This chapter is for you rnprzbng_07!~
Grayson Jun
----
zombie 28: Cold
Haruka's POV
Namamasyal kami ngayon ni Clyde sa bayan. Wala kasi kaming magawa sa bahay kaya naisipan naming mag lakad lakad. Hindi sumama si Tatsuya dahil tinatamad daw ito habang si Hiro naman ay hindi ko alam kung nasaan ngayon. Palagi na ngang wala yung lalaking yun sa Bahay.
Habang nag lalakad kami ay nakita ko sila Yvonne at yung iba pa na nag uusap sa track nila. Nung makita nila kami ay kumaway sila.
"Hi Haruka!~ Hi Clyde!~" magiliw na pag bati ni Patricia. Pero napanguso sya nung hindi sya pinansin ni Clyde. Saglit nya lang itong tiningnan at tumingin sa ibang direksyon. Nag mukha tuloy syang hangin sa paningin ni Clyde.
"Snobber" bulong ni Patricia. Narinig ko yun dahil napatawa ako ng mahina.
"Mabuti at napamasyal kayo dito. Akala namin mag kukulong na kayo sa bahay ni Colbie. Speaking of Colbie naka score na ba sya syo? " biro ni Justin. Sa sinabi nyang yun ay namula yung buong mukha ko. Ano bang klaseng tanong yun? Napa daing sya nung siniko sya ni Yvonne.
"Manahimik ka nga! Bayagan ko yang ibon mo eh!" asar ni Yvonne. Napasimangot naman si Justin habang sila Nina at Patricia naman ay natatawa nalang at si Tyler at Jai ay naka ngisi ng nakaka loko.
"Hindi ito ibon! Agila kaya ito" ngising sabi ni Justin.
"Ah talaga?" naka taas pang sabi ni Yvonne na para bang nang-aasar. Mukhang nakalimutan na yata nila na nasa harapan nila kami.
"Nako, ang sabihin mo gusto mo lang makita yung pare ko. Wag ka na kasing mahiya. Gusto ka na nga nyang ma-meet gusto mo ipakilala kita mamaya?" ngising tanong ni Justin.
"Ewww!!!" nandidiring sigaw nila Patricia at Nina. Sila Tyler at Jai naman ay humagalpak ng tawa. Nag apiran pa ito na para bang naeenjoy sa ka pilyuhan ni Justin.
"Subukan mo lang, Justin Trainor kung ayaw mong mawala sa landas yang pare mo!" sigaw ni Yvonne na namumula pa ang mukha.
"Manahimik nga kayo! Alam nyo naman na may bata tayong kasama eh" inis na sabi ni Nina. Tumango tango pa si Patricia. Hindi naman nag salita pa sila Justin at Yvonne. Pero itong si Justin ay pasimple pang aakbayan si Yvonne. Pero agad syang siniko sa sikmura ni Yvonne kaya napa ngiwi sa sakit si Justin habang naka hawak sa sikmura nya. Napailing nalang ako. Hindi ko alam na ganito pala sila magkasama. Pero kahit ganon ay ang saya nilang tignan.
"Nasan na si Megan? Alam nyo ba kung kailan sya babalik?" nag tataka kong tanong. Sabi kasi sa akin ni Megan na babalik sya ng gabi nung araw syang umalis. Pero lumipas na ang hating gabi ay wala pa rin sya hanggang ngayon.
"Pasensya na, Haruka pero wala pa kaming alam tungkol dyan. Pati na rin si Colbie wala ring alam kaya ayun, sobrang nag aalala yung tao" pag sagot ni Nina. Kumunot yung noo ko. Simula nung mag usap kami nung gabing yun ay hindi ko na sya nakita. Saan naman kaya nag lakbay yung hinayupak na yun?
"Nasan pala yung pangit na yun?" kunot noo kong tanong. Humalakhak sila ng malakas na para bang nag sabi ako ng jowk. Nag jo-jowk ba ako?
"Tinawag mong pangit si pareng Colbie?" hindi makapaniwalang tanong ni Jai. Naka kunot akong tumango. May mali ba sa sinabi ko?
"Oo. Pangit naman talaga yun eh. Gwapo ba yun? San banda?" mas lalong lumakas yung tawa nila kaya napatingin naman amin yung mga taong napapadaan sa gawi namin.
BINABASA MO ANG
The Strongest Hunter
AdventureBOOK 2 (COMPLETE) Mirror mirror on the wall who's the strongest of them all?