Zombie 41

4.6K 153 20
                                    


Zombie 41: Father?

Megan's POV

Saglit kong pinaalis si Eren ng kwarto para maka usap ko ng masinsinan si Clyde. Nung una nga ay ayaw nya pang umalis pero nung binigyan sya ng matalim na tingin ni Clyde ay naging maamong tupa ito at lumabas ng kwarto.

"Anak, halika nga dito" sambit ko at sinenyasan syang umupo sa tabi ko. Hindi naman sya nag salita at agad umupo sa tabi ko ng tahimik. Hinawakan ko yung dalawang kamay nya at daretsong tiningnan sya sa mata nyang kulay asul at pula.

"Mag salita ka nga ulit, anak" wika ko na matamnan syang tinitingnan. Baka guniguni ko lang yung narinig kong boses nya o hindi kaya ay isa lang itong panaginip?

"Mom" mariin akong pumikit at huminga ng malalim. Damn. Nakakapag salita nga sya. Pero bakit? Bakit hindi ko alam ang tungkol dito?

"P-paano ka nakakapagsalita, anak? K-kailan pa?" naguguluhan kong tanong. Ina nya ako pero bakit tinago nya sa akin ito?

Nag buntong hininga sya at seryoso akong tinignan.

"I can speak, mom. It's just that i can't show to you about this and the others" sabi nya na hindi makatingin sa akin. Parang may bumabagabag sa kanyang isipan na gustong sabihin sa akin pero mukhang pinipigilan nya yung sarili nya.

Hindi ako nag salita at nakatingin pa rin sakanya. Parang hindi maproseso sa utak ko na talagang nag sasalita na yung anak ko.

"B-bakit ayaw mong sabihin sa akin? Hindi ba ako mahalaga sayo kaya ayaw mong sabihin sa akin? Hindi mo ba pinagkakatiwalaan si mama? Hindi mo na ba ako mahal?" sunod sunod kong tanong. Hindi ko alam kung ano dapat ang maramdaman ko. Maging masaya ba dahil nalaman kong nakakapagsalita sya o makaramdam ng lungkot dahil ikaw ang ina na hindi kilala ng buo ang kanyang anak. Na may hindi ka pa nalalaman tungkol sa pag katao nya.

Ang inang katulad ko ay hindi kilala ng buo ang kanyang anak? Damn.

Sana kahit sa akin lang nya sinabi tungkol dito. Kahit sa akin lang. Pero hindi nya ginawa.

Naka yuko ako at ramdam ko yung pangigilid ng luha ko sa mata. Pero agad ko yun pinunasan at suminghot ng mahina.

Naka yuko lang ako nung maramdaman ko yung yakap ng anak ko sa gilid ng bewang ko. Pilit nyang sinisiksik yung ulo nya sa braso ko para mayakap ako ng mahigpit.

"I-im sorry, M-mom" bulong nya. Ramdam ko sa tono ng boses nya na mukhang nahihirapan sya at hindi sanay.

"Please don't get mad at me, Mom. I didn't mean to do this to you. I love you, Mom. Please don't cry" parang may kung anong humaplos sa puso ko dahil sa mga katagang sinabi ni Clyde. Ngayon lang sya nag sabi ng i love you gamit ang boses nya at nakaka taba ng puso yun para sa akin.

"Mahal din kita, baby. Basta't maging honest ka sa akin, ok?" sambit ko na naluluha. Hindi ko naman kasi mapigilang maging emosyonal ngayon dahil natutuwa talaga akong marinig yung boses ng anak ko.

Tumango-tango sya. Umupo sya sa akin ng paharap at sumiksik sa leeg ko.

"Mom, i want you to meet my friend. But the problem is he's not here. Maybe next time if i see him around" mahinang sambit nya na naka yakap sa akin. Kumunot yung noo ko dahil sa pag tataka.

"Friend?" naramdaman kong tumango sya.

"Yes, Mom. Friend. A special friend of mine" pag tugon nya na hindi nakatingin sa akin. Pakiramdam ko ay naka ngisi sya habang sinabi nya yun.

"Sinong kaibigan?" kunot noo kong tanong. Iba kasi ang pakiramdam ko sa sinasabi nyang kaibigan. Kailan pa nagkaroon ng kaibigan ang anak ko? Ang alam ko ay wala sa bokabularyo nya ang salitang 'kaibigan' May sarili syang mundo ay hindi nya hilig na makihalubilo sa mga tao.

"You will meet him soon, Mom" him? Ibig sabihin non ay lalaki yung kaibigan nya? Ang kilala ko lang na palagi nyang kalaro ay si Tatsuya, Hiro at si Haruka. Imposible naman na sila Justin, Jai at Tyler yun dahil minsan lang nya ito makasama.

"I feel sleepy, Mom. Can you lullaby me so i can sleep na?" napangiti ako dahil parang bata mag salita si Clyde. Ghad. My son is so cute! Gusto kong kurutin yung tungki ng ilong nya pero wag nalang dahil alam kong maiinis si Clyde. Ayaw nya kasing kinukurot yung ilong nya.

Kinarga ko sya at dahan-dahang gumiling habang humehele. Naka yakap yung binti nya sa bewang ko habang yung dalawang braso nya ay nakakapit sa leeg ko.

"Mom?"

"Yes, baby?" malambing kong tugon. Ang sarap lang pakinggan ang boses ng anak ko.

"I'm sorry mom but i don't want that guy to be my father" napawi yung matamis yung ngiti ko. Napahinto ako sa pag giling dahil sa gulat ng dahil sa sinabi.

"A-anong ibig mong sabihin anak?" takang tanong ko kahit alam ko yung tinutukoy nya. Baka mali lang ako ng pag kaintindi.

"Your friend named Eren what im talking about, Mom. Sorry but i don't like him as my father" malamig nyang sambit na ikinatigil ko. Did i heard it right? Ayaw nya kay Eren? But why?

"Sa ayaw at sa gusto mo sya pa rin ang ama mo. And he's not my friend, he's my long lost boyfriend, baby" mariin kong sabi. Mukhang hindi sya nagulat sa sinabi ko dahil malamig pa rin ang ekspresyon ng mukha nya.

"I don't care, Mom. All i want is you and papa Hiro. Period" seryoso nyang sabi at sumubsob na sa leeg ko. Sa ginawa nyang yun ay mukhang ayaw nya na munang pag usapan namin ito ngayon. Sarado pa yung tenga nya kaya ayaw nyang makinig.

Nag buntong hininga ako at nag simula na ulit humile. Mga ilang sandaling nakalipas ay nakatulog na si Clyde.

Dahan-dahan ko syang hiniga sa ibabaw ng kama at kinumutan. Pinatay ko na ang ilaw except sa lampshade na ang design ay bear.

Pag bukas ko ng pintuan ay agad kong nakita si Eren. Naka tayo at matamnan syang nakatingin sa akin. Bagsak ang mag kabilang balikat. Sa pinapakita niyang ekspresyon ay mukhang narinig nya yung pinagusapan namin ni Clyde.

Lumapit ako sa kanya at isinabit ko yung dalawang kamay ko sa leeg nya.

"Nabigla lang sya. Kaya wag ka ng malungkot. Intindihin mo nalang ang anak mo" pag susumamo ko. Ang lungkot kasi nya at ayoko ng ganun.

"Pero hindi nya ako gusto. T-this is my fault. Kung hindi lang ako nasama kay Sandy--" hindi ko na sya pinatapos dahil hinarang ko yung index finger ko sa malambot nyang bibig.

"Wag mong sabihin yan. Hindi mo naman sadyang mapunta sa babaeng yun kaya wag mong sisihin yung sarili mo. Ang isipin mo nalang ay paano ka makakapasok sa buhay ng anak mo. Yung ituturing ka na nyang ama, ok?" mahabang lintaya ko. Napangiti lang sya ng matamis at tumango na parang bata.

Tignan mo to. Nagiging malamig kapag may kasama kami. Kapag ako lang ang kasama nya lumalabas yung ganito nyang side. And of course i love that kind of side of him.

Nagulat ako nung nilapat nya yung labi nya sa labi ko. Saglit lang yun pero may kakaibang kuryente akong naramdaman galing sa labi nya.

Nakangiti syang tumingin ulit sa akin. Kita ko ang pag kislap sa mga mata nya.

"How i wish to make love to you all night. Pero wag muna ngayon. Si baby Denzel natin muna ang iisipin ko. Pero kapag natapos ko na ito humanda ka talaga sa akin" pilyo nyang sabi at inamoy amoy pa yung leeg ko. Napahagikhik ako at mahinang pinalo sya sa braso. Naka kapit ako sa balikat nya dahil nakikiliti ako sa ginagawa.

"Gusto ko yang naiisip mo, baby. Can we do it now? What do you think?" naka ngisi kong sabi. Natawa ako ng mahina nung napaawang yung labi nya na para bang hindi makapagsalita sa sinabi ko. Namula pa yung pisngi nya. Akala nya siguro hindi ako ganitong babae? Hell no. Kahit konti may pag ka-malandi din akong tao. At sa kanya lang ako magiging ganun.

Hindi pa sya nakaka recover sa sinabi ko nung nilapit ko sya sa akin at mapusok na hinalikan. Ramdam ko ang pag ngiti nya at mas diniin ang sarili sa akin.

The Strongest HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon