Zombie 16: Who are you?
Megan's POV
"Bunso, yuko!" rinig kong sigaw ni kuya na agad kong ginawa. Kita ng pheriperal vision ko kung paano binaril ni kuya yung zombie na dapat akong kakagatin sa likod. Bumagsak iyon sa lupa nung binaril iyon ni kuya.
Naka ngisi akong tumingin sa mga zombies at tinutok sa kanila yung dalawang baril na hawak hawak ko. Tumakbo ako at nagsimula ng barilin yung mga zombies.
"This is fun!" ngising sabi ni kuya na nakikisabayan din sa akin na patayin yung mga zombies. Hinampas ko sa panga yung zombie kaya napalayo ito sa akin. Nung pag kalayo nya ay doon ko na sya pinaulanan ng bala hanggang sa mamatay na sya.
"Kuya sa likod mo!" sigaw ko nung makita kong may papalapit kay kuya na zombie. Mukhang hindi nya iyon napansin dahil busy sya sa pag baril ng mga zombie na papasugod sa kanyang harapan.
Mabilis kong itunok yung baril ko sa zombie at pinaputukan iyon. Nagulat si Kuya at napatingin sya sa kanyang likuran kung saan yung zombie na nakabulagta na. Tumingin sya akin. Ngumiti sya at nag thumbs up. Tinanguan ko lang syabat nagsimula ng makipag patayan sa mga zombies na naka paligid sa akin.
Makalipas ng ilang minuto ay napatay na namin ni kuya lahat ng zombie. Hingal na hingal kami at naliligo pa kami sa maduming dugo.
Lumapit sa akin si kuya at tinap yung ulo ko.
"Ang galing mo pa rin sa ganito, bunso. Wala ka pa ring pinagbago" naka ngiti nyang sabi. Pero ako ay hindi ko magawang ngumiti sa sinabi nya. Hindi ako maka pag salita dahil sa naiisip ko ngayon.
"Hindi, kuya. Malaki na ang pinagbago ko. Sobrang laki na hindi mo na ako makilala pa. Isang halimaw ang nasa harapan mo ngayon" gusto kong sabihin yun kay kuya pero natatakot ako. Natatakot ako na baka matakot sya sa akin. Na baka layuan at katakutan na nya ako.
Sa totoo nga ay habang lumalaban ako ay ramdam ko ang kakaibang lakas sa loob ng katawan ko. Parang may nag wawalang halimaw sa loob ng katawan ko na hindi maka labas. Pero pinigilan ko lang ang malakas na awrang iyon dahil alam kong mapapahamak si kuya kapag nilabas ko ang totoong kakayahan ko.
"Yeah" yun nalang ang nasabi ko at pilit na ngumiti sa kanyang harapan.
Nilibot ko yung paningin ko sa kalsada. Kanina lang ay punong-puno ito ng zombies. Pero nung dumating kami ay nakahandusay nalang itong lahat at wala ng buhay. Naka kalat sila at napupuno ng dugo at lamang loob ang kalsada.
"Mag ga-gabi na. Kailangan na nating umalis, bunso" sabi ni kuya na nakatingin sa kanyang relo. Pansin ko nga na padilim na ang kalangitan. Hudyat na mag gagabi na. Tumango nalang ako sakanya bilang pag sagot.
Nag simula na kaming mag lakad ni kuya sa gitna ng kalsada na puno ng zombies na naka ha dusay sa lupa. Ramdam ko ang pagod kaya hindi ko maiwasang mapa hikab. Mukhang nabuhos ko na lahat ng lakas ko sa pag patay sa zombie.
Habang naglalakad kami ay biglang nag salita si kuya.
"Bunso, bakit hindi mo pa binibigay yung dugo mo kay Arnold? Ibigay mo na para matapos na tong laban. Para maging masaya na ang mga taong nabubuhay pa" lintaya nya.
"Hindi pa pwedeng mangyari yun ngayon. Sa takdang panahon na handa na ng lahat" simpleng sagot ko. Kita ng pheriperal vision ko ang kunot noo ni kuya na nakatingin sa akin. Marahil ay nag tataka sa sinabi ko.
"What do you mean?" takang tanong nya. Huminto ako sa paglalakad at hinarap sya.
"Hangga't hindi ko pa nakukuha si Eren sa kamay ng kanyang demonyong ama ay hindi ko pa ibibigay ang dugo ko" ani ko.
BINABASA MO ANG
The Strongest Hunter
AdventureBOOK 2 (COMPLETE) Mirror mirror on the wall who's the strongest of them all?