Zombie 47

4.2K 129 12
                                    


Zombie 47

Eren's POV

Hindi pa ako naipapasok ng dalawang lalaki sa magiging kulungan ko ng biglang may sumabog sa kung saan. Kasabay na doon ang putukan ng baril.

Nawala ang atensyon sa akin ng dalawang lalaki kaya mabilis kong kinuha yung baril ng lalaki na naka sabit sa bewang nya. Kinasa ko yun at pinag babaril yung mga ulo nila. Nung mamatay na sila ay agad akong tumakbo paalis.

Bigla akong napatigil sa pag takbo nung makarating ako sa laboratory. Nag kakagulo ang mga scientists at hindi alam kung saan pupunta. Magulo yung mga gamit kasama na doon ang mga nasusunog na kwarto na mukhang pinasabog.

Maraming naka paligid na armadong lalaki habang nakikipaglaban labanan sa mga sundalo ng safe zone. Nanlaki yung mga mata ko nung makita ko sila Colbie pati sila Tyler.

"Eren!" narinig kong may tumawag sa pangalan ko at hinanap ko kung sino yun. Napadako yung tingin ko kay Hiro na tumatakbo papalapit sa akin.

"Nasan na sila Megan at Clyde?!" madiin at hinihingal nyang tanong. Mukhang kanina pa sila napalaban dahil sa sobrang dungis ng mukha nya.

"Nasa main laboratory sya ni dad. Nagsisimula na sila sa masamang plano kay Megan. Hindi ko naman alam kung saan tinago si Clyde" maalala ko lang yun sa isipan ay para na akong pinapatay. Hindi ko kayang mawala si Megan sa buhay ko. Hindi ako makapaniwala na magagawa nya ang ganung bagay para lang mailigtas ako at ng anak namin.

Nakita ko syang tumango tango.

"Sige. Unahin na muna natin si Megan tapos si Clyde naman ang isunod natin" sabi nya. Seryoso akong tumango at tumakbo papunta sa main laboratory.

----

Third Person's POV

Halos lumuwa na yung mga mata ni Eren nung pagpunta nila sa main laboratory. Habang si Hiro naman ay napa hawak sa kanyang bibig at gulat na nakatingin sa naka palibot na mga scientists na wala ng buhay.

Pinutol nila yung tingin sa mga bangkay at hinahap si Megan. Pero umabot na ng ilang minuto sa pag hahanap ay hindi pa rin nila nahahanap si Megan.

Papasok na sana si Eren sa isang kwarto nung may marahas na humila sa kanya at tinutukan sya ng injection. Napasinghap sya ng makita nya kung sino yun. Wala ng iba kundi ang ama nya. Nakangisi ito ng mala demonyong nakatingin sakanya.

"Huwag mong subukang lumaban kung ayaw mong maging zombie" sabi ng kanyang ama na tinutukan sya ng injection na ang laman ay virus na may halong dugo ni Megan.

Hindi maiwasan ni Eren na matakot. Natatakot dahil nag upgrade pa lalo ang virus na ginawa ng kanyang ama. Alam niya na magiging zombie ka agad sya kapag tinurkan sya nito. Malakas na ang virus dahil may halo na ito ng dugo ni Megan.

Handa naman syang mamatay. Pero hindi pa ngayon. Kailangan nya munang iligtas ang mag ina nya bago sya mawala sa mundo. Hindi nya mapapatawad ang sarili nya kapag hinayaan nya lang na mahirapan at mamatay ang mag ina nya.

"Napaka swerte mo talaga, anak sapagkat ako ay minalas. Pero dibale. Mamatay ako na kasama ka. Mag sasama na tayo sa impyerno kasama ng ina mo!" napa tiim bagang sya sa sinabi ng kanyang ama. Hindi sya makapaniwala na hahantong sila sa ganitong sitwasyon.

Hindi ganito kasama ang kanyang ama nung mga oras na nabubuhay ang kanyang ina. Isa syang mapagmahal na ama nung mga oras na iyon. Pero nag kakamali pala sya dahil ang taong nasa harapan nya ngayon ay isang demonyo.

Wala syang nagawa kundi ang mag pahila sa kanyang ama palabas ng main laboratory. Habang si Hiro naman ay naka tanaw lang sa mag amang paalis. Hindi nya magawang ipagtanggol si Eren dahil natatakot sya na kapag lumaban sya ay may gawing masama ang ama ni Eren kay Eren.

---

Malalaki ang mga hakbang ng anim na armadong lalaki. Ang nasa harapan ng lima ay ang kanilang leader. Seryoso ang mga itong nag lalakad sa magulong hallway.

"Nalaman nyo ba kung bakit naka pasok yung mga kalaban?" tanong ng leader sa lima.

"Napag-alaman po naming may nagpapasok sa kanila dito. At i-isa sila mga scientist dito" biglang napa hinto sa pag lalakad ang kanilang leader kaya huminto din sila sa pag lalakad. Kunot noo silang tinignan ng kanilang leader.

"Sinong mga scientist?" madiing tanong ng leader. Tiim bagang din sya na kulang nalang ay sumabog na dahil sa galit.

"Ang pangalan po nila ay Ken At Cathy, sir" pag sagot nung isa. Mas lalong nag init ang ulo ng leader na mukhang nakilala nya agad kung sino ang mga taong nag papasok sa mga kalaban nila.

"Hanapin nyo yung dalawang yun at dalhin sa akin. Kayong dalawa naman ay sumunod sa akin" bakas ang pag kamaawtoridad sa boses ng leader. Tumango yung tatlo at nagmamadaling lumisan habang ang dalawa ay sumunod sa kanilang leader papunta sa kwarto ni Clyde.

Nung nasan harapan na sila ng kwarto ng bata ay nag labas ng susi yung isa at ipinasok iyon sa key hole ng pintuan. Nang pag kabukas ng pintuan ay agad silang pumasok sa loob ng batang lalaki.

Pero ganun nalang pag kagulat nila nung maka-kita ng malaking butas sa flooring. Sobrang lalim ng butas na mukhang binungkal ng kung sino.

Galit na nilibot ng leader sa kabuuan ng kwarto at walang bakas ng batang lalaki na lalo nyang ikinagalit.

"Sir, baka ito po ang ginamit pang labas ng bata" sabi nung isa na nakatingin sa malaking butas.

Walang kaalam-alam ang tatlo na may patagong nag mamasid sa kanila. Matiim itong nakatingin sa kanilang tatlo.

"Mag tawag pa kayo ng maraming tauhan" galit na utos ng kanilang leader. Tumango ang dalawang lalaki at palabas na sana sila nung malakas na sumara ang pintuan.

Nakaramdam sila ng takot at kaba dahil wala namang katao-tao sa pintuan at kusa nalang itong sumara. Maski ang kanilang leader ay nakakaramdam na rin ng takot.

Napa kunot ang noo ng leader nung may tumulong likido sa kanyang noo. Naka kunot syang pinunasan iyon. Nagtakansya dahil sobrang lapot ng likidong tumlulo sakanya. Nag tataka syang tumingin sa dingding at gayon nalang ang gulat nya nang makakita ng hindi malamang tao o halimaw ng ba.

May butas sa dingding at kita nya sa loob non ang halimaw na nanlilisik ang mga mata. Sumigaw sya ng malakas gayun din ang dalawa nung makita ito.

Bumaba ito sa mula sa butas ng dingding. Nagulat sila nung napag-alamang isa itong delikadong oso. Sobrang laki nito at nakakatakot tignan lalo na ang mapula nyang mga mata na masama kung makatingin. Meron din syang mahabang kuko at matutulis na pangil sa loob ng bibig.

Natatakot silang napaurong nung humakbang ito palapit sa kanila. Nanlaki yung mga mata nila nung makita ang batang lalaki na si Clyde na nasa likuran ng oso. Nakatago lang pala ito sa likod ng oso at ngayon ay naka sampa na ito sa balikat ng oso at malamig silang tinitingnan.

"Kill them, Rocky" walang emosyong sabi ni Clyde sa kanyang kaibigan na oso. Hindi pa sila nakakakilos nung agad silang sinunggaban ng oso. Nakita nalang nila na duguan na sila. Napaawang yung bibig nila nung makita nilang may lumabas na lamang loob sa sikmura nila. May lumabas na dugo sa bibig ng leader at nanghihinang tumingin sa oso at nakita nya yung mga kuko nitong puno ng dugo. Marahil sa kanila nanggagaling yung dugo nito.

Muling itinaas sa ere yung kamay ng oso sa harapan nilang tatlo sabay kalmot sa binti nila. Sa sobrang tulis ng kuko ng oso ay parang nahiwa na yung mga binti nila.

Nanghihina silang bumagsak sa flooring hanggang sa binawian na ng buhay.

The Strongest HunterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon