran kami ng mga kwarto na ang pader ay gawa sa fiber glass kaya nakikita ko yung mga scientist na may kanya kanyang ginagawa sa kani-kanilang mga kwarto.

Mga ilang sandaling naka lipas ay nakarating na kami sa pinaka dulo ng hallway. Malawak at napapaligiran ng mahahabang lamesa na gawa sa bakal. May nakalatag na mga chemical tools. Kumanan kami ng daan at pumasok sa double door.

Pag pasok ko ay agad kong nalanghap ang kakaibang aircondition na may halong gamot. May kwarto sa kanan at nakikita ko yung loob. Gawa sa semento yung pader pero may pa-rectangle doon na salamin kaya nakikita ko ang loob.

Tanging dalawang puting kama ang nakikita ko at may dalawang hindi kalakihan na machine na katabi lang ng kama. Sa labas ng kwarto ay may malaking flatscreen na naka dikit sa pader ng kwarto. Marami akong nakikitang mga pindutan na umiilaw pa at may mga maliliit pa itong mga computers.

Bilang lang ang nakikita kong mga scientist na nasa loob ng kwarto. Busy at may sariling mundo sa pag gawa ng kanilang mga trabaho.

"Mabuti naman at naparito agad kayo. Tamang tama dahil na ready na namin yung kwarto para sa inyong mag ina" alam naman nila Clyde at Hiro kung bakit kami pumunta dito laboratory ni Arnold.

Sa una ay hindi pa pumapayag si Clyde tungkol dito at hindi ko alam kung bakit. Nakakapagtaka lang kasi dahil nung time na sinabi ko sakanya ang tungkol dito ay nag karon ng bakas na takot at kaba sa pula at asul nyang mga mata. Para bang pag once na pumasok na sya sa kwarto ay mabubunyag yung pinaka-sekreto nya. Pero sa kalaunan ay napapayag ko din sya ng dahil sa akin.

Bago kami pumasok sa loob ng kwarto ay may pinasuot muna sila sa amin na hospital gown at hairnet sa ulo. Atsaka pumasok na sa loob ng kwarto na kulay abo.

"Mom, are you really sure about this?" tanong ni Clyde nung makahiga na kami sa kama. May lumapit sa aming mga scientist at tinali yung kamay at mga paa namin sa bawat kanto ng kama. Medyo nakakaramdam pa ako ng kaba dahil kay Clyde. Natatakot ako na baka masaktan sya sa mangyayari ngayon. Pero mas mabuti nang mangyari ito para malaman ko kung anong level nya sa chemical na nasa loob ng katawan nya.

"Oo naman, anak. Ginagawa natin ito para sa ikaliligtas nating dalawa" sambit ko na nag pipigil ng kaba. Mariing pa akong napalunok at pumikit nung tinurukan ako ng lalaki sa pulusuhan ko na naka kabit sa dextrose. Habang yung isa naman ay nag lagay ng oxygen hose sa ilong ko.

Sana. Sana maging ligtas kami sa mangyayari ngayon.

Third Person's POV

Habang inaasikaso ng mga scientist ang mag-ina ay hindi mapakali si Hiro habang nakatingin sa direksyon nila Megan. Pinagkiskis nya yung dalawang palad nya at ramdam nya yung bilis ng pintig ng puso nya.

The Strongest HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon