Zombie 44

5.4K 123 4
                                        


Zombie 44

Megan's POV

Pag mulat ng mga mata ko ay agad bumungad sa aking paningin ay si Eren. Bakas sa mukha nya yung kaba at takot at hawak-hawak nya yung isa kong kamay na naka dextrose.

"Fvck. Y-youre awake! May nararamdaman ka ba? May masakit ba sa katawan mo? Tell me" sunod sunod nyang tanong at panay ang halik sa likod ng palad ko at marahan iyong hinihimas.

Hindi ako nag salita at tulalang nakatingin lang sakanya. Wala akong maalala kung bakit ako nandito. Ang huli kong naalala ay pumasok kami ng anak ko sa kwarto ng laboratory ni Arnold.

Bigla akong natigilan nung maalala ko ang anak ko. Inilibot ko yung paningin ko sa kabuuan ng kwarto pero walang bakas ng anak ko. Tanging kami lang ni Eren dito sa loob ng kwarto.

"Nasan ang anak natin?" tanong ko at tumingin sakanya.

"Kasama si Hiro. Ok na ang anak natin pero may kaunting galos lang sa katawan nya" nakahinga ako ng maluwag. Mabuti't maayos na ang anak ko. Sa akin kasi mukhang napuruhan yung katawan ko. Parang lantang gulay yung mga buto ko dahil hindi ko masyadong magalaw yung katawan ko lalo na yung binti ko. Nahihirapan din akong makahinga kaya siguro may naka lagay na oxygen sa ilong ko.

Pansin ko na hindi na umimik si Eren. Binalot kami ng katahimikan at parang nagpapakiramdaman. Nakatingin lang ako sakanya habang sya naman ay nakatuon ang pansin sa kamay kong hawak nya. Nilalaro nya yung daliri ng kamay ko at parang ang lalim ng iniisip nya.

"Eren" mukhang ang lalim nga ng iniisip nya dahil hindi ko makuha yung atensyon nya. Nanatiling nakatingin pa rin sya sa kamay ko.

"Eren" tawag ko ulit sabay pisil ng kamay nya. Doon na sya napatingin sa akin. Nagtataka syang nakatingin sa akin.

"Are you saying something, baby?" takang tanong nya. Malalim akong nagbuntong hininga.

"Your spacing out. Is there a problem?" nag aalala kong tanong at matiim syang tinignan sa mata. Peke syang tumikhim at umiwas ng tingin sa akin.

"I-i don't have a problem" nauutal nyang pagtugon na hindi sa akin makatingin. Saglit akong hindi nag salita at tinitigan sya. Sya naman ay panay ang iwas ng tingin sa akin. Alam kong nagsisinungaling sya.

"Pwede mo namang sabihin kung anong gumugulo sa isip mo diba? Yung totoo?" pag susumamo ko. Mukha kasing may dinadala syang problema at ayoko namang sarilinin nya iyon. Ngayong magkasama na kami ay kailangan naming magtulungan at sabay na harapin ang problema.

Narinig kong nagbuntong hininga sya at yumuko.

"Nag-aalala kasi ako, baby, sa pwedeng mangyari sa atin one of these days. Hindi ko maiwasang matakot dahil baka may mangyaring masama sa atin lalong lalo na sayo at yung anak natin. Lalo na't nalaman kong nagsisimula ng humakbang sa plano si dad" maemosyonal nyang hinalikan ang kamay ko at malamlam sa aking tumingin.

"Hindi ko kayang mawala kayo sa buhay ko, baby. Pwede kong ikamatay kapag nangyari yun"

"Eren" mahinang bigkas ko nung makita kong may tumulong luha sa malamlam nyang mga mata. Kita ko ang takot at kaba sa mga mata niya.

"I love you and our son, baby kaya lahat gagawin ko para lang maipagtanggol ko kayo. Kahit ang ama ko na ang magiging kalaban ko ay hindi ako mag dadalawang isip na kalabanin sya. Kung ang kasagutan lang ay ang patayin sya ay gagwin ko yun para lang maging ligtas kayo. I love you so much, baby" hindi ko rin maiwasang mapaluha dahil sa mga katagang sinabi nya. Ramdam ko ang mainit nyang pagmamahal sa bawat salitang binitiwan nya. Kahit ang ama na nya ang magiging kalaban nya ay hindi sya mag dadalawang isip na kalabanin ito para lang sa amin ng anak nya. Ganun nya kami kamahal.

The Strongest HunterMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon