Zombie 3: Ready to go
Megan's POV
Naalimpungatan ako nung masilawan yung mga mata ko ng dahil sa sinag ng araw na nanggagaling sa bintana ng kwarto ko. Naka pikit ang mga mata ko habang nililibot ang kamay ko sa kama para hanapin ang unan. Pero nakakapagtaka lang dahil sobrang tigas naman yata ng hinahawakan ko?
"Hmmmm" bigla akong nanigas nung may marinig akong ungol. Dumilat ako at laking gulat ko na si Hiro pala ang katabi ko. Napatingin ako sa hinawakan ko at halos lumuwa ang mga mata ko.
"FUCK!!!!!" nandidiring sigaw ko. Tinulak ko sya ng malakas kaya bumagsak sya sa lapag.
"Aww!!" daing nya habang nakahawak sa balakang nya.
"What are you doing in my room?" inis kong tanong sakanya.
" Ohayō, watashi no ai. Umuwi kagabi dito si Tatsuya at ginamit yung kwarto ko kaya pumunta ako dito at nakitulog. (Good morning, my love)" paos nyang sabi habang kinukusot yung mga mata nya.
"Bakit sa kwarto ko pa? pwede namang kayo mag katabi ni Tatsuya diba?" takang tanong ko sakanya. Kumunot yung noo ko dahil humiga sya at ginawang unan ang dalawang binti ko.
" Shikashi, watashi wa anata to issho ni netai (But i want to sleep with you)" naantok nyang sabi. Mga ilang sandali ay lumalim na ang pag hinga nya na nagsasabing nakatulog na. Napangiti nalang ako at napailing.
Palagi ko nalang syang sinasabihan tungkol dito pero hindi nya naman sinusunod yun. Except nalang kung seryoso na talaga ang utos ko sakanya.
Narinig kong nag alarm ang digital clock ko at nakita kong 7 AM na pala. Dahan dahan kong tinanggal ang pag kapatong ng ulo ni Hiro sa binti ko para hindi magising. Tumayo ako sa pagkaupo at lumabas na ng kwarto.
----
Habang nag hahanda ako ng breakfast ay dumating na si Hiro. Buhat-buhat nya si Clyde na mukhang tulog pa.
"Tulog?" tanong ko habang nag sasalin ng gatas sa baso.
"Yup. Antok na antok eh. Pinatulog mo ba ito ng maaga?" takang tanong nya. Kumunot yung noo ko. Bago ako umalis ng bahay kasama si Hiro ay pinatulog ko na si Clyde. Lumapit ako at kinuha si Clyde sa pag kabuhat ni Hiro.
"Kumain ka na. Ako na ang bahala dito" sabi ko. Hindi naman sya nag salita at sinunod ang utos ko.
"Baby, wake up na. Wake up na" bulong ko habang tinatapik ng mahina ang pisngi nya. Napangiti naman ako nung dumilat ang mga mata nya at nakita ko ang asul at pula nyang mga mata.
"Good morning baby" nakangiti kong sabi. Kiniss nya ang pisngi ko at bumaba sa pag kabuhat ko. Lumapit sya kay Hiro at kiniss sa cheeks.
"Ohayo, Akachan" nakangiting sabi ni Hiro habang kumakain ng pagkain. Tumingin sya sa akin at sinenyasan akong umupo na. Hindi naman ako nag salita at tumabi sa kanya at nag simula ng kumain.
***
Nina's POV
Nang maubos ko yung bala ng sniper ko ay sinandal ko sa pader. Tumingin ako kay Tyler na busy bumaril sa mga zombies. "Bumaba na tayo, Tyler. Baka dumating na yung iba sa cafeteria" sabi ko.
Nandito kami ngayon sa tuktok ng gate. Dito kami naka assign ni Tyler para barilin yung mga zombies na kumakalat sa tapat ng gate ng safe zone.
"Timing! gutom na rin ako" sabi nya. Nilagay namin yung mga baril namin sa malaking kahon kung saan nilalagay ang mga baril at bumaba na.
----
Habang nag lalakad kami sa kalsada ay nakita namin sila Patricia at Jai na naka sakay sa kabayo. Bumaba si Patricia sa kabayo at lumapit sa amin.
![](https://img.wattpad.com/cover/117713193-288-k543832.jpg)
BINABASA MO ANG
The Strongest Hunter
AdventureBOOK 2 (COMPLETE) Mirror mirror on the wall who's the strongest of them all?