Epilogue: New life
10 Years After....
"MERRY CHRISTMAS!!" sigaw naming lahat. Nag paputok pa si kuya ng confetti habang kami naman ay nag papalakpakan nung sumapit na ang alas dose ng madaling araw.
Tumingkayad ako sa harapan ni Eren at binigyan sya ng matamis na halik sa labi.
"Merry Christmas, baby" mahinang bati ko na titig sa kanyang mga mata.
"Merry Christmas too, my baby" bati nya pabalik sabay bigay ng mabilis na halik sa labi ko. Napahagikhik ako at niyakap sya ng mahigpit. Niyakap nya din ako pabalik at naramdaman ko pang hinalikan nya yung ulo ko.
"Mommy! Look oh. I have a gift" sabay kaming napatingin sa anak naming babae na si Claire. Naka ngiti syang pinakita yung malaking box na pink ang gift wrapper. Mukhang si kuya ang nag bigay non dahil tanging sya lang naman ang nagbibigay ng regalo kay Claire na pink ang wrapper.
Ngumiti akong lumuhod sa harapan nya at hinalikan ang kanyang noo.
"Merry Christmas, princess. Nasan ang mga kuya mo?" tanong ko nung mapansin kong hindi nya kasama yung mga kapatid nya. Tinuro nya yung gawing direksyon ng garden.
"Nasa garden po sila at nag pe-play!" magiliw nyang pag sagot. Hindi ko maiwasang mapangiti pero may ramdam ding kirot.
Nalulungkot ako dahil hindi ko naibigay sa kanya ang masayang buhay ng pagiging bata. Naisilang ko sya na may sakit at yun ay tinawag na albino person. Ang sabi ng doctor ay kinulang sa melanin sa katawan si Claire nung nasa sinapupunan ko palang sya kaya ang kulay ng balat nya ay kulay gatas habang ang kanyang maalon na buhok ay kulay nyebe. Pero kahit kakaiba ang kanyang katangian ay sobrang ganda nya lalo na't nakuha nya sa akin yung asul na mga mata.
Mahigpit ding pinagbabawal sa kanya na mag bilad sa araw at huwag lalabas ng bahay na matindi ang sikat ng araw. Makakasama daw sakanya yun kaya hindi namin sya nilabas ng bahay. Pero meron ding time na makulit si Claire at gusto talagang lumabas. Patago syang lumabas ng bahay para makipag laro sa mga bata sa playground pero ang kinalabasan ay sinugod namin sya sa hospital. Sobra ako nung natakot dahil parang nasunog yung balat ng katawan nya. Pero agad naman itong naagapan ng mga doctor na nag asikaso sakanya.
Simula nung araw na yun ay naging mahigpit ako sa kanya. Maraming akong pinabantay sa kanyang butler basta't mabantayan sya kapag wala ako ng bahay at ni Eren.
Tungkol naman sa buhay ko ay naging isa akong commander in chief ng Pilipinas. Natupad ko na yung pinapangarap ko. Ang maging katulad ni papa. Si Eren naman ay isang ganap na CEO at isa din syang doctor na maraming pag aaring hospital sa buong Pilipinas at sa ibang bansa.
Si kuya naman ay ang pumalit sa pwesto ni Tito Louise. Sya na ang bagong heneral ng Amerika. Kasal na sila ni haruka ay may anak na sila lalaki na ang pangalan ay Collen.
Sila Hiro at Tatsuya naman ay may sarili ng mga pamilya at negosyo sa Japan. Hindi nga lang sila nakarating dito sa bahay dahil na delay yung flight nila.
Habang si Yvonne at Justin naman ay kasal at may mga anak na rin. Mayroon din silang malaking kumpanyang inaasikaso. Ganun din ang buhay ng iba tulad nila Patricia at Jai na may pag aari na airlines at sikat na mga malls habang sila Tyler at Nina naman ay may hawak na maraming branch na kilalang restaurant.
Tungkol naman sa nakalat na virus ay agad naming nasolusyunan ni Arnold. Nung araw na pinatay ko si Marco ay ayun din ang araw ng pag salin ko ng dugo ko sa vaccine at pinakalat sa buong mundo hanggang sa mamatay na yung mga zombies.
Ang mga nasirang lugar at bansa ay inayos na namin. Para mapabilis sa pag ayos ng lugar ay gumawa yung scientists na mga malalaking robots at ito na mismo ang nag linis sa magulong kapaligiran.
BINABASA MO ANG
The Strongest Hunter
AdventureBOOK 2 (COMPLETE) Mirror mirror on the wall who's the strongest of them all?
