Zombie 38

4.6K 156 12
                                    

Zombie 38: Behind the secret plan

Haruka's POV

Nag tipon-tipon kaming lahat sa loob ng conference room para ipaliwanag sa amin ni Megan ang lahat tungkol sa nangyaring kaganapan. Ang tanging wala lang ay si Clyde dahil nasa kwarto ito at mahimbing na natutulog.

May mga swivel chairs na naka handa para sa amin at mahabang lamesa na gawa sa makapal na kahoy.

Si Megan at si Eren ang naka upo sa unahan habang si Colbie naka upo sa pangatlong upuan na malapit kela Megan. Napapagitnaan naman ako ni Hiro at ni Tatsuya at sila Nina, Yvonne, Patricia ay nasa harapan ko nakaupo. Habang sila Jai, Justin at si Tyler ay naka upo sa gilid ni Hiro.

"Sisimulan ko na ang paliwanag tungkol sa naging plano ko na nangyari lang kahapon" panimula ni Megan. Tumango tango naman sila habang ako naman ay hinihintay ang susunod na sasabihin ni Megan. Gusto ko na kasing malaman kung ano ang nasa likod na nangyaring kaganapan. Kung sino ang mga nakita ko sa safe zone? Kung bakit nandito sila sa harapan ko?

"Una, may nangyaring kaganapan na pinapunta ko ang mga sundalo ng Pilipinas at ng Amerika sa abandonadong pabrika. Iisa sa kanila ay pinaslang ko. Hindi sa gusto kong gawin yun kundi dahil sa karapatan para mangyari sa kanila ang ganung kaparusahan. Isa silang mga traydor ng safe zone dahil palihim silang nag lilingkod kay Marco at kay Sandy. Sila din ang dahilan kung bakit nag karon ng kaguluhan sa safe zone nung nakaraang siyam na taon. Hindi pa sila nakuntento dahil nagawa pa nilang mag nakaw ng mga nagawang bagong armas at ibinigay sa mga kalaban natin at palihim nilang sinasabi kay Marco kung ano ang mga nangyayari sa safe zone" mababang linya nya.

Kumunot yung noo ko dahil may naalala ako. Ayun ba yung umalis sya mag isa at pumunta sa danger zone? Mukhang yun nga dahil nakita ko din yung mga sundalo na lumabas ng safe zone.

"Pangalawa, pumunta ako sa teritoryo ng kalaban kasama sila kuya at yung iba pang mga sundalo. Pero may nangyaring kaganapan kaya kailangan naming umalis sa teritoryo nila. Pero mas pinili kong hindi na muna umalis at pinauna sila. Ginawa ko lang yun para harapan si Eren at ginamit sa kanya ang chemical na pwedeng ibalik ang mga alaala nyang naka limutan. Sinabi ko ang tungkol sa plano para matulungan nya ako tungkol doon" saglit syang tumingin kay Eren at muling tumingin sa amin ng seryoso.

"Sinabi ko sakanya na patayin ako. What i mean is mag papanggap sya na patayin o hindi kaya saktan nya ako sa harapan ng kalaban. Dinagdag ko sa plano na kunwaring patayin kayo at ng mga taong naninirahan sa safe zone para hindi na kayo idamay ni Marco at tanging ako nalang ang iisipin nyang target. Wala silang kaalam-alam na yung pinapatay nila ay isa lamang clone" kumunot ang noo ko sa huling sinabi ni Megan. Clone?

"Ano yung clone?" nag tataka kong tanong. Bigla akong natigilan nung lahat sila ay tumingin sa akin na para bang isa akong zombie. Kulang nalang ilubog ko yung sarili ko sa lupa dahil sa kahihiyan. Ako lang kasi ang kumibo at nag tanong sa mga sinasabi ni Megan habang sila naman ay seryosong nakikinig. Pakiramdam ko ay ako lang ata ang walang kaalam-alam sa mga nangyayari.

Hindi tumugon si Megan sa tanong ko at ngumiti lang sya. Tumingin sya sa pintuan at napatingin din ako doon. Bumukas ang pintuan at may pumasok na mukhang isang scientist dahil sa kanyang suot na laboratory gown at naka white gloves.

"Ayan na ba ang pinapakuha ko sayo, Mr. Bhor?" tanong ni Megan. Tumango ang lalaki na mukhang nasa edad 50's. Hindi ko makita ang dala nya dahil may nakatakip doon na puting kumot. Kasing tangkad ko yata yung dala nya dahil sa sobrang laki. Nagawang dalhin iyon ng Mr.Bhor dahil may pang hilahan sya na gawa na metal.

Dahan-dahang tinanggal ni Mr.Bhor ang nakaharang kumot sa dala nya at halos lumawa yung mata ko sa gulat dahil yung dala nya ay isa palang tao! Tao nga ba talaga yun?

The Strongest HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon