Zombie 44

4.2K 116 0
                                    

Zombie 44

Third Person POV

Sa gitna ng kagubatan ay may malawak na military base sa ilalim ng lupa. Maraming mga sundalong nag hahanda sa magiging laban. May kanya kanyang mga hawak na armas at handa na sa labanan.

"Get your ass ready! Now!" maawtoridad na sigaw ni Colbie sa mga sundalo. Sumaludo sila at nakapilang tumatakbo papasakay sa mga trucks na papalabas ng military base.

Hindi maipinta ang ekspresyon ni Colbie sa mga oras na ito. Tiim bagang ito at lukot ang mukha.

"Faster! move! move!" bulyaw ng mga leader sa mga sundalo. Tila hindi sila nag sasayang ng oras. Maski isang isang segundo ay hindi nila pinapalipas.

"Move faster! Bullshit!" pilit na maging seryoso ng mga sundalo pero hindi nila maiwasang makaramdam ng takot mula kay Colbie na nag aalab ang mga mata ng dahil sa galit.

"Kumalma ka lang, Colbie. Maliligtas natin sila Megan" pagaalo ni Haruka kay Colbie. Minasahe nya yung braso ni Colbie para lang mapakalma. Pero laking gulat nalang nya nung tinabig ni Colbie ang kamay nyang naka dapo sa braso nya.

"Paano ako magiging kalmado sa mga nangyayari ngayon?! Tell me!" mariing tanong ni Colbie at nanlilisik yung mga mata nyang tumingin kay Haruka. Hindi naka pagsalita si Haruka at yumuko lang. Para syang natutuw sa matalim na pagtingin sa kanya ni Colbie.

"How i will be calm if Megan and his son is missing?! Huh?! Hindi ko kayang maging kalmado habang sila naman ay nahihirapan! Mawawala ako sa sarili ko kapag nawala sila mundo ko, Haruka! Now tell me. Paano ako magiging kalmado habang nasa peligro sila Megan at si Clyde?!" naka yukong napa urong si Haruka. Nakaramdam ng takot si Haruka dahil iba ngayon ang galit na bumabalot kay Colbie.

Tama naman si Colbie pero ayaw nya lang na makitang ganito si Colbie.

Naalala nya nung makita si Colbie na galit na galit habang kausap yung mga sundalo. Nanggagalaiti syang sinisigawan yung mga scientists at doon nalang nya nalaman na nawawala na pala si Megan. Agad nyang naisip si Clyde kaya nag madali syang tumakbo papunta sa kwarto ni Clyde. Pero nanlambot nalang yung mga tuhod nya nung walang bakas na Clyde sa loob ng kwarto.

"Ready na lahat, Colbie" pagsulpot ni Justin na seryoso ang mukha.

"Yung mga pinapagawa kong mga new guns kay Mr. Bhor nagawa nya ba ba?" kunot noong tanong ni Colbie. Tila nawala ang atensyon nya kay Haruka na naka yuko parin.

"Nasa kotse na lahat" pagtugon ni Justin.

"Good" malamig na sabi ni Colbie. Nakaramdam ng  kirot si Haruka sa kanyang dibdib nung nilagpasan sya ni Colbie na para bang isa lang syang hangin sa paningin ng binata. Hindi nya alam kung bakit pero nakaramdam sya ng sakit sa ginawa ni Colbie.

Naiintindihan naman nya kung bakit naging ganito sakanya nsi Colbie pero hindi nya lang mapigilan na makaramdam ng sakit. Pero hindi nalang nya ito ininda at pinuntahan si Tatsuya na busy-ing inaasikaso yung mga armas na naka latag sa mahabang lamesa.

"Where's Hiro?" tanong ni Haruka kay Tatsuya. Kumuha sya ng dalawang baril at nilagay iyon sa malaking box.

"Sumunod kela Colbie" sagot ni Tatsuya na naka tuon ang pansin sa hawak na malaking baril. Tumango-tango nalang si Haruka at hindi na nagtanong pa.

Bumabagabag kasi sa kanyang isipan si Megan at si Clyde. Walang dudang nasa kalaban ito ngayon. Maisip nya lang na may ginagawa itong masama sa mag ina ay parang naninikip yung puso nya.

Tulad ni Colbie ay ganun rin sya sa dalawa. Kailangan nya ding kumilos ng mabilis para matulungan sila Colbie sa pag ligtas kela Megan at Clyde. Pero ano ang maitutulong nya? Simula't sapol ay palagi sya ang iniisip at inililigtas dahil para sakanya ay mahina sya. Isa lang syang babaeng marunong magpagaling na taong may sakit. Hanggang doon lang sya.

Pero sabi nga kapag gusto may paraan kaya mag iisip sya ng magandang plano na makakatulong kela Colbie. Pero ano ngang klaseng tulong yun?

Saglit syang natigilan sa pag aayos ng mga baril para maka pag-isip. Mukhang napapansin sya ni Tatsuya dahil panaka-naka ang pag tingin nya kay Haruka na malalim ang iniisip.

"Hoy, kumilos ka nga. Ano naman iniisip mo?" takang tanong ni Tatsuya kay Haruka. Bumalik naman sa ulirat si Haruka at tumingin kay Tatsuya.

"A-ahh...w-wala" nauutal na sambit nya at nag patuloy sa pag ayos. Pero agad din syang natigilan nung may mag pop-out sa utak nya na magandang plano. Malapad syang ngumiti at nilapag yung baril sa lamesa.

"Tama. Tama. Dapat ayun nga ang gawin ko" mahinang sambit ni Haruka na naka ngiti.

"Oo tama ka. May tama ka na sa utak" palatak ni Tatsuya nung marinig nitong bumulong si Haruka. Pero sinamaan lang sya ng tingin ni Haruka. Napailing nalang sya at nag mamadaling umalis.

The Strongest HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon