Zombie 40

5.5K 207 63
                                        


Zombie 40: He Can

Haruka's POV

"He's dead Haruka. Hindi clone ang tumulong sayo. Talagang si Jacob ang nakita mo sa safe zone" para akong binuhusan ng malamig na tubig ng dahil sa sinabi ni Megan. Hindi ako makapag salita pabalik dahil parang may kung anong bumara sa lalamunan ko.

Totoong Jacob? I-ibig sabihin ba non sya yung nakita kong binaril ng mga armadong lalaki?

"Yes, Haruka. Sya yung nabaril" seryosong sambit ni Colbie na mukhang nabasa nya kung ano ang nasa isipan ko. Pagak akong natawa pero ramdam ko ang pangigilid ng luha ko sa mata.

"W-why? P-paano? Paanong sya yung nakita ko sa safe zone?" naguguluhan kong tanong sakanila.

"Nandito sya nung mag sumugod na yung mga armado. Pero nung nalaman niyang hindi ka pa nakikita ay agad syang nawala. Nakita nalang namin sya CCTV sa paligid ng safe zone. Hinahanap ka nyang mag-isa" malungkot na sabi ni Nina.

For the nth time ay napa luha na naman ako. Pumikit ako ng mariin at yumuko. Bakit kailangang gawin yun ni Jacob? Bakit mas iniisip nya yung kapakanan ko kesa sa sarili nya? Ganon ba ako kahalaga sa kanya?

Pinupunasan ko yung basang pisngi ko at mapait silang tiningnan.

"I-im sorry pero kailangan ko na munang mag pahinga muna"  ngumiti lang sila ng tipid at tumango. Pero ako ay hindi ko magawang gantihan yung ngiti nila. Hindi ko kaya.

Iniwasan ko nalang yung mga tingin nila at nag mamadaling umalis.

* * *

Megan's POV

"Is he our son?" napahinto ako sa pag hiwa ng gulay nung biglang mag salita si Eren. Naka upo sya sa highstool at naka tanaw sa living room. Nandoon sila Yvonne at yung iba pa na mukhang nag kakatuwaan sa pinapanood na movie. Ang tanging wala lang ay si Haruka at si Colbie.

"Megan" naputol ako yung tingin ko kela Nina nung tinawag ako ni Eren. Tumingin ako sakanya na nag tataka.

"Huh?" nag buntong hininga sya at seryoso akong tinignan.

"Sya ba ang anak natin?" seryoso nyang tanong sabay tingin sa direksyon ni Clyde na tahimik lang na naka upo sa one seater sofa.

"Yes, baby. Sya ang anak natin. Si Denzel Clyde" naka ngiti kong pag sagot. Kita ko ang pag kislap sa mga mata nya. May namumuo pang luha sa gilid ng mata nya pero agad nya yun pinunasan.

Ngumiti ako ng matamis at lumapit sakanya. Marahan kong hinaplos yung pisngi nya.

"Kung lapitan mo kaya sya? Alam kong gustong-gusto na mo syang maka usap" wika ko. Pansin ko kasi yun simula nung makarating kami dito. Panay ang tingin nya kay Clyde pero hindi naman nagawang lapitan.

Nawala yung sigla sa mukha nya at napalitan ng kaba.

"I-i can't. Natatakot ako na baka hindi nya ako matanggap" natatakot nyang sabi.

"No. Im sure he will accept you as a father. Pero hintayin na muna natin ang tamang oras. Mabibigla ang bata kaya sa ngayon ay maki pag close ka na muna sa anak mo"

Anak namin. Ang sarap lang sa pakinggan at sa pakiramdam na meron kaming anak ni Eren.

"Ginawa ko pero hindi naman nya ako kinikibo. Tinitigan nya lang ako ng malamig at iiwasan ng tingin" naka nguso nyang sabi. Sa tono ng pananalita nya ay para syang bata na nag susumbong sa ina kaya hindi ko maiwasang matawa.

"Sige tawa ka pa. Alam mo naman na kinakabahan at natatakot ako pag dating sa anak natin" maktol nya. Pero umiling lang akong tumatawa habang patuloy na hinahaplos ang pisngi nya.

The Strongest HunterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon