Zombie 8: See him
Megan's POV
"Bakit ayaw mo silang harapin at kausapin?" takang tanong ni Haruka. Umiwas ako ng tingin sa kanya at tumingin nalang sa bintana.
"Hihintayin ko na munang gumaling kayong tatlo bago ko sila haharapin" ani ko habang naka dungaw sa bintana.
Sobra akong nagi-guilty sa ginawa ko sa mga tao lalong lalo na kela Haruka at Tatsuya. Napilayan yung dalawang binti ni Haruka kaya hindi sya maka lakad habang si Tatsuya naman ay muntik ng mag karon ng blood clot sa utak pero agad naman yun naagapan kaya hinihintay nalang syang magising. Si Hiro naman ay maraming pasa at maliliit na sugat sa katawan at mukha nya.
"Wag mong sisihin yung sarili mo sa nangyari kanina, Megan, dahil hindi mo naman ginustong mangyari yun" seryoso nyang sabi. Oo, tama sya pero hindi pa rin maganda ang mga nangyari kanina. Halos marami akong nasaktan na tao.
Umupo ako sa upuan na nasa gilid lang ng kama ni Hiro. Hinawakan ko yung isang kamay nya at hinimas himas iyon. Si Clyde naman ay natutulog sa kama ni Tatsuya. Nakayakap sya kay Tatsuya na may malaking benda sa ulo at may naka kabit na oxygen sa ilong.
Mukhang nalulungkot sya sa nangyari kay Tatsuya. Si Tatsuya kasi ang palagi nyang kalaro. Si Tatsuya ang nagbabantay kay Clyde kapag umaalis ako ng bayan nung nasa Japan kami.
Si Haruka naman ay mukhang mag papahinga na rin. Napatingin ako sa pintuan nung marinig kong may kumatok doon.
"Megan? s-si Yvonne ito. P-pwede ba akong pumasok?" tanong nya mula sa labas. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot.
"Pasok" ani ko at umayos ng pag kaupo. Bumukas naman ang pinto at niluwa non ay si Yvonne.
"M-megan" naiiyak nyang sabi at nag mamadaling lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Pumikit ako at niyakap sya pabalik.
"Diba kasama ka sa pagsabog ng helicopter? pero...p-pano.... nabuhay ka?" nagtatakang tanong nya.
"Nang dahil iyon sa binigay na chemical ni Bianca" pag sagot ko. Kumunot yung noo nya.
"Si Bianca Dixon Samonte?" kunot noo nyang tanong. Nag buntong hininga ako at tumango.
"Isa syang traydor at ganun rin si Mich. Kasabwat sila ng mastermind" sambit ko.
"What about the chemical? anong chemical ang binigay nya sayo? At bakit may kasama kang mga Japanese at sino...." binigyan nya ng tingin si Clyde na mahimbing na natutulog sa tabi ni Tatsuya at muling tumingin sa akin.
"Batang yan?" dagdag nya. Kumuyom yung kamao ko. Salamat naman at wala yung iba kundi mahihirapan ako na ipaliwanag sa kanila yung mga nangyari sa akin. Maganda na ito para maliwanagan na sila. Huminga ako ng malalim at kinuwento sa kanya simula nung sa pag sabog ng helicopter.
-----
"Anong pangalan nya Megan?" tanong ni Patricia habang buhat buhat si Clyde.
"Denzel Clyde" ani ko habang nag luluto ng pagkain. Ngumiti sya ng malapad at tumingin kay Clyde.
"Ang gwapo naman ng pangalan mo. Hi Denzel! ako ang tita Patricia mo but you can call me tita beauty if you want. Sige nga sabihin mo A E I O U. Say A"
"Honey bunch, hindi nga nakakapagsalita ang bata. Hayaan mo na" sabi ni Jai at kinuha si Clyde sa pag kabuhat ni Patricia. Ngumuso si Patricia.
"Nag ba-bakasakali lang naman na baka makapagsalita na sya!" parang batang sabi ni Patricia. Napailing nalang ako at tinuon ng pansin yung niluluto king pagkain.
Habang nagluluto ako ay lumapit sa akin si Nina.
"Ok na ba yung mga kaibigan mo, Megan?" tanong nya.
BINABASA MO ANG
The Strongest Hunter
AdventureBOOK 2 (COMPLETE) Mirror mirror on the wall who's the strongest of them all?