Zombie 6

6.3K 233 2
                                        

Zombie 6: He looks like

Nina's POV

LIVING ROOM

"Totoo ba yan? Naka contact lens kaba? Mag kano bayan?" sunod-sunod na tanong ni Patricia sa batang lalaki. Pero hindi sumagot yung batang lalaki kaya napanguso si Patricia.

"Wag mo masyadong kausapin, honeybunch. Baka natatakot yan sayo eh" sabi ni Jai kay Patricia na titig na titig sa batang lalaki.

"Baka pipe yan kaya hindi maka pag salita?" sabi ni Justin na kumakain ng pizza habang yung katabi nyang si Tyler ay kumakain naman ng mansanas.

Hindi ako kumikibo sa usapan nila dahil naka titig lang ako sa batang lalaki. Simula nung makita ko sya parang may naramdaman akong kakaiba na hindi ko mawari. Gusto kong malaman yung buong pangalan nya pero hindi naman sya nag sasalita.

"Guys, wala ba kayong napapansin sa batang yan? Parang may kakaiba" sabi ko habang nakatingin pa rin sa bata.

"Huh? Anong ibig mong sabihin, Nina?" nagtatakang tanong ni Patricia.

"He looks like Eren" sabi ni Tyler sabay kagat sa mansanas. Nanlaki yung mga mata ko at napatayo ng daretso sa sinabi ni Tyler. Tama sya! Kamukhang kamukha nya si Eren! Bakit hindi ko yun napansin kanina?

"Oo nga ano. Hindi kaya may nawawalang kapatid si Eren?" tanong ni Jai habang titig na titig sa batang lalaki. Sila Yvonne naman ay ganon din sa batang lalaki. Siguro ngayon lang din nila napansin na kamukha ng batang lalaki si Eren.

"Imposible yun, Honey bunch" umiiling na sambit ni Patricia.

Tumayo ako at lumapit sa batang lalaki. Lumuhod ako sa harapan nya at hinawakan yung dalawang kamay nya. Tinignan ko ng mabuti yung mukha nya at hindi ko maiwasang mapangiti dahil kamukhang kamukha nya nga talaga si Eren. Napaka ganda din ng mga mata nya. Hindi ko alam na may ganitong orbs ang nag kakaron sa isang tao.

"That's enough, guys. It's time to work!" sabi ni Yvonne at tumayo sa inuupuan nyang one seater sofa.

Habang nag aayos sila Yvonne sa pag alis ay hindi parin ako umaalis sa harapan ng batang lalaki. Nakatingin ako sa mga mata nya at ganun din sya sa akin. Naramdaman kong tumaas yung balahibo ko dahil malamig yung mga mata nyang nakatingin sa akin. Para lang syang si Megan kung makatingin.

* * *

Megan's POV

"Saan kayo bumili ng icecream?" tanong ko kay Tatsuya habang nag lalakad kami.

"Sa tapat ng simbahan kami bumili ng ice cream" pag sagot nya. Habang naglalakad kami ay inayos ko yung suot kong jacket at sumbrero para hindi ako makilala ng mga tao.

"Dito kayo bumili ng icecream?" tanong ko nung pag dating namin sa tapat ng simbahan. Tumango naman sya habang nililibot yung paningin sa paligid.

Nag lakad lakad kami sa buong simbahan at nagtatanong sa mga tao. Hindi ko maiwasang magalit dahil hindi ko pa rin nakikita si Clyde.

Palakad lakad lang kami ni Tatsuya nung makita ko sila Haruka at Hiro na palapit sa aming direksyon.

"Nagahanap na ako sa ibang lugar pero hindi ko pa rin sya makita" sabi ni Hiro.

"Nag tatanong naman ako sa mga tao pero wala daw silang nakitang batang lalaking palakad-lakad sa kalsada" ani naman ni Haruka. Napahawak ako sa sintido ko at umupo sa bench.

Tinakpan ko yung mukha ko at humagulgol sa iyak. Clyde Denzel, nasan ka na ba? Pinag-aalala mo na naman si Mama. Tumabi sa akin si Hiro at niyakap ako ng mahigpit.

"Wag ka ng umiyak. Mahahanap natin sya" bulong nya habang hinahagod yung likod ko.

"Haruka, mauna na kayong umuwi sa bahay ni Thina. Kami na muna ang mag hahanap kay Clyde" sabi ni Hiro kela Haruka. Tumango naman sila at umalis.

The Strongest HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon