Zombie 7: Dark-Blue AuraMegan's POV
Bigla akong nagising nung makarinig ako ng kalabog galing sa pintuan sa ibaba. Tumingin ako kay Clyde at nakita kong mahimbing itong natutulog. Pero wala na sila Thina at Haruka sa hinihigaan nilang pwesto.
Tumayo ako at lumabas ng kwarto. Nang pag kababa ko ng hagdan ay nakita ko sila Haruka, Tatsuya, Thina at Hiro sa harapan ng pintuan.
"Anong meron?" naka kunot kong tanong. Bakas kasi yung kaba at takot sa mga mukha nila. Napatingin ako sa pintuan nung may kumalabog na naman doon.
"Mga sundalo yun, Megan. Bawat bahay inaalam nila yung mga nakatira ng dahil yata nung isang araw nung hinabol tayo ng mga sundalo" pag sagot ni Haruka na yakap yakap si Thina.
"Kung tumakas kaya tayo? May labasan ba dito bukod sa main door?" tanong ni Hiro kay Thina. Tumango si Thina.
"Opo, doon kayo sa likod ng bahay. Pag labas nyo po ng bahay ay maliit na bakuran iyon" sabi nya.
"Kung ganon, bilisan nyo ng mag ayos ng gamit Tatsuya bago pa tayo mahuli dito" seryosong sabi ni Hiro. Tumango sila at nag mamadaling inayos yung mga gamit.
Habang nag aayos sila ay nag mamadali akong umakyat ng hagdan at pumasok sa kwarto. Nang pag kapasok ko ng kwarto ay nakita ko si Clyde na nakatayo at naka dungaw sa bintana. Lumapit ako sakanya at binuhat.
Palakad na dapat ako ng mapatingin ako sa bintana. Bawat bahay ay may sundalong kumakausap sa mga tao. May kung anong hawak sila na papel habang kausap yung mga taong kinakatukan nila ng bahay.
Mabilis kong tinakpan ng kurtina yung bintana nung may isang sundalong napatingin sa direksyon ko.
"Baby, kailangan nating makaalis dito. Kailangan nating makita yung tito Colbie mo ng patago" sabi ko at nag mamadaling sinusuutan sya ng makapal na damit at nilagyan sya ng sunglasses para hindi mapansin nung mga mata nya.
Tumango sya at kinuha yung teddy bear nya. Nag bihis din ako ng pulang jacket at sumbrero tulad ng sinuot ko kagabi.
Bakit ba hindi ko naisip na pwedeng mangyari ito? Natatakot ako na baka may mangyaring masama kela Hiro at sa anak ko. Kailangan na kailangan ko na talagang makita si Kuya ngayon.
Nagulat ako nung mas lalong lumakas ang pagkalabog ng pinto, kulang na lang ay masira iyon.
"Buksan nyo yung pintuan kung ayaw nyong maparusahan!!" rinig kong sigaw ng sundalo at patuloy pa ring kinakatok ng malakas yung pintuan. Binuhat ko si Clyde at pumunta na sa baba.
"Ok lang ba talaga sayo na maiwan ka dito, Thina?" nag aalalang tanong ni Haruka na may bitbit na mga bagahe.
"Opo. Basta mag ingat po kayo sa pupuntahan nyo" nakangiting sabi nya. Ngumiti si Haruka at kinis sya sa pisngi.
"Tandaan mo, Thina. Pag balik ko dito, kukunin kita" ani nya. Ngumiti si Thina at magsasalita na sana kaso natahimik sya nung kumalampag na naman yung pintuan.
"Mauna na kami" sabi ni Tatsuya at nauna ng lumabas. Sumunod naman kami nila Hiro at Haruka.
***
Marami na akong nababanggang tao dahil sa kakamadali ko. Nasa likuran ko lang sila Hiro na naka suot din na malalaking damit para hindi makilala ng mga tao lalong lalo na yung mga sundalo.
Napatigil ako sa paglalakad at ganun din sila Hiro nung mapunta kami sa harapan ng malaking gymnasium. Maraming mga tao at naka pila ito according sa gender.
May lumalapit sa kanilang mga scientist at may chinecheck sila na hindi ko mawari. May kung ano ding tinatanong sa kanila nung mga sundalo. Paalis na sana kami nung may tumawag sa aming sundalo.

BINABASA MO ANG
The Strongest Hunter
AventureBOOK 2 (COMPLETE) Mirror mirror on the wall who's the strongest of them all?